Tinapay ni Nena by Jericho Araneta

28 0 0
                                    

*ONE SHOT*


Tinapay Ni Nena


AN: oooops! Wag green minded. Isa po itong one shot story. 


Maaga palang gising na ako. Maaga kasi ang pasok namin ngayun mga eight. Pagkatapos kong maligo ay bumaba na ako ng kwarto ko at pumunta sa hapag kainan.


"Hello ate Nena." bati sa akin ng nakakabatang kapatid ko na si Jun. Nginitian ko siya at umupo na. Nagsimula na akong kumain.


Kumuha ako ng itlog at kanin. Di kasi ako sanay ng kumakain ng tinapay at hot dog lang. Pagkatapos ko kumain ay nagbabye na ako at nagpahatid kay manong papuntang school.


Nga pala im Hanna Joy Samaniego aka Nena. 15 years old nakatira sa blah blah blah blah. Lawyer ang daddy ko fashion designer naman si mom.


Ilang minuto lang ay nasa school na kami. Bumaba na ako ng kotse at nag-thank you kay manong.


Pagkapasok ko pa lang sa school ay agad na sumalubong sa akin...


"Nena!" sigaw ni Clark at bigla akong niyakap. Bigla naman bumilis yung tibok ng puso ko. At syempre alam niyo na naman ang dahilan.


"Miss me?" nakangising tanong ko.


"Tinatanong pa ba yan? Hahaha." kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at holding hands na naglakad kami papunta sa room namin.


Swerte ko talaga! Friend ko ang love ko. Kaso ang malas nga lang! Di niya ako love!


Pagkapasok namin sa room ay nakangisi sa amin yung mga kaklase namin. Pero sanay na ako. Halos araw-araw naman nila kaming inaasar na mag-syota kami. Tapos ako todo deny pero sa totoo kinikilig. Pero alam niyo ang nakakapagtaka kung bakit di niya dine-deny?


Minsan tuloy nag-a-assume ako na baka crush o gusto din ako ni Clark. O baka ayaw lang niya i-deny para walang dumikit na mga babae sa kanya at magbigay ng mga kung ano-ano.


Gwapo naman kasi tong si Clark. Nakakaakit ang titig. Kulay abo ang kulay ng mga mata niya. Matangos ang ilong. Matangkad o sabihin na lang natin na tall dark and handsome!


Kaya nga siguro kahit mga teacher pag nadadaanan si Clark o nakikita man lang kinikilig ang kigul.


Naupo na kami sa kanyang kanyang upuan namin ng dumating na yung teacher namin para sa Filipino.


—-


"Grabesh! Sakit sa ulo talaga ng math!" sabi ko habang kumakain.


"Hahahaha, kahinaan mo talaga ang math." sabi ni Clark habang tumatawa.


"Sinabi mo pa!"


Totoo nga yung kasabihan na pag magaling ka sa English bobo ka sa Math. Pero bakit si mama? Magaling sa english magaling din sa math? Nakaka-chaka talaga ang life!


Minsan naiisip ko tuloy. Baka hati yung pagiisip ng utak ko kaya ganun!


"Uy, penge nga ng tinapay." Hingi ni Clark. Kukunin na sana niya yung tinapay pero pinigilan ko siya. Nagtatakang tiningnan niya ako.


"Bawal." sagot ko sa kanya. Lalong kumunot yung noo niya. Haist! "Ganito kasi yun Clark. Sa amin kasi pag pinagsaluhan ng dalawang tao ang isang tinapay it's mean we're a lover except sa pamilya mo. Pero pag nanghingi ka sa akin ng tinapay at binigyan kita it's mean na mahal kita o gusto." paliwanag ko sa kanya.


"Kaya pala pag kumakain ka ng tinapay di ka namamahagi?" tumango ako.


*Halloooooo... May nagtetext....*


Kinuha ko yung cp ko at tiningna yung text.


"Clark, i'll go ahead na, pinatatawag ako sa guidance office eh."


"Okay." Kinuha ko yung bag ko at umalis na.


Hay! Buti talaga napigilan ko si Clark na makuha yung tinapay ko. Oo gusto ko siya! Pero ako ba gusto niya? Saka ba't naman kaya ako pinapatawag sa guidance office? Ang alam ko pinapapunta lang doon sa guidance office ang mga estudyante pag may nagawang kasalanan? Ba't kaya ako pinapatawag?


—-


"Nena!" Sa pagkakasigaw pa lang kilala ko na kung sino yung tumawag sa akin.


"Clark, anong ginagawa mo dito?"


"Nagpapahangin dito sa park." sagot niya. "Upo muna tayo doon sa upuan." Pumunta kami doon sa upuan at naupo. Inabot niya sa akin yung isang softdrink tapos inilapag niya sa gitna namin yung... Tinapay.


Kumuha siya pero ibinigay niya sa akin. Tumanggi naman ako. Dahil pag tinanggap ko yun ibig sabihin lang nun na may gusto ako sa kanya. Pero dahil makulit ang lolo niyo ayun napayag niya riin ako na kainin yung tinapay na ibinibigay niya sa akin. At ang nasabi ko na lang sa sarili ko 'bahala na'. Kumuha na rin ako doon sa lalagyanan ng tinapay na binili ni Clark.


Kukuha pa sana ako ng mapansin ko isa na lang yun kaya di ko na kinuha. Para kay Clark na lang yun. Pero nagulat ako ng hatiin niya yun at ibinigay sa akin. Nagtatakang inabot ko naman.


Namumula yung pisnge ko habang kinakain yung tinapay. Ng maubos yun agad na tumayo ako para makaalis na agad. Pulang pula na kasi ako. Di ko na keri! Ma ala mars sa pula na kasi yung pisnge ko.


"Aalis na—-"


"T-teka lang. Di ka ba nagtataka kung bakit ko ginawa yun?"


"Huh? Yung alin?" Kunyari di ko alam pero sa totoo alam ko yung tinutukoy niya.


"Y-yun... Yung ginawa natin sa mga tinapay. Tapos hinati ko sa dalawa yung tinapay."


"Hindi eh..." Tumalikod na ako. "Ba-by—-" nagulat ako ng bigla niyang hatakin yung kamay at hinalikan ako.


"Akala ko sa math ka lang bobo pati din pala dito. Alam mo bang mahal kita?!"


End.

ONE SHOT STORIES (c) LBOS WritersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon