"Soraya!"
Magkasabay kami napabangon ni Marcus sa higaan many makarinig ng malakas na sigaw sa labas ng kanilang bahay.
"Si Nanay!" taranta ko nilingon siya. "Ano gagawin ko?"
"Just stay here!" He let out. Kinuha niya ang kaniyang t-shirt na nasa sahig, at dali-dali sinuot sa sarili. He looked at me. "Ako ang haharap sa kaniya"
Dahil hindi ako mapakali, sumunod ako kay Marcus pababa.
"Saan si Soraya?" nadinig ko nanggalaiti wika ni Nanay. "Iharap mo siya sa akin, Marcus"
Takot. Iyon ang nararamdaman ko. Nagtago ako sa likod ng pintuan. I bit my lower lip. Pinapakinggan ko lamang ang pag-uusap ng dalawa.
"Ahm, tita please 'wag po kayo sumigaw" mahinahon pakiusap ni Marcus. "Pinagtitinginan tayo ng mga kapit-bahay"
"Wala ako pakialam. Ilabas mo ang kaladkarin babae 'yan, nang maturuan ko ng leksyon"
"Ano po ang problema niyo kay Soraya?"
"Problema? Hindi ba niya naisip na kalandian ang ginawa niya. Sa halip na umuwi sa bahay, dito siya tumuloy. Ano mag-asawa na kayo? Gawain ba 'yan ng matino babae."
Napapikit ako, at huminga ng malalim. Tama si Nanay. Nawala sa isip ko na mali ang magpalipas ng gabi sa bahay ng lalaki, gayon mag-nobyo palang kami. Hindi matino gawain iyon. At mas lalo pa ako natakot at na-guilty dahil sa nangyari sa amin ni Marcus kagabi. Kapag natuklasan ito ni Nanay, tiyak na lalo lamang ako malilintikan.
"Pasensiya na po, Tita" Marcus apologized.
"Nay!" sambit ko nang tuluyan ako humarap kay Nanay.
"Litse!" Mabilis niya hinakbang ang pagitan namin. Atsaka mariin hinawakan ang aking kanan braso. "Halika ka dito"
"Aray, nay" impit ko. Ang sakit ng pagkakahawak niya, pakiramdam ko ay mababali ang aking mga buto anuman oras sa sobra higpit ng hawak ni Nanay.
"Tita, bitawan niyo po siya"
Hindi pinakinggan ni Nanay si Marcus. Patuloy lamang ako kinakaladkad niya palabas ng gate nila Marcus. At nang makalabas ay pwersahan niya ako itinulak sa semento. Tumama ang aking siko rito, at alam ko nagdulot ito ng sugat dahil sa mayroon ako naramdaman hapdi.
Luminga ako sa aming paligid. May iilan kapit-bahay na nakikiusyoso sa nangyayari. Nakaramdam ako ng hiya, kaya yumuko na lamang ako. At unti-unti umaagos ang mga luha sa aking mata.
Tumingin ako kay Marcus hindi siya makalapit sa akin dahil pinipihilan siya ni Eva. Hindi na ako magtataka kung bakit sumugod si Nanay rito. Alam ko nagsumbong si Eva.
"Lintik ka talaga! Sa halip na magtrabaho ka para may ibigay na pera sa amin, umuwi ka para makipag-landian kay Marcus"
"Umuwi lang na man po ako" mahina paliwanag ko. "para kumustahin si Marcus at babalik na man po ako kaagad sa pinagtratrabuhan ko"
"Kumustahin?" Hindi makapaniwala turan ni Nanay. "Umuwi ka lang para sa walang kwenta pangungumusta 'yan. Eh, pwede na man sa cellphone daanin, hindi ka nag-iisip. Nagsayang ka pa ng pamasahe."
BINABASA MO ANG
HEAVEN BE WITH YOU
RomanceThere are two sides of Heaven-Karma and Happiness. We can receive 'heaven' based on what we do unto others. Either, you can have your good heaven (happiness) or you can receive a bad heaven (karma). Soraya was betrayed and wounds by her loved ones...