Isang nakakabingi sampal ang iginawad sa akin ni Nanay, tila namanhid ang aking pisngi dulot n’to.
“Lintik ka talaga, 'di ba sinabi ko sa 'yo huwag ka sumasali sa singing contest na 'yan,” sigaw niya. “At kabilin-bilin ko 'di ba, na huwag mo iwan ang bahay na walang tao.”
Ang ganda naman ng pasalubong nila sa akin. Sobra nakakataba na man ng puso. Sermon at sampal talaga, ah! Hindi na nga ako kasama sa bakasyon nila, tapos ganito pa ang matanggap ko pag-uwi nila.
“Napakatigas talaga ng ulo mo. Bakit hindi ka tumulad kay Eva?”
Bakit ba hinihiling nila na gayahin ko si Eva? Hindi kailanman ako magiging si Eva, dahil ako si Soraya. Kailan ba nila makikita na magkaiba kami ni Eva? Kailan magiging pantay ang trato nila sa akin? Kailan nila makikita na anak din nila ako?
Dinuro ni Nanay ang aking kanan sentido.
“Mabuti pa si Eva, hindi kami binibigyan ng sakit sa ulo. Lahat ng sinasabi namin sinusunod niya. Tularan mo nga siya, para sakali matuwa kami sa 'yo, Soraya.”
I bit my lower lip. “Pasensiya na po. Hindi na po mauulit, Nay. Hindi na po kita susuwayain, lahat ng bilin niyo ay tatandaan ko. Sorry po.”
“'Yan kasi pasaway,” gatong ni Eva habang naka-krus ang dalawang braso, at nakangisi sa akin. Siya ay nasa tabi ni Nanay. “Gusto yata palagi napapagalitan at nasasaktan.”
Yumuko na lamang at hindi na umimik. Hindi ko pwede patulan si Eva, tiyak na mas lalo lang ako pag-initan ng ulo ni Nanay.
“May nakakita ba sa inyo ng pera ko sa wallet ko?”
Magkasabay naming nilingon si Tatay.
“Bakit wala na laman ‘to? Wala na man iba kukuha ng pera, kundi ang mga tao sa loob ng bahay na ‘to…kaya sino sa inyo ang kumuha?”“Aba malay ko, Wilbert,” kibit-balikat ni Nanay. “Alam mo na man hindi ko pinapakaelaman ang pera mo nang hindi nagpapaalam sa ‘yo, ‘di ba?... kaya sinisiguro ko sa 'yo na hindi ako ang kumuha.”
“Mas lalo naman hindi ako, Tay,” agaran segunda ni Eva.
Nagkaroon ng sandali katahimikan, hanggang sa akin napunta ang kanilang mga tingin. Tingin palang nila, alam ko na kung saan ‘to patungo.
“Soraya...” pagkuha sa akin ng atensiyon ni tatay.
“Tay…” tangi sambit ko na lamang.
“Naiwan ko r’to sa bahay ang wallet ko kahapon, at ikaw lang ang naiwan rito, kaya umamin ka na hangga’t hindi pa nag-iinit ang ulo ko.”“Tay, hindi po ako,” depensa ko. “Hindi ko nga po alam, ang tungkol sa pera niyo. Wala po ako kinuha, Tay. Maniwala po kayo.”
“Hay naku, Tay! nagsisinungaling pa, oh!”
Masama tingin ang ipinukol ko kay Eva, sa sinabi niya ay dinadagdagan niya lamang ang tensiyon sa pagitan namin ni tatay.
Nanlaki ang aking mga mata nang hinaklit ni tatay ang aking kanan braso, may diin ang hawak niya sa braso ko, kaya napangiwi ako sa sakit. “Tay, nasasaktan na po ako…”
“Ibabalik mo ang pera o mas lalo ka masasaktan,” banta ni Tatay.
“Tay, hindi po talaga ako…” Unti-unti nanubig ang aking mga mata. “…nagsasabi po ako ng totoo, hindi ko magagawa pag-nakawan kayo.”
“Tignan natin,” ngisi ni Eva.
Nagtungo siya sa kwarto namin, at pagbalik niya sa sala bitbit na niya ang bag na pinaglayan ko ng mga pera na aking inipon, maayos ko itinago ‘to, sinigurado ko ako lang nakakaalam n’to…pero pa’no nalaman ni Eva ang tungkol sa bag?
BINABASA MO ANG
HEAVEN BE WITH YOU
RomansaThere are two sides of Heaven-Karma and Happiness. We can receive 'heaven' based on what we do unto others. Either, you can have your good heaven (happiness) or you can receive a bad heaven (karma). Soraya was betrayed and wounds by her loved ones...