Girlfriend.

60 1 0
                                    

Ilang taon na ang nakalipas magmula nung pinakamalungkot na buhay ko pagdating sa love. Kung ano ano na ang ginawa ko para kalimutan ang lahat ng sakit, galit, lungkot at IKAW. Lahat na ginawa ko para hindi maisip ang nangyari. Naging masaya naman ako, natapos ko na nga ang 3rd year college and Im turning fourth year this coming class. Ang saya saya ko kase at last, nasa last stage na ko. Nahihirapan ako ngayon sa FEASIBILITY STUDY namin, pero alam ko GOD will find so many ways para maging worth it ang lahat.

Nawili ako sa panonood ng mga Thai love stories at lahat ng movie na napanood ko, umiyak ako. Kasi its all about love. Minsan kase, yung mga gusto kong sabihin at marinig, ay nasa katauhan ng character, kaya yun.

Kakatapos ko lang manood ng CRAZY BEAUTIFUL YOU. At sobra akong naiyak, lalo na sa part na umiiyak na si DANIEL PADILLA. Naiinis at napapaiyak na rin ako kapag nakakakita ako ng mga lalaking umiiyak. Nadadala ako kumbaga. Tapos bigla ka na namang nag-SINK IN sa utak ko. Parang pinana ulit.

Masaya na naman ako, kahit single, pero everytime na maiisip kita, nalulungkot ako. Lalo pa't nung katatapos lang na birthday ko ay nag-expect ako na babatiin mo ko pero WALA ! Sobrang sakiiiiiit. Na ewan. Wala na kong feelings sayo pero bakit ganito pa rin ang nararamdaman ko. Sa tuwing naiisip kita, naiisip ko lang yung mga masasakit na pangyayari. Yung mga oras na hindi ka nagexplain. Inis na inis ako kasi umiiyak na naman ako for the same reason. Na dapat ay hindi na. Wala akong magawa kasi ginawa kong matigas itong puso ko pagdating sayo, pero bakit ako pa rin ang nasasaktan. Akala ko handa na ko, hindi pa pala.

Masaya ako para sayo. Yan na lang ang nasabi ko nung nakita kong may bago ka ng girlfriend after mo makipagbreak sakin. Ineexpect ko na naman yun e. Sabi ko noon, magiging handa na ko, pero nung nakita ko kayong magkasama at masaya, hindi ko mapigilang icompare ang dati sa kung ano kayo ngayon. Siguro magkaiba kaming babae, pero bakit ganun ? Parang hindi ko naranasan ang mga pinaparanas mo sa kanya ngayon. Ayoko ng COMPARISON pagdating sa aming dalawa pero makikitaan mo talaga kami ng pagkakapareha na hindi ko naman maitanggi. NASAKTAN ako, nung una ko kayong nakitang magkasama. Dati kasi, hindi mo man lang ako sinasamahan papunta sa room namin, pero ngayon kasama mo ang girlfriend mo sa paglibot ng building. UNFAIR bang matatawag yun ? Wala akong magawa kundi tignan na lang kayong masaya, habang ako ay nasasaktan ng sobra.

HINDI MO NA TALAGA AKO PINAPANSIN. Kahit ako gusto kitang batiin, ikaw na ang umiiwas. Wala na akong magagawa dun. Siguro, umiiwas ka na rin para hindi mo ko masaktan, at sana nga ganun. Pagsulyap na lang ang tanging paraan para makita kita. AYOKONG MANGGULO PA SA RELASYON nyo, dahil alam kong masaya kayo sa isat isa at nakikita ko iyun. I just can't imagine na nakaMOVE on ka na talaga ng tuluyan. At ako ? Heto nagpapakabusy pa rin sa pag aaral at gumagawa ng mga bagay na gustong gawin.

Hindi ko alam kung bat ganto. Kung bat hanggang ngayon, ganito pa rin ang nararamdaman ko kahit paulit ulit kong dinedeny sa mga kakilala ko na hindi na kita gusto, na marami pang ibang lalaki dyan at hindi lang ikaw ang lalaki sa mundo. Yan ang mga sinasabi ko sa kanila na hindi kita kailangan, pero ang totoo, UMAASA pa rin ako. Ang tanga tanga ko na sadya. Alam kong wala na talaga dahil may girlfriend ka na, pero ginawa ko pa rin. Mahirap ba talagang makalimutan ang mga FIRST BOYFRIEND ? Well siguro OO. First kasi e. Ayoko pero gusto ko. Its a battle between my mind and my heart. Ayaw nilang mag-give up pagdating sayo. Ayaw nilang magparaya. Kung si isip si isip. Kung si puso si puso. Edi mas lalong gumugulo ang lahat. Na hindi ko na alam ang gagawin. I know ! Sinasabi mo na wala namang kwenta to. Pero NO ! It mean a lot to me. Hindi mo lang alam kung ano ang nararamdaman ko kaya sinasabi mong walang kwenta to. Wala naman akong balak magboyfriend ngayon dahil ayoko pa ulit. Gusto pa nga kita e, pano ko magkakagusto sa iba. You still have a space on my heart na kahit sinuman ay walang karapatang pumalit. Ang masakit lang, yung nakikita mong masaya na sya sa piling ng iba habang ikaw, nagkukunwaring masaya para sa kanilang dalawa. Ganun naman sa love DAW, pag mahal mo ang isang tao, hahayaan mo na lang sya sa kung saan sya sasaya.

Alam mo, ang hirap hirap mong kalimutan. Ang hirap mawala ng nararamdama ko. Ang hirap UMASA sayo. Sana hindi na lang talaga kita nakilala, sana nawala ka na lang, sana hindi ka na nagexist or sana naging isang anime character ka na lang talaga para hindi tayo nagkakilala. Pero SANA na naman lahat yon. Isang malaking SANAAAAAAA.

Pinipilit at ginagawa ko lahat ng makakaya ko para makalimot. Wag ka na sana magpakita pa. Wag na sana kitang mapansin pa at sana, tuluyan ka ng mawala sa panigin ko. (ALAM KONG MALI) Pero ayokong mawala ka sa panigin ko. :(

Ngayong may girlfriend ka na, saka ko lang narealize ngayon na may feelings pa nga ko. Pero alam ko naman ang dapat gawin, pinalaki ako ng tama kaya alam kong gawin ang tama. Wala akong balak na agawin ka sa taong nagpapasaya sayo ngayon, pero sana sa oras na gusto mo syang iwan, kausapin mo at wag mong hayaang masaktan sya, kahit ayaw mo na, pilitin mo pa ring magustuhan sya. Mas lalo kang magiging masaya kapag ipinagpatuloy mo pa. Hindi ko na alam ang nangyayari between sa inyo pero happy ako na kayo. Kahit masakit, alam ko pinapatatag lang ako ni GOD para sa susunod na magmamahal sakinn.

So pano ba yan, nag-kaaminan na ulit. Ay ako lang pala. Maging masaya ka na lang. Magiging masaya rin ako tulad ng dati at hindi ako nawawalan ng pag-asa. Sabi nga di ba, habang may buhay, may pag-asa kaya GO lang !

To the girl : pasayahin mo sya palagi ha. Appreciate mo lahat ng effort nya. Maging totoo kayo sa isat isa. Ingat !

-------------
----

Your ex,

(You know who iam.)

A/N

Naulutan lang. Haha. Take care. GOD SPEED ❤❤❤

Letter From A Broken GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon