I Knew it !

29 2 0
                                    

Hayyyy. Hindi pa nga ako nagigising sa katotohanan. Paki batukan nga ako. Yung sure na matatauhan ako ha.

For you,

Hindi na kita nakikita. Miski anino mo wala na rin. Ibig sabihin hindi na kita hinahanap. ^_______^

Pero bakit ganun. Ngayong hindi na kita nakikita, gusto naman kitang makita at bumati ng HI ! Antangek lang e. Lagi na lang ganun. Ikaw naman kasi.

Natanggap ko na kaya ang mga bagay bagay. Wala ka ng dapat alalahanin pa. Pinatawad na kita.

Gusto ko nga hindi na kita makita pero ayoko nun kasi kahit papano, friends pa rin naman tayo di ba ?

Sabi ko na nga ba hindi na kita gusto ! Yes ! SA WAKAS ! Wala na. Wala lang aasa dahil wala ng paasa. Haha.

Wala lang. Masaya lang ako na hindi kita nakikita at nakakachat pero masya din naman ako kung magkakasalubong tayo at magbabatian. Basta yun. Sana kalimutan na natin ang lahat. Ang noon ay noon. At ang ngayon ay ngayon. Hindi na tayo bata para balikan at maniwala sa mga bagay na hindi kapani paniwala. Kaya ikaw ha, salamat !

------------.

Your Ex !

(You know who i am)

Letter From A Broken GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon