ENROLLMENT (Part II)

28 2 0
                                    

For you,

Hayyyy, thursday ngayon at 3 days na lang pasukan na ulit. Nagpunta ako sa school dahil nagbaka sakali ako na makakaenroll na rin ako at naawa na ang ADVISER namen XD. PERO HINDI PALA !!! Haha. Ang maganda lang ee HINDI NA HOLD ANG GRADES NAMEN. WIHOOOOOO !!! Big deal para saken yun. Sa tagal kong nag intay na mabuksan ang portal namen ee, ngayon na lang ilit. Haha. Sobra naman akong natuwa.

Nasa bandang gilid ako ng canteen namen ng bigla kong nakita si Ate Alex at Lindsey kaya naman napalapit sila saken, chika chika ng konte tapos umalis na din sila agad, may gagawin ata. Tapos sabi ni Ate Alex asa school ka din raw, napalingon naman agad ako sa likuran at baka andun ka nga, pero d kita nakita. Haha. Tapos napangiting ASO na naman ako. Haha. Tapos nun, mag-isa na naman ako sa kinatatayuan ko. Habang tinititigan ang PORTAL namen, ay napalingon ako bigla sa loob ng canteen at napansin ko IKAW ?. Waaaaa. Ikaw nga ! Nakakulay VIOLET na damit ka. V-neck din ata yun. Haha. Syempre ang palagi kong ginagawa pag makikita kita- mag-act na parang di napansin. Haha. Pero yung PERIPHERAL VISION ay nasa yo. Haha XD

Umalis na rin ako pagkatapos kong makita ka sa loob ng canteen. Baka bigla mo pa kasi akong makita ee. Haha. Dumiretso ako sa may ICT para OFFICIALLY kunin ang grades ko. Haha. Wala naman din masyadong tao ee kaya, madali ko din makukuha. Pagkatapos kong i-abot ang registration form ko sa ICT sabi nya...

"Antay ka ng 10 mins. pa ha."

Syempre sabi ko naman. Oo. Kaya ayun nag-antay ako ng 10 minutes pa. At ABA ! 15 mins. na hindi pa binibigay ang GRADES ko. -.-! Pero habang nag-iintay, bigla kang paparating. Hahaha. Syempre act uli na hindi muna kita nakita na papalapit. Nakatalikod rin kasi ako ee, kaya madali lang. Pero nakaharap ako sa ICT at my glass window kaya kitang kita KITA. haha. Nakatingin ka sakin, nakita ko yun. (Pasalamat ako sa glass window.) Malapit ka na sakin ng bigla ka namang ginalaw ng barkada mo sakin, ayun nahiya ka na naman. Haha. Ako naman pinansin kita, tapos sabi ko "Ui !. sabi mo "Di ka pa enrolled ? " (hello ??? Obvious ba ? ) sabi ko "D pa nga ee" sabi mo naman, "naunahan pa kita ee." (Sabi ku na ee, magyayabang to, nasanay kase na maaga ako nakakaenroll ee. Haha) Tapos ayun, lumakad na kayo palayo, ako naman tumingin na lang uli sa harap ng ICT. Para d ako obvious.

Habang papalayo ka, sumusulyap ako sayo. Oo. Yun ang totoo at d ko itinatanggi yun. Masaya naman kasi din ako na makita ka :)

Tapos ayun. Mag-isa na ulit ako sa pwesto ko. Nasa gate ka na ng makita kita at palabas na. Bigla naman akong tinawag ng ICT na nagaasisst, ayun lapit agad, paglingon ko sa pwesto mo, WALA KA NA. (ambilis.)

Tinawag ulit ako para sa wakas ay ibigay na ang grades ko. At nakita ko, na bumalik ka ulit, at nahuli pa kitang nakatingin ka sakin. (SANA NGA) Napangiti naman ako, pero sandali rin, UMALIS ka na. Kaya ayun. Okay na DIN :)

YAN LANG :) HIHI.

Your Ex,

------------.*

Np: Sayo' by Silent Sanctuary ❤

(SAYO LANG ANG PUSO KO ✔)

Letter From A Broken GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon