Ala-ala Mo

46 0 0
                                    

Para Sa'yo,

5 years ago ng maging tayo at natapos ang lahat sa atin. May trabaho na ako ngayon at balita ko ay nakagraduate ka na din. Masaya ako para sayo. Masaya ako dahil sa wakas nakagraduate ka din. Sabay sana tayong grumaduate kung hindi ka lang nalate sa Math subject mo. Yan ang sabi mo sa akin. Pinangarap ko noon na kasabay kong grumaduate ang taong mahal ko, pero naging isang pangarap na lamang iyon at hindi na kailanman matutupad dahil sayo.

Hanggang sa trabaho ki,ikaw pa rin ang tinatanong nila sa akin. Kung bakit naaalala pa rin kita 5 years na naman ang nakakalipas. Pilit nila akong gustong pagkwentuhin tungkol sa iyo ngunit naaalala ko lang ang sakit na iniwan mo sa akin. Hinanao ka nila sa facebook. Sabi nila may girlfriend na. Oo,alam ko, may girlfriend ka ng bago. At kamuka ko na naman raw. Wala na naman sa akin ang nangyari dahil matagal na panahon na iyon, nakakatuwa lang ang reaksyon nila pag malalaman nilang ikaw ang first love ko ar hindi na muling nagkaroon pa ng iba. Pinilit ko ang sarili kong magmahal ng iba pero nangibabaw ang aking mga pangarap. Kaya hangggang ngayon, pangarap pa rin ang inuuna ko. Dahil alam kong darating din ang taong nakatadhana sa akin. At hindi ikaw yun. Isa ka na lang ala ala na hinding hindi ko makakalimutan. Isang ala alang nag iwan ng marka sa puso, ang markang 'X'.

Pasensya na, bigla lang kitang naalala. At natutuwa akong sundan ng sundan ang librong ito ng mga sulat para sa isang taong bahagi ng aking nakaraan...

At kung isang araw,magkita muli tayo,  iisipin ko na lang na hindi na magkakilala at never na nagkakilala kahit kailan...

Kilala mo na,

Ang iyong Ex

---*

Thank you so much.

Letter From A Broken GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon