For you,
Second Day of our regular class. Excited ako kase madami na naman akong makikita na mga nilalang but unfortunately madami din akong makikitang taong ayaw kong makita. At isa ka na dun. Sorry ha, gusto din naman kitang makita, minsan ayoko lang, kase alam kong hindi din naman tayo magpapansinan. Ano pang sense ?.
Hayy. Bakit amboring pa rin ? Ayoko ng boring na mga araw ngayon e. Gagawa ako ng paraan para maging masaya ang bawat araw ko. Tapos nun klase klase klase. Masaya naman. NAKAKAKABA ! AS IN !
Nag-iintay ako ng pinakasayang oras ng araw ko ngayon, kaso wala ee. Wala talaga ! Mas lalo pa nga akong NABADTRIP nung nakita ko ang lalaking sinabihan ako ng MALANDI ! Pinatawad ko na naman sya ee kaso nga lang yung PANLALAIT na ginawa nya, HINDING HINDI ko malilimutan. Kaya nung nakita ko sya, nainis lang ako medyo. Hay, tama na nga, hindi naman ito para sa kanya ee, para sa iyo to.
Hanggang sa maghapon na, wala na naman kaming professor kaya uwian na, kaso nga lang NAIWAN na naman ako ng mga GREAT FRIENDS. Tunay na kaibigan talaga sila. Ako din naman kase ang may kasalanan ee, inaaya na nila ako, hindi namana agad ako sumama, kaya yun. IWAN ! Haha
Mag-isa na akong umuwi, dahil bukod sa wala na akong choice, ee wala na talaga akong choice kaya go na. Okay lang din naman sakin na mag-isa muna, at least nakakapagisa ako :D kesa sa hindi.
Palabas na sana ako ng bigla kong nakita si Ate Alex, kaklase mo, kaya sabi ko sa isip ko nasa pwesto ka rin nya, at TAMA nga ako, andun ka rin. Pinansin ko si Ate Alex, gusto din kitang pansinin pero nung nasulyapan mo ko ay yumuko ka agad kaya hindi na kita nabati, kaya nagdire diretso na lang ako at nag-astang parang walang nangyari. Hayyyyy !!!??
Tapos, nagutom ako bigla, ee tutal ay wala na kong kasabay pauwi, kumain na lang ako mag-isa sa sundutan. Burrrrrrrrp. Napabusooog ako at may baon pa sa paglalakad. At yun nga, nagumpisa na kong maglakad, dahil baka abutan pa ko ng gabi, ee mag-isa lang ako.
Kumakain ako habang naglalakad, ninanamnam ko pa nga ang sarap ng Kikiam ee, haha, tapos nung nasa tapat na ako ng ospital, bigla kitang nasulyapan, at tama nga ako na ikaw yung nakita ko kasama ang barkada mo. Kaya nagmadali akong kumain at medyo binilisan ang lakad, pero nag-act ako na parang hindi ko kayo nakita.
Ang sobra talagang AWKWARD nung pangyayareng nasa likuran ko kayo at ako nasa unahan, mag-isang naglalakad...
LAKAD.LAKAD.LAKAD. Grabe ang layo naman ng terminal, parang gusto ko nang lumipad ee, sa sobrang kaba ko. At viola ! Nasa terminal na ko. Punta agad ako CR para kapag nasa terminal na rin sila ay hindi na nila ako makikita.
At paglabas ko... Waaaaaaaa, andun din kayo. Nubeyen. Pero Muzon ata sinakyan nyo nun kaya sumakay narin ako. :)
End -------- :)
Something !