Ala-ala noong Agosto 8 at 9

51 5 0
                                    

-------------

----.

For you,

August 8. Nag overnight ako kasama ka at ang mga kaklase mo. Nahihiya ako sooobraaa. Pero nahandle ko naman ng ayos. Hindi ako na OP sa kanila. Ayos no. Syempre gusto kita makausap. Tapos. Nag movie marathon pa kayo kasama ako. Parang kaklase nyo laang din ako. Haha. Hindi ko tuloy ikaw makausap. Busy sa panonood ee. Tinititigan laang kita the whole time. I can't imagine na katabi na kita ule. Tinitingnan. Tapos nagawa ko na ring humiga sa balikat mo. Sobrang saya ko. As iiin. Nung time na yun, feeling ko tayo pa rin at walang pagbabago. Kahit na ndi ka madalas magsalita, pag tumingin ka alam ko na. Yun ee. Hanggang nagmadaling araw na nga. Hindi ko pa nasasabi ang mga gusto kong sabihin. Tss. Buti na lang si Lord gumawa ng paraan. :) Nung humiga na ko sa higaan malapit sayo,(6 am) alam mo gusto lang kita titigan hanggang mag umaga na at umuwi ako, kase natatakot ako na yun na ang last, yun na ang clarification na pedeng magtuldok ng lahat saten. Nakakalungkot pero wala akong magagawa. Tapos, hindi ko pa rin ikaw nakakausap ng seryoso. Tss kainis.

August 9- Nung time na to, sabi ko okay sige hindi na kita tatanungin dahil alam ko na ang sagot. (Na wala na tayong pag asa). Kaya nagdecide na ako na matulog na lang tutal ay 6 am na at aalis ako ng 8. Feel ko ang paghiga , pero bago ako tuluyang matulog, tiningnan muna kita at ang saya ko dahil napatingin ka rin. :) Ang saya saya ko kase, nagagawa ko na uling tumitig sayo na noon ee hindi ko magawa. Tapos ikaw naman ang hindi makatingin. :) Tapos, Kinuhanan kita ng picture habang natutulog ka, kahit na nakasangga yang kamay mo sa muka mo. Sabi ko tutal last na naman siguro to, na kasama sya mag overnight, gagawin ko na lang yung mga bagay na gusto ko. At yun my picture ka saken. Remembrance. Haha. Tapos nun, natulog na ko. Nanghinayang din ako kase gusto nga kita makausap pero d ko nagawa. Bigla kong naalala si milca (nagsorry ako sa kanya kase d ko nagawa yung hamon nya). Yun.

Tapos, paggising ko, tulog pa rin kayo, tinitigan na uli kita dahil alam ko hindi na to mauulit pa, nakakatawa nga saktong pagmulat ko napamulat naman si Cris(makulet), tapos nag double tingin pa sya. Haha. :D 1 hour din akong nakatitig sa kanila. Para talaga silang magkakapatid. :) At yun 8am na. Una nagising si Cris, tas Jayvee, tas Franky. Tapos, ikaw, hindi ka pa nagising. Kaya hinayaan na lang muna kita. Pero sa wakas, nagising ka rin, pasalamat ako ky James, binulabog ka nya.

Pagkatapos, umupo ako malapit sayo, habang nakahiga ka pa. Hindi ko na naisip na sasabihin ko ang mga gusto kong sabihin. Basta nung time na yun na alam kong paalis na ko, ang gusto ko na lang ay titigan ka for the last time. Ginawa ko. Pero nung natyempo na tayo lang dalawa na ang magkasama, pinasara mo ang pinto, na meaning, gusto mo rin ako makausap. :) Yun dun na nagsimula. Nilaksan ko na ang loob ko, dahil andun na ko ee, mahihiya pa ba ko. Tinanong kita ng pinakagusto kong itanong. Sabi ko "gusto pa o ayaw mo na ?" Hindi ka sumagot, kaya inulit ko pa ng 3 beses. At sumagot ka rin. Sabi mo "gusto." Isang salita na tumatak talaga sa isip ko. Naisip ko bakit hindi natin ituloy. Kaya tinanong kita uli ng anong rason mo bakit kahit gusto mo pa ko e d mo pinupush ? Nahihiya pa syang sabihin. At nalaman ko na gusto pa nya ko, pero hindi pa sya uli handang magkagirlfriend. Okay na. Nalaman ko na. Pero ang hirap iprocess ng utak ko ang mga natanggap ko na sagot. Masaya rin ako dahil nalaman kong nag aassume ka rin pala saken, tulad ng ginagawa ko. :) Tama pala ang hinala ko. "Friends or more than friends ?" Sabi mo. "More". Sabi ko, so may pag asa pa tayo. Sabi mo "Oo." Ang saya lang. Ang saya saya lang. Gusto ko na ngang hawakan ang kamay mo kaso baka bigla ako maiyak. Kaya wag na lang. Nalaman ko na ang gusto ko malaman. Happy naman ako na may konting lungkot dahil alam kong walang kasiguraduhan ang lahat. Walang wala. Kung wala lang akong pasok ng Saturday. Hayss.

Your Ex,

(You know who I am) ♥

AN/*

Helllooooow. Ang tagal ko pala ndi nagaupdate. Haha. Daming nangyariii ee. Hell week pa (examination). HAHA.

Sya, tutulog na ko ha. Late na masyado ee. Goodnight ;) :*

---------

----.

Mr. COb. ♥

Letter From A Broken GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon