Enrollment.

30 2 0
                                    

For you,

Isang nakakainis na araw ang nangyari ngayon, ee pano ba naman kasi hindi pa ko nakakaenroll hanggang ngayon, ni pagkuha nga ng grades hindi ko pa nagagawa ee, dahil sa lintik na report na yun. Bakit ba naman kasi kelangan magkaganun. Hindi na lang daanin sa magandang usapan para tapos na. Nakakainis talaga. Ayyysssss.

Tapos habang nakatangla na naman sa school. Bigla kitang napansin sa may kubo at ako naman nasa harap lang ng kubo na kinauupuan nyo ng mga kaklase mo. Hindi ko agad napansin na andun ka kaya nung nakita kita, nag-act na lang ako na hindi kita napansin. Ayoko na rin kase ee, ayoko ng umasang mapapansin mo ko. Kahit ano namang ayos ko, hindi mo ko napapansin, kahit anong gawin ko sa itsura at pananamit ko, hindi mo pa rin ako napapansin. Suot mo pala ulit yung GRAY na damit na sobrang bagay talaga sayo. Yan na lang lage ang suot mo ee tuwing makikita kita. Haha. Palit palit din. Anyways.. Bagay naman na sayo yang V NECK na yan. Wag ka na magpalit kahit kelan. Haha. XD

Kung malaman mo kayang hindi pa ko enroll ? Ano kayang reaksyon mo ? Kasi nasanay ka na 2 weeks before ata ng pasukan ulit ee enrolled na ko tapos ngayon ilang araw na lang pasukan na ulit hindi pa din ako nagsisimula ng proseso. Haha. Matatawa na magtataka ka siguro no ? Haha.

Nakita mo kaya ako ? Kasi imposible namang hindi mo ko napansin kase nasa harap lang mismo ako ng kubo na kinauupian nyo, malayo layo lang ng konti. Sabagay, NONSENSE na din kung makita mo ko, hindi na nga pala tayo at lalong hindi na magiging tayo. HIMALA na lang kapag naging tayo pa ulit. At by this time, hindi ako umaasa sa HIMALA. Sabi nga ni Nora Aunor "WALANG HIMALA, ANG HIMALA AY NASA PUSO NI MAROSE." haha. Biro lang. :D

Kelan mo kaya ulit ako papansinin tulad ng dati ? Hay ! Sa panaginip ko na lang ata ulit yun mangyayari. Masaya naman ako kahit papaano dahil naintindihan ko na talaga kung ano ang dapat na maintindihan ko. Isang taon at 4 na buwan rin ang nakalipas, still ganito pa rin ako.

Minsan sana nagkaAMNESIA na lang ako, para hindi na kita makilala at wala akong maalala tungkol sayo. Mas maganda siguro pag ganun ano, wala akong alam tungkol sayo at hindi naging tayo. Pero sana. HANGGANG SANA lang naman lahat ee.

Hay ! Eto na naman ako. Hanggang dito na nga lang, baka bigla pa kong makaiyak dito ee. Nakaenroll ka na ba ? Sana oo. Para naman maayos ka na din.

Basta. Isa lang masasabi ko. LABHAN MO YANG GRAY NA DAMIT MO. :D hihi.

Your EX,

-------------------*.

Just Tonight. :*

PS: I LOVE YOU ^_________^

Letter From A Broken GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon