--------
----.
For You,
Hello. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula sa mga sasabihin ko sayo. Hindi ko kasi maimagine na ititigil ko na ang pagsulat sayo, kahit naman hindi mo nababasa. Hindi rin ako napapagod na kausapin ka dito kahit na hindi ka nagreresponse. Minsan nga tinatanong pa kita. Sumagot ka ba ? Hindi. Okay sige. Basta lahat lahat na. Dito ko na lang sasabihin para at least pag nakamove on na talaga ako, babasahin ko ang sinulat kong to. Haha.
First and foremost. MAHAL PA RIN KITA ! Ang tanga ko di ba ? Pero sabi nila hindi raw yun pagiging tanga, yun bang magmahal ng sobra. Agree naman ako dun. Ee anong magagawa ko, mahal kita ee. Pero ngayon iba na. Kung di ko man makalimutan na mahal kita, kakalimutan ko na lang yung feelings ko sayo na nagpapatibay saken para patuloy kitang mahalin. Naalala ko tuloy yung sinabi sakin ni Colods, para raw makalimutan kita, wag akong magsulat ng mga bagay na related sayo. Haha. Sinubukan ko kayang gawin yun, kaso di ko kinaya. Ngayon talaga kakayanin ko na. Haha. (Walang. Promise ha.) Dumadating na nga sa point na tinatanong ko ang sarili ko kung bakit hindi ko makalimutan na mahal kita, whereas, hindi naman tayo nagkasama ng matagal. Kumpara sa mga years na ang relationship, months lang tayo pero bakit ? Bakit ikaw pa ? Patang FOSSIL yung naiwan sakin. Nasa history na kita. Yun bang nakatatak na, hindi na pedeng kalimutan. Hayyyy. Oh masaya ka na ? Akala ko noon, magiging super close tayo. As in close na close. Pero hindi naman nangyari. Umasa lang pala ako na someday, we're like bestfriends and will have the best relationship ever. Masaya sana isipin yun di ba ? Pero hindi na magtuturn into reality kase bumitiw ka kaagad. Mas pinili mong bitawan ang hawak mo na. Hindi mo muna ko tinanong kung anong mararamdaman ko after you do your decision. Oh ? Ngayon mo pa ko tatanungin, kung kelan tapos na ang lahat. Minsan nakakainis ka rin ee, ang torpe torpe mo kase. Yun bang gusto mo kong kausapin pero ipapasabi mo pa sa iba. Yun bang gusto mo kong pansinin pero gusto mo ako una pumansin. Nakakainis ka di ba. Kung pede lang batuktukan kita, matagal ko ng ginawa ee.
Nung mga nakaraang araw. Madalas na tayong nagkakakita sa campus. Bakit naman kasi, hanggang ngayon parang nahihiya pa rin ako sayo. Wala bang makakapag explain saken kung bakit bumibilis pa rin ang tibok ng puso ko pag nakikita kita ?? Hay naku. Minsan nga feeling ko iniignore mo ko, kase nasa harap mo na ko hindi mo pa ko napapasin. I hate it kaya. Napaka mapride mo naman kasi. Mapride din ako, pano na ? Pede bang hindi na lang opposite attracts. Hmp. Naisip ko nga. Buti pa yung mga classmates mo napapansin ako, ee ikaw ? Pansin mo na ko. Wala ka pa ring kibo. Nakakainis lang isipin na gusto mo pero ayaw mong gawin.
Pagod na ako. Pagod na kong UMASA sa wala. Or kung meron man, pagod na kong mag intay. Sana man lang ipakita mo sakin yung sinabi mo na gusto mo pa ko, kahit sa simpleng paraan lang. Maari gang puro salitana lang ? Konting effort naman. Ganon na ba talaga ako kawalang dating para hindi bigyan or pakitaan ng effort ? Hmp. Akala ko after nung nalaman ko na pareho pa pala nating gusto ang isat isa, matutuloy na yung love story natin, umasa na naman ako. (Pede bang pakitanggal na ng salitang Umasa sa words natin.) Napag isip isip ko rin na kung talagang gusto mo pa ko gagawa at gagawa ka ng paraan para maging tayo uli. Pero wala. Ni ha. Ni ho. Wala kong natatanggap. Umasa po uli ako. Pagod na rin akong isiping mahal kita. Pagod ko ng ipaintindi sa sarili ko na gusto pa kita. Pagod na pagod na kong mahalin ka. Nasa sa akin din naman ang mali ee. Mas pinili kong mag hold on kahit na walang kasiguraduhan ang lahat. Okay lang naman sakin na masaktan. Part yan ng pagmamahal. Ang mahirap lang yung hindi mo talaga maintindihan ang mga nangyayari. Oh ikaw jan ? Umayos ka naman kahit minsan.
Hanggang kelan kaya kita makakalimutan. True love waits di ba ? Ee bakit ako ang nag iintay. Hindi ako nagmamadali. Kung yan ang nasa isip mo. Pano pag isang araw, mawala na ko ? Pano pag bigla mo na lang narealize na gusto mo pa nga ko. Pano na lang pag my iba ng nagpapasaya saken ? Kung hindi ngayon, kelan ? Walang my alam ng destiny natin, tayo kasi ang gumagawa nun. Siguro mas mahalaga pa nga ang ibang bagay sayo kesa sa magmahal ng isang tulad ko. Pede mo naman kasi pagsabayin. Hindi ka naman duwag di ba ? Siguro natatakot lang ako na mag end up sa wala ang lahat at magsimula uli sa starting line. Hindi ko pa nga naaabot ang finish line, babalik na agad ako sa starting line.
Tuluyan na ba kitang kakalimutan ? Sana kayanin ko pa. Alam kong mahirap na mahirap na mahirap itong gagawin kong paglimot sa taong ayaw ko namang kalimutan. Pero nakakapagod na rin. Kung hindi ngayon ang para satin, hindi na langako aasa na balang araw, magkakasalubong tayo kasama ang kanya kanyang partner sa buhay. Masyado na tayong tumatanda. 18 ha kaya ako. Nasa line na ko ng pag abot ng mga pangarap ko. Noon gusto ko kasama kita sa pagbuo ng mga pangrap ko, kahit naman hanggang ngayon. Sinasaktan ko na lang nga ang sarili ko para magbago na yun.
Oo. Takot na takot akong makalimutan mo rin ako. Iniisip ko na yung time na pag nagkaroon ka na ng gf, sana handa na ko. Ihahanda ko na talaga ang sarili ko, para pag sinabi mong may gf ka na, hindi na ko masashock di ba. Napakatagal kasing magprocess ng utakpagdating sayo. Ayoko na. Ayoko na. Ayoko na. Gusto ko na uli maging positive na may dadating na taong mas makakaappreciate sakin. Hindi sa ayaw na kitang maging kaibigan, ayoko na lang maging mas close pa sayo. Pag nangyari kasi yun, alam ko aasa lang at aasa ako. Hindi naman kasi pedeng umasa na lang ako palagi. Nasasayang ang oras na dapat ay masaya ako di ba. Pati ikaw rin. Dapat masaya ka rin. Hmp. Masaya ka naman sa nakikita ko.
Makakalimot rin ako. Tiwala lang. Positive ako na mawawala rin ang pagkagusto ko sayo. At magiging masaya rin ako sa piling ng taong dadating sa buhay ko. Hindi ko alam kung kailan mangyayari ang bagay na yun pero, pinaghahandaan ko na para mas madali para sakin. Sana ikaw rin, maging masaya ka na. Sorry kung naaalala pa rin kita. Mapagmahal kasi talaga ako. Tsaka ako yung tipo ng tao na pag gusto ko, gusto ko talaga. Kahit magintay pa ko ng napaka tagal, gagawin ko. Yun ako ee. Si God nagcreate sakin. Sya ang nagbigay ng mga personality na meron ako. Hindi naman ako nagrereklamo at wala akong karapatan.
Share ko lang :)
(August17. Chinat kita. Kaso nawalan naman ako sakto ng net. Ang saya ko kase nagresponse ka agad. Kala ko matagal ka na namang magrereply ee. Kinikilig talaga ako pagka kausap kita, katext, kachat. Yun pala yung d ko maamin sa sarili ko. Parang dati lang galit na galit ako sayo tapos ngayon, gustong gusto na ulit kita. Mindan gusto ko na ngang sisihin ang sarili ko kase long last talaga ko kung magmahal. Yung crush ko nga nagawa kong antayin ng 3 years, crush lang yun ha. Yun pa kayang taong gustong gusto ko. Kung pede lang ako ang magdesisyon, gusto ko tayo na ulit. Gusto na kitang ipakilala sa kanila, lalo na sa inay ko. Gusto ko kasama kita sa pag buo ngmga bagong pangarap ko. Gusto ko paggrumaduate ako, kasama kita. At gusto ko every chapter ng buhay ko kasama ka. I know. Walang kasiguraduhan ang lahat. Matagal ko ng naintindihan yon. Pero by this time, mas naintindihan ko pa. Kung masaktan man ulit ako ng parehong tao, siguro hindi talaga kami para sa isat isa. Alam ko namang teenage love lang tong nararamdaman ko. Pedeng maglaho pa pag tumagal. Pero ayokong magsisi sa huli na hindi ko nasabing gusto pa kita at umaasa ako. Yun ang ayaw kong pagsisihan. Okay lang na hindi ganun ang nararamdaman mo saken pero at least nalaman mo. Handa ko namang i give up ang feeling nato kung sakaling magkagirlfriend ka na. Mahirap pero kakayanin :) Hindi ganun kadaling makalimot pero kakayanin. Ganyan kita kagusto :) )
So Pano ba yan. By this time kahit di pa ko sigurado, gagawin ko na talagang makabuluhan ang pag mmpumove on ko. Alam ko makakaya ko rin to di ba. Im happy for you na lang sa kung anong mangyayari sayo. Si GOD na ang bahala satin. Sya na. Sige :) Salamat sa lahat ha. Salamat . Mr. A**C. :) Stay Cool and Nice :) Stay in an Anime Look :) Byebye :)
------------. ★
You Ex, Your friend.
(You know who i am)