Kabanata 4

36 2 0
                                    


Kabanata 4

Lock








Bumalik ako ng Solarez. Pinabalik ko si Kuya Sid para lang makaalis ako ng Arran. No one knows since I don't plan to stay longer. Kailangan ko lang malayo saglit sa lalawigan para makapag-isip ng mabuti.

Siyempre, ibang klase ng hiya ang inabot ko no'ng nakaraan! At hindi ako papayag na madagdagan pa 'yon!

Isang araw. Just a day here in Solarez and I promise to be back in Arran better and stern. Kailangan ko lang hanapin ang galit ko rito sa lungsod para may inspirasyon akong magtaray kapag nakabalik na do'n.

"Ang tagal mong nawala! My ghad, Triva! Akala ko makikita na kita sa TV!"

Umirap ako kay Vivian. "I rejected the offer. I'm not even interested," matabang kong sabi.

I miss the city. Isang pasada lang ng tingin ko sa mall na pinagkitaan namin ni Vivian, nadepina ko na agad ang pangungulila ko sa marangyang buhay ko rito sa Solarez.

I have the means back in Arran. But what is money when luxury isn't anywhere in that place? Anong paggagamitan ko ng pera do'n? Bilhin ko ang buhay ng mga tsismosang taga baryo?

As if burning cash is easy, huh?

"And what interests you, then? Iyong member ng The Clarion?" pinatakas niya ang asar sa boses niya, sadyang sadya.

Pineke ko ang ngiti. I never thought that meeting with Vivian is this irritating. Sinabi ko lang kanina sa kanya ang tungkol sa nangyari sa Arran, ayaw na ata akong tantanan ng mga tanong!

"Oh, please! Stop mentioning the name!" sabi ko pa, nawawalan na ng gana sa usapan.

She chuckled. "What name? The Clarion or... Malcom?"

I glared at her. Iyon lang ang magagawa ko dahil hindi ko naman siya pwedeng sugurin at hilahin ang buhok!

Mas lalo siyang natawa nang natantong hindi talaga ako natutuwa sa ginagawa niya.

"I am not familiar with the face but the name rings a bell. Matunog ang apelyidong 'yan. Mayaman, noh? Zalderial..." she paused and tried to recall some memory about the Zalderials. "The clan related to the Fidallegos of Altaguirre?"

Umismid ako. "That's a basic information, Vian! Ano ba? Lahat naman ata ng tao alam 'yan!"

Tinawanan niya ulit ako. "Yeah yeah..."

"Let's not talk about them. Naiirita ako."

Naging mapanghamon agad ang nanunukso niyang tingin sa akin.

"Why dodge the talk? Come on, Triv! I won't make a fuss about you going back here just because you are jealous of that taga baryo na nagconfess kay Malcom!"

I scoffed. "You are throwing a fit, Vivian Pregonero?!" I fired at her.

"I'm not, Trivina Piamonte! I am just saying na normal lang ang selos. You know, someone is making papansin to your crush," halakhak niya.

"Ako," I held my chest dramatically. "...nagseselos? Kanino? Doon sa taga baryo?"

Nang-iinsulto akong natawa, nahihibang sa sinabi ni Vivian.

"Are you kidding me?" I spat.

"Oo, selos!"

"Bakit naman ako magseselos?!"

"Kasi umamin siya sa crush mo?" she shrugged. "O dahil... pinuntahan siya ni Malcom at pinaunlakan ang pag-aaya niya. Many more reasons to consider."

Maluwag akong napatawa. Oh my ghad! What is she saying? Sumulyap ako kay Vian na kinukulit na ng multong ngiti sa kanyang labi habang pinagmamasdan akong tanggapin ang lahat.

Ending the Heart's Rebellion (Amor Fortis 1)Where stories live. Discover now