Kabanata 3Sulat
Malcom is adjusting to my schedule, especially on days that I have prepared my itinerary. Binabakante niya ang oras para masamahan ako. Naiintindihan ko naman na ginagawa niya iyon dahil gusto ni Cozen. Ganunpaman, ayaw kong sulitin iyon at abusuhin.
I sometimes feel bored and lazy that even attending to my errands would be a lot of a hassle for me. So I withdraw from my plans and just stay at home. Bukod sa pagod ako, pinagbibigyan ko rin ang schedule ni Malcom. He's got friends and they are making time for their crowd to hang out somewhere. Siyempre, hindi ako sumasama sa kanya kahit inaaya niya naman ako.
I told my self, I am fine having no company. And I am not shrinking just to fit in whatever group they could offer me. Gaya nga ng sinabi ni Lola, marami na akong pagtataksil na natanggap kaya hindi magandang magtiwala agad sa kahit na sino.
"Why aren't you with him?" si Cozen na bigla na lang napatawag nang nalaman na hindi kami magkasama ni Malcom.
"He is hanging out with his friends. Bawal ba 'yon?"
Nabanggit ni Malcom na nag-aaya ang mga kaibigan niya sa talampas, malapit siguro sa talon. Siguro ay nandoon siya ngayon. I just thought that I can wander around even without his presence. Kaya lumabas ako ng bahay at... papunta na rin doon.
Of course I don't plan to join them. I was just curious of the place. Hindi rin ako pupunta ro'n dahil nandoon si Malcom. Baka nga nakauwi na sila dahil kaninang alas diyes pa sila umalis. Mag-aalas tres na kaya baka wala na akong maabutan do'n.
"At hindi ka sinama?" nakuryuso si Cozen sa tanong niyang iyon.
"Inaya... pero hindi ko pinaunlakan. They are not my friends so why hang out with strangers?"
"But Malcom is with you. You shouldn't feel danger cuz he is sure to make you feel safe and comfortable."
"Alam ko. Pero hindi na talaga, Cozen."
Bukod sa wala akong plano na makipagkaibigan, tingin ko'y malabo rin ba makahanap ako ng iilan lalo pa't mukhang mainit ang tingin sa akin ng mga taga baryo. And say what? I already confessed to Malcom three names of people that I hate.
Marami pang sinabi si Cozen pero hindi ko na kayang isaulo pa dahil halos pangungumbinsi lang naman lahat. He wanted me to befriend some townspeople cuz he thinks it would make me less bored. I didn't tell him about the hates I am receiving and I don't plan like complaining anyway.
I imagined the place to be greenish and in a nature themed like park. Pero iba ang bumungad sa akin. Oo, maberde pa rin ang paligid pero hindi ito park sa paningin ko. It is more of a resort type of place because of its cottages. Naroon malapit sa ilog kung saan diretso ang marahas at malakas na bagsak ng tubig talon.
Sa malapit na banda, sa patag na parte ay ang iilang mesang gawa sa kawayan na halatang madalas na puntahan at tambayan ng mga taga rito.
Malayo pa lang ako pero dahil malinaw naman ang mga mata, nahanap ko agad ng bulto ni Malcom sa grupo nila. He's seated on the bamboo chair, facing to me. Tumatayo na siya nang nakita ako.
We exchanged gazes. Tumikhim ako at tumuloy sa lakad habang natigilan naman siya sa kinatatayuan niya.
His dudes didn't give a damn about me as I neared to their spot. Plano kong hindi talaga sumali sa kanila pero dahil nagsitayuan naman na ang lahat at mukhang handa nang umalis, balak kong pumalit sa mesa nila.
From there, the falls is really visible. The spot has the best view of the wonder and I like how it presents to me the river with water in between green and brown.