Kabanata 5Rose
Huli na nang dumating ang tulong na hiningi nila Vivian. Umiiyak na ako sa dibdib ni Malcom nang naabutan nila kami kasama ang dalawang lalaki na tingin ko'y dapat na tutulong sa akin.
I sniffed, my eyes and nose are pinkish from crying. Kinausap ni Creswell ang kinuhang tulong samantalang kumuha naman ng tubig si Vivian para sa akin.
Malcom stayed with me. Pareho kaming naiwan sa tanggapan. Ako na humihinahon pa at siya na inaalu ako. I am so shy crying like this in front of him but I don't have time to save my ass from shame when I am this happy and relieved that I am finally out from that room!
"Hindi ko alam..." iyon na lang ang nasabi ko imbes na ikwento pa sa kanya ang lahat ng nangyari bago iyon.
Ayaw kong magtunog nagsusumbong sa kanya. Kahit alam kong wala naman siyang gagawin sa babaeng 'yon kahit pa sabihin ko sa kanya ang totoo, ayaw ko pa rin na mukhang kawawa at aping api sa mga mata niya. I am already pitiful crying like this and I won't allow myself be exposed this way!
Umangat ang tingin ko nang may naramdamang panibagong presensya. Bumalik na si Vivian dala ang baso ng tubig at isang... siguro taga baryo rin.
"Here," abot niya ng tubig.
Tinanggap ko iyon at marahang uminom. Vivian sat beside me. Napapagitnaan nila ako ni Malcom.
"Luz..." tawag ni Malcom sa babae.
The girl looks innocent and kind. Simpleng simple ang dating niya sa suot na t-shirt at paldang inaabot na ang talampakan niya. Nakalugay rin ang mahaba at itim nitong bahak na dumudulas sa balikat niya dahil sa kakayuko niya.
"Lumapit siya sa akin kanina. Nakita niya raw ang nangyari..." si Vivian.
Nagtagal ang tingin ko sa babae. Ibinaba ko ang baso at hinayaang mamawis ito sa kamay ko dahil sa lamig.
Sinubukan akong sulyapan no'ng babae pero nang napansin na ang tingin ko sa kanya, nabibitin lang ang tingin bago muling bumagsak sa sahig.
"Ano dapat ang sasabihin mo?" untag ni Vivian sa kanya.
She swallowed gently before lifting her eyes to see me.
"T-tinulak siya ni Joy..." sumbong niya sa maliit na boses.
"Tinulak saan?"
"Sa pasilyo..."
"Bakit niya tinulak si Trivina?"
Vivian is the only one interrogating her. I glanced at Malcom only to see his brows furrowed a bit as if trying to grasp something from Luz' confession.
"Hindi ko gaanong narinig ang pinag-usapan nila... basta may sigawan lang kaya pinuntahan ko. Iyon ang naabutan ko... iyong tinulak na siya ni Joy."
"Si Joy lang ba?" singit ni Malcom.
May kaonting gulat ako sa biglang pagsabat niya. May diin sa boses nang nagtanong.
Lumipat ang tingin sa kanya ni Luz.
"Ang tumulak, oo. Pero dumalo din sila Tere kalaunan."
"It's fine..." I said half heartily.
It was not fine. But to protect my pride from this, I have to be okay. Isa pa, nakalabas na ako kaya wala na akong pakealam pa sa mga inggratang taga baryo na 'yon!
"Sila ba ang nag-lock kay Trivina sa CR?" Vivian is curious.
"Sira na ang doorknob," lumunok ako. "At ako rin ang kusang pumasok sa loob."