Kabanata 11

19 2 0
                                    


Kabanata 11

Stain





Sumulyap ako kay Malcom. Seryoso siyang nagmamaneho habang kausap ang pinsan niya sa kabilang linya.

"I got it ready. She's waiting for Trivina's arrival," Cozen on the other line, on loud speak.

Sinipat ko sa rear view mirror ang sasakyang nakasunod sa amin lulan ng mga bantay ko.

"We will dismiss the security details for the mean while."

"As expected," seryoso si Malcom sa usapan nilang magpinsan.

"Tawagan mo na lang ako kapag may gusto ka pang idagdag. Kakausapin ko lang si Ryleigh."

Nakita ko sa screen ang pagtatapos ng tawag. Lumingon ako kay Malcom. Tumitig kalaunan.

This man is really something. I couldn't figure it out yet. Pero may kakaiba talaga sa kanya at sa pinsan niya. O sa buong angkan ng mga Zalderial.

"Hindi ka ba matutulog muna?" he asked when he realized my stare at him.

I shook my head. Umayos ako ng upo at isinandal ang ulo sa headrest ng upuan.

"I'll stay awake until we arrive in Solarez," at nilingon ko ulit siya.

"Ano ang lakad mo ngayon? May practice kayo ng banda?"

Saglit siyang sumulyap sa akin bago ibinalik ang tingin sa daan.

"May gig kami mamaya. Maliban do'n, wala na akong lakad."

"So... you'll stay... where?"

Nakagat ko ang pang-ibabang labi.

"Sa mansyon ng mga Zalderial," binagalan niya ang takbo para mabigyan ako ng atensyon.

"Sasamahan kita ngayong umaga. Aalis ako sa hapon para kitain si Lola tapos babalik ulit sa 'yo."

Tumango ako. "Okay..."

"Hmm?" he urged me to continue my words when ge realized I wanted to add something.

"Gusto kong sumama sa 'yo... manood ng gig niyo," mahina ang boses kong dagdag.

He smiled. "Isasama kita."

"And Vivian?" I was hopeful.

"And Vivian," he echoed to confirm.

Napangiti ako. Sumandal ulit sa likod ng upuan. Nakatulog din ako kalaunan. At nang nagising, nasa harap na ng isang bahay.

I squinted to have a clearer view of a girl standing outside the house. Tamad na nakatayo at mukhang nababagot na sa kabagalan kong kumilos pababa ng sasakyan. Nilingon ko ang katabi pero wala na si Malcom. Nahanap ko rin sa banda ko para pagbuksan ako ng pinto.

I smied and boarded off the car.

"I'll just talk to your guards," si Malcom sa akin.

Tumango ako at ngumiti. He stared at me for a moment before he stepped aside to free my way.

Agad akong sinalubong ni Vivian samantalang sa likod naman ang punta ni Malcom para kausapin sila Kuya Sid.

"Ano 'yon?!" si Vivian sa nang-iintrigang tono.

"Wala, ano ba 'yon?" sagot ko at umarteng inosente.

"This is progressing, Piamonte. He looked enticed by you," sabi niya at natawa pa.

I rolled my eyes. Hindi ko siya pinansin at tiningnan ang bahay.

"Cozen Zalderial contacted me to ready you a house for your stay," si Vivian habang nakasunod sa akin.

Ending the Heart's Rebellion (Amor Fortis 1)Where stories live. Discover now