Kabanata 23Hintay
Magpapakasal nalang para sa pangalan? Gusto kong mahabag!
Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan kong magdesisyon at piliin ang mga bagay na dapat ay huli na sa pagpipilian. O baka nga, hindi naman dapat kasali sa mga solusyon.
Nagpabalik balik ako sa lakad at parang iiwan na ng katinuan habang lulong sa maraming iniisip. Hindi ko pa nga lubos matanggap na may gustong pumatay sa akin, at na hindi pa rin ako absuelto sa mga utang ng Mamita, heto na naman ako at mukhang magpapakasal na naman! Magpapakasal hindi dahil mahal ko kundi dahil kailangan.
"Not a Zalderial! No! Not this time!" pangungumbinsi ko sa sarili.
That's my plan. I wouldn't want to resort to desperate measures again. I've gone way too far that I even threw my honor out of the window years ago, only to realize I was being lied on!
I am mad that I have lived my life to waste. Kasi nga akala ko mag-asawa kami ni Pavino at may responsibilidad ako sa kanya. For some reason, I resented myself because I couldn't fulfill my duty as a wife. Tapos malalaman ko lang na hindi naman pala talaga kailangan 'yon dahil simula't sapul, wala akong pananagutan kay Pavino o kahit na sino sa mundong 'to.
"You have to fall into a decision, Trivina. It's been days."
Hindi ko pinansin si Cozen nang nag pang-abot kami sa hapag. Tatlong araw na nga rin simula no'ng nagkausap kami at in-offer niya sa akin ito. At tatlong araw na rin akong walang maayos at desenteng tulog kakaisip kung tutuloy ako o hindi. Kung papayag ako o tatanggi.
"How dangerous is it?" I asked, unclear.
Kumunot ang noo ni Cozen. Nagtagal din ang tingin sa akin na para bang hinuhuli pa ang humor sa sinabi ko.
"The threat, Cozen. How dangerous is their threat that I should not say no to this and refuse to the wedding?" pagkaklaro ko pagkatapos ng isang buntong hininga.
Bumuga siya ng hangin. More like he sighed his relief.
"I thought you meant it like how dangerous is it to marry a Zalderial."
Umiling ako para pabulaanan 'yon. Binalingan ko ang pagkain at nagsimulang sumubo.
"Sobrang delikado, Trivina. Sa ilang taon nilang pinalagpas na umatake at makaganti, mas naging determinado silang masaktan ka."
I turned cold at that. Hindi ko na malasahan ang pagkain ko kanina pero parang hindi ko na maramdaman pa ang agahan ko ngayon. Bumagal ang nguya ko. Sinipat ako ni Cozen para tingnan ang reaksyon ko kaya hindi ko iyon ipinakita.
I put a facade on my face. Nagsimula ulit na sumubo sa kalmado at kampanteng kilos. Cozen is still staring at me over his cup while sipping on his coffee.
Hindi ko maipagkakaila ang pangamba at takot ko para sa sariling seguridad. I know I am playing this hard and for what reason? I don't know exactly. Kung dahil ba sa nangyari sa amin ni Pavino o dahil sa kinikimkim kong poot at sama ng loob, hindi ko alam.
Of course I am worried about my safety. Hindi ako magpapalinga linga sa paligid ko ngayon kung hindi. The surrounding looks safe. Maraming tao sa mall pero may bubumbundol pa rin na pangamba sa puso ko.
Nagpasya akong puntahan si Mamita nang tumindi pa ang nararamdaman ko. I couldn't feel safe in that mall, but I didn't expect to feel this heavy here in Mamita's place. Umangat ang tingin ko para sa pagdating niya. She smiled at me as if she knows nothing about what's going on.
I suddenly felt upset. It's always this way. Laging nakakurba ang ngiti sa labi ng abuela simula no'ng nangyari kami ni Pavino. Ibang iba sa nakasimangot niyang mukha no'ng araw na umalis kami ng Pilipinas para magtungo sa Spain, at wala pang halos pera. Her smile is big when her wallet is thick, and smile fainting when it gets thin at her crazy spending.