Kabanata 9Abala
"Kailan mo pa sila pinabalik?"
Inginuso pa ni Vivian ang mga bantay kong nakabalik na mula sa bakasyon.
"I requested it two days ago. They just came back now."
"So... wala na si lover boy mo?" Vivian starting it again.
Sumulyap ako sa kanya. Bigong umiling at ibinalik ang tingin sa binabasang libro.
Good thing that the breeze is warm but comforting today. Tinatabla na ang kung ano man ang nararamdaman ko ngayon.
Pansin kong nawawala na naman sa kung saan ang isip ko. I blinked and shook my head a little, trying to regain my focus.
"Uuwi na ako ngayon ng Solarez. I have a date tonight," ingay ulit ni Vivian nang hindi ako nagsalita.
"You take care," I said shortly without glancing at her.
"Will you be fine here?"
"Why wouldn't I?"
She sighed. "Do I have to point it out? Kasi baka wala na si Malcom sa mga susunod na araw kasi nakabalik na ang mga bantay mo?"
Hindi pa rin ako nag-angat ng tingin kahit natigilan na ng kaonti. About that... I saw that coming. Iyon naman ang usapan namin ni Malcom kaya dapat handa na ako para riyan.
"He's a friend. Can't we go on trips as friends?" at gumapang na sa kanya ang tingin ko.
Gustong matawa ni Vivian dahil sa sagot ko pero naawa ata sa halatang pagkadismaya sa mukha ko kaya hindi na dumating ang tawa.
"We both know you aren't friends. Or at least Malcom sees you as one. Pero ikaw? Kaibigan si Malcom? Ako pa ba ang niloloko mo, Trivina?"
"Vian, it's not like that. Whatever it is, then let it be. We don't have to complicate things."
Nag-isip pa ako saglit.
"Okay lang ako kahit hindi na ako pwedeng samahan ni Malcom," at nagkibit balikat nalang.
Vivian insulted me through a menacing laugh.
"Sino ba naman kasi ang nagsabi na hindi na pwede?" sinadya pang pakawalan ang panunuya sa boses.
"No one is restricting the both of you to go out and enjoy the whole of Arran. Maligo kayo sa ilog, mamasyal sa kapatagan, o kahit umakyat pa kayo sa mga bulubundukin, go! Enjoy, be free and wild!"
Pinanood ko ang kaibigan na isuot ang kanyang sun aviator. Ngumiti siya sa akin bago tumayo.
"What's stopping you from living the life?" she said with humor.
Hindi pa rin ako nagsasalita. Tumayo na rin at naghanda para ihatid siya sa labas.
I don't even know what's making me upset now. Siguro, iyon ang naging usapan namin ni Malcom. Ako ang naglahad ng ideyang iyon. Although he still wants to join me in my escapades, he still agreed to my ultimatum. We were settled.
"May lakad po ba kayo ngayon, Ma'am?"
Saglit ko pang pinag-isipan ang isasagot ko kay Kuya Sid.
I have pending activity for today. Doon sana sa kabilang bayan para subukan ang Caswaan trail.
Pero...
Ngumiti at umiling. "I'll just stay here for today."
Tinungo ko agad ang kwarto. Hinagip ang cellphone sa bed side table at tumayo malapit sa bintana.