Kabanata 17Cut
Ayos lang naman si Mamita. The last time I check, she's just simply watering the plants like what she'd do on calm and usual days. Pero...
"You will cut cords with your friends... or anyone in your directory," matigas niyang sinabi nang napansin akong abala sa cellphone ko.
Nag-angat ako ng tingin kay Mamita. At kahit may lito pa sa naging utos niya, tumango ako.
Hindi pa ako tapos bumuo ng reply kay Vivian pero dahil sa ayaw ni Mamita na hindi ako nakikitang abala sa phone, itinago ko iyon sa bulsa ng pantalon ko.
Nagkasalubong kami ng abuela sa pasilyo. Kapwa patungo sa study kung saan naghihintay sina Kuya at Papa para sa pagpupulong ngayong araw. Tahimik akong sumabay sa lakad ni Mamita hanggang sa study. Humiwalay lang ako sa kanya nang dumiretso siya silyang para sa bisita samantalang nanatili lang ako sa harap ng mesa ni Papa.
He's there, across me and in his seat. Habang si Kuya naman ang sa gilid ng mesa at nakatayo rin tulad ko.
I'm glad that Papa is slowly getting back on his track. Magkasama na sila ni Kuya sa kompanya. At base sa narinig ko, Kuya is acting as his assistant. Sinusubukan na nilang itayo ulit ang CDP na kamakailan lang ay nakaluhod na sa larangan, at kaonting maling desisyon lang, babagsak na talaga.
"How's CDP, Correy?" diretsong tanong ni Mamita sa seryosong boses.
But Papa couldn't be more serious than what he already is.
"We're doing everything to save CDP from its fall, Ma."
"In simpler terms, CDP is still on its brink of downfall?"
Tumikhim si Kuya. Naintindihan agad ni Papa na gusto ni Kuya na siya muna ang magsalita at magpaliwanag ng mga bagay bagay kay Mamita. He nodded to permit him to speak.
"The chance of saving CDP is 15%. Kaonting porsyento lang, Lola pero pwede pa ring panghawakan," paliwanag ng kapatid ko sa abuela.
Mamita sneered.
"15% over a hundred percent? Kumpara sa tyansa ng pagbagsak, katiting lang ang 15%, hijo. Itataya pa ba natin ang pangalan at reputasyon ng pamilya sa kinse porsyentong kasiguraduhan ng pagbangon ng CDP?"
"We lost the major stockholders, Ma. Although 40% of the share is ours, we still lost a major division of the whole percentage. Hindi madaling makakabangon ang CDP maliban na lang kung uunti untiin natin ang pagbawi sa lahat ng nawalang shares," si Papa naman ang nagpaliwanag.
"Correy-"
"At pareho nating alam na hindi gano'n kadaling bawiin 'yon," Papa trailed off.
Dismayadong bumuga ng hangin si Mamita.
"If we're losing hope for CDP, then might as well drop it. Pagtuonan na lang ng pansin ang shipping line at mula sa kikitain no'n, magtayo ulit tayo ng negosyo!" she suggested without evaluation.
"It isn't that easy, Mama. Even if we say that our family name has established a good reputation, putting up a new business won't be an assurance."
Naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko sa aking pantalon. I was urged to get it to check. Kaso hindi ako makagalaw lalo na nang napasulyap pa sa akin si Mamita.
"If that's the case, then lose CDP and let's all migrate to another country! Iyong malayo sa bansang 'to at hindi basta bastang maaabot ng isyu ng pamilya rito sa Pilipinas!"
"We can resort to migration. But the shipping line won't be able to stand alone-"
Pinutol ni Mamita si Papa. "Hindi mo naman pababayaan, Correy. Ang sinasabi ko, magpakalayo layo na muna tayong mag-anak. Let's all leave the issues behind and start a new life! If everything's good and well, we can always comeback here."