Kabanata 8View
"Kakilala mo lang ba talaga si Anjie?" paninigurado ko ulit.
Gusto kong mailang sa tingin ng iilan sa amin. Marami ang nakatingin, at mula sa kinatatayuan namin, pansin ko na rin ang paninitig ni Luz. Pagilid ko siyang sinulyapan habang humihigpit ang hawak ko kay Malcom.
"Malapit siya at ang pamilya niya sa ibang Zalderial. Magkakilala lang kaming dalawa," mahinang sabi ni Malcom.
Tumango ako. Masyadong malawak ang ngiti ni Luz na may kinikibot pa ang labi pero hindi ko iyon mahuli. She seems mouthing something that is really interesting. Halata ko pa sa nanunukso niyang tingin sa amin!
"Akala ko taga baryo lang," mapait kong sabi sabay dala ng tingin kay Malcom.
Nagkatinginan kami saglit. Nagpatuloy kami sa pagsasayaw. I don't have plans to dance with anyone tonight, pero dahil makulit talaga si Luz at pinapareha ako kay Malcom, hindi na ako nakatanggi!
Muli kong pinasadahan ng tingin ang paligid. Ang daming babaeng nakaabang. They are all gauging my reactions and waiting for my actions. Na para bang kapag natapos kami ni Malcom sa pagsasayaw, mag-uunahan silang kunin ang lalaking pinakawalan ko.
"Maganda ba si Anjie?" balik ko sa usapan.
Hindi agad nakasagot si Malcom. His arms lowly hung on my waist start to embrace me closer.
"Maganda..."
"Type mo?"
"Wala akong tipo."
Alam ko. Natatandaan kong sinabi niya na 'yan pero...
I tilted my head a bit. "But you find her beautiful. Pasok na ang ganda para maging girlfriend mo?"
"Wala sa mukha ang basehan ko ng i-gi-girlfriend, Trivina," aniya.
I pursed a small smile.
"Nasaan pala? Sa ugali? You want your girlfriend kind and honest? The demure type?"
Nagtagal ang tingin niya sa akin. Bigla akong natawa sa sarili kong tanong. Now I sound so intrigued in his types!
"I am not specific. Hindi ko alam kung ano talaga ang tipo ko sa babae. Basta mahal ko..."
"Then..." lumagpas ang tingin ko sa likod niya. "I'll free you now. Ang daming nakaabang sa'yo. Pipili ka na lang sa kanila."
Sa lahat ng naghihintay na maisayaw si Malcom, si Anjie ang pinakagusto kong hamunin ngayon. She's glaring at me. Hindi ko man kita ang talim ng tingin niya pero ramdam ko na ang iritasyon do'n.
"Marami rin ang nakaabang sa'yo. Gusto mo bang pakawalan kita?"
I know that. Sa katunayan, humahalo na ang tingin ng mga lalaki sa naninimbang na tingin ng mga babae sa gawi namin. I have to admit that it scares me a little to depart from Malcom. Alam ko na agad ang mangyayari.
Bumuga ako ng hangin. Tatlong kanta rin ang pinatapos namin bago kami tuluyang nakabalik sa pwesto namin kanina. We had a talk first and that was enough to let time pass. Kaya nang sumali kami sa sayawan, patapos na ang mga kanta kaya hindi na kami gaanong nagtagal.
Halata ang pagkadismaya ng karamihan dahil hindi naisayaw ni Malcom. Marami ang may ayaw sa nangyaring pagsasayaw namin pero ibang iba si Luz!
Sinalubong niya agad ako nang natapos kami sa gitna.
"Ang sweet niyo naman," pang-aasar niya sa akin at sinabayan na ako sa lakad.
I parted ways with Malcom. Tinawag siya ng mga kabanda kaya mag-isa akong lumalakad ngayon patungo sa isang sulok.