Chapter 4
"Sino yun?"maanghang na tanong ni Robbie.
Papunta na kami sa Literature 101 Class namin. Pareho kami na nagtetake up ang Communication Arts. Gusto nga sana ng Parents ko na magmed din daw ako tulad nila pero iba talaga ang hilig ko.
"Si Dale kababata ni Drew. Hindi mo ba kanina narinig?"
"Wala akong interesado makilala yun noh."
"Beside ang hangin, akala mo kung sino." He added.
"Wow nagsalita ang hindi. Mukha namang mabait yung tao eh ang cute pa." puri ko.
"Tss mukha lang naman eh paano kung manyak yun o kaya mafia. Mas gwapo pa rin ako noh." Pagmamayabang niya.
True nga mas gwapo si Robbie kay Dale, admit ko yun. Kaya nga ako nainlove at nagpapakatanga diba.
"Haisxt! Kung hindi lang ako matino siguro masasabi kong nagseselos ka." Sabi ko.
Napatigil naman siya sa paglalakad.
"Ako? Magseselos? Sa patpating yun?"
"Eh kasi grabe ka makareact akala mo naman may aagawin sayo." Ako.
"Tss. Sadyang ayaw ko lang dun noh and besides BESTFRIEND/ PARTNER kita at para na kitang KAPATID kaya ayaw kong may manakit sayo lalo pa kung lalaki." Sabi niya at umakbay sakin.
Nakatingin lang ako sakanya. BESTFRIEND? PARTNER? KAPATID? Psh ano ba nga naman ako sakanya edi BESTFRIEND lang. Hindi na yata yun magbabago.
"Okay ba yun?" tanong niya.
Ngumiti lang ako ng pilit saka kami nagpatuloy sa paglalakad.
Robbie's POV
Hi guys! Alam kong napakilala na ko ni Lex sa inyo. Dapat ako lang ang tatawag sakanya ng Lex. Ganun ako kaselfish basta sa bestfriend ko. Yun bang hindi ako comportable kung wala siya sa tabi ko, sakanya ak sanay eh. Biruin niyong 12 years na kaming magkaibigan, sa lahat na yata ng bagay magkapartners kami kaya kung may mananakit man sakanya ako na mismo yung gugulpi dun kaya kung sino man ang may balak naku umatras na kayo *evil grin*.
Kanina nung pinakilala ni Drew yung Dale kay Lex hindi ko maiwasang mairita. Ewan ko ba, basta ayoko sa lalaking yun na lumapit kay Lex.
Nandito ako ngayon sa Gym para magpractice ng Basketball, kahit hindi na kailangan. MVP kaya to!
At sa di inaasahan nakita ko ang babaeng pinapangarap ko. Kasama niya ang barkada niya. Yung mga ngiti niya, yung mala barbie niyang mukha. Super girly siya at sweet.
Napangiti ako ng wala sa oras. Mag iisang taon ko na siyang crush at balak ko na siyang ligawan. Magpapatulong nga sana ako kay Lex eh, biruin niyo akala niya siya yung liligawan ko. Pfft! Eh parang kapatid ko lang yun noh atsaka iba siya kay Elise. Hindi naman sa tomboy siya pero si Lex simple lang, kung manumit jeans o short tapos fitted shirt at sneakers o wedge, minsan nakaskirt din pero nakahighcut converse naman. Para siyang Kpopper at jologs di tulad ni Elise prim and proper. She's is perfect.
"Hi Robbie." Bati niya sakin nang makalapit siya.
"Hi." I greeted back at ngumiti.
"Uhmm I just wanna invite you to my party this Saturday sa bahay." She said.
"Sure! Just text me the time and place ill be there."
"Promise?"
"Promise." I assured.
"Sige ill see you then." Then she walk out.
*Grinning*
Mukhang magagawa ko na yung plano ko ah. Magpasama kaya ako kay Lex para full support.
BINABASA MO ANG
My Jealous Partner
Teen FictionMahal mo siya... Pero may minahal siyang iba... You tried to look for someone new... Then in the end he realized what he let go. Hanggang PARTNERS na lang ba talaga ang lahat???