Chapter 6

5.7K 190 24
                                    



Agad na sumalubong samin ni Robbie ang malakas na tunog ng music na nanggagaling sa party. Mga party animals pala yung makakasalamuha ko ngayon.

"Are you okay?!" medyo pasigaw na tanong ni Robbie.

Halos kasi hindi na magkarinigan ang mga tao dahil sa lakas ng music. Nakakasilaw din ang mga Neon lights na nakaayon sa rhythm ng kanta.

Hinila ako ni Robbie papunta sa mini bar counter. Napakaraming tao, halos lahat ng sikat sa school nandito syempre kasali ako dun noh. Member kaya ako ng Glee Club tapos major sponsors pa sina Mommy sa school kaya lang hindi ganun kasikat, wala naman kasi akong issue sa school eh. Siguro si Ysa at Drew lang ang wala dito. Mukhang magiging OP ako for the next few hours.

Umupo kami ni Robbie sa bakanteng stall.

"Anong gusto mong inumin?" he asked.

"Ice Tea na lang." sabi ko.

"Lex mukhang wala yata ditong plain ice tea, lahat nay halong alcohol."

Psh kung minamalas ka talaga. Mahina ako sa alak eh.

"Sige Long Island Ice tea na lang inumin mo." Sabi niya.

"Ano yun?" tanong ko.

Parang ang weird kasi eh.

"Ice tea with gin yun, don't worry hindi malakas tama nun."

Tumango na lang ako. Wala naman kasi akong alam sa alak.

"One Long Island Ice and One Vodka." Sabi ni Robbie sa bartender.

Kakaibang bahay naman toh, sa gabi parang bar. Psh.

Inabot sakin ni Robbie ang Alak. Tumikim muna ako ng konti. Mukha naman Ice tea parin kaya lang medyo masakit sa lalamunan at nagiiwan ng mapait na lasa sa bibig ko.

"Okay lang ba ang lasa?" tanong niya.

"Okay lang mukhang makakaya ko." I said.

Habang lumalalim ang gabi mas lalong nagiging wild ang mga tao. Binabati naman si Robbie ng makakasalubong sa kanya. Pero kanina ko pa napapansin na palinga linga si Robbie. Mukhang hinahanap niya si Elise. Sa mga oras na to pinagdarasal ko n asana hindi sila magtagpo.

"Uhmm Lex dito ka lang ha, hahanapin ko lang si Elise." Sabi niya.

Pipigilan ko pa sana siya nang agad siyang umalis leaving me alone.

Robbie's POV

Kanina pa ako paikot ikot sa buong bahay pero hindi ko siya Makita. Hindi ko sigurado kung nasalisihan ko ba siya dahil sa dami ng tao. Hanggang sa lumabas na lang ako sa garden. Nakakasuffocate na kasi sa loob.

Habang naglalakad nakita ko si Elise malapit sa fountain.

I smiled at lumapit sakanya.

"Hi." I greeted.

Nilingon niya ako.

She's really beautiful.

"Robbie, mabuti at nakarating ka." She said.

"Uhmm yah, actually kanina pa kita hinahanap."

"Bakit? May kailangan k aba? She asked.

"Uhmm kasi..."

Huminga muna ako ng malalim. Geez!

"Ano yun Robbie?"

"Well... I just want to say that youre beautiful, smart and sweet. Youre one of a kind girl. Siguro yun ang nagustuhan ko sayo." I said.

I heard her gasped.

"And I want to ask you..."

"Will you be my girlfriend?"

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Its hard to be in my place right now.

Unti unti siyang ngumiti then nod.

"Yes Robbie."

Hindi ko na napigilan pang sumigaw. Bigla ko siyang niyakap at inikot ikot.

"Thank you Elise. I love you." I said and carress her cheek.

"I love you too Robbie."

Finally!!! I got the girl I want.

Alexis POV

"Thank you Elise. I love you."

"I love you too Robbie."

Hindi ko na napigilan pang humikbi.

Yung mga salitang yun na nagmistulang mga bala sa puso ko.

Sana pala nanatili na lang akong umupo doon sa loob kaysa sa piniilit kong panoorin ang mga sandaling ito na parang ikamamatay ng puso ko.

Agad na lang akong napatakbo palabas sa lugar na yun.

Habang nag aabang ng masasakyang taxi mas lalong lumakas ang paghikbi ko.

Ang sakit sakit.

Sana pala sinabi ko na lang ang nararamdaman ko kaysa ito na parang unti unti akong nadudurog.

Its hard to fall inlove into a person who doesn't love you the you want.

Medyo napatigil ako sa paghikbi ng may humintong kotse sa harap ko.

Iniluwa nito ang isang taong alam kong makaktulong sakin.

"Alexis."

Agad ko siyang niyakap at umiyak sa balikat niya.

"Anong nangyari?" tanong niya.

"Just get me out of this place..."


.


.


.


.


.


.


.

"Please Dale."

My Jealous PartnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon