Chapter 29

5.5K 170 11
                                    



Ilang beses na akong tumingin sa wrist watch ko. Ilang beses na din akong pabalik balik ng lakad na halos mapudpod na yung Valentino heels ko.

May balak ba yung paghitayin ako ng matagal?!

Kung bakit pa kasi ako pumayag na makipagkita eh!


Flashback...

"Can I see you tomorrow?" tanong niya.

"Bakit?"

"A-ah wala naman, magpapasama lang akong bumili ng mga props para sa children's party." Sabi niya.

"Children's party??? Kailan ka pa nagkainteresado sa mga bata aber?" mausisa kong tanong.

"Tsk. Birthday kasi ng anak ng pinsan ko. Remember Rina? 3 years old na kasi yung anak niya kaya nagpapatulong sa party." He explained.

Pinsan ni Robbie si Ate Rina sa ama. Actually close kami, siya kasi yung tinatakbuhan naming pagmeron kami assignments ni Robbie nung high school. 5 years na pala siyang kasal sa asawa niyang half Korean. Siguro mga 2 years na din nung last ko silang Makita sa binyag ng anak niya na sinasabi I Robbie.

I sighed.

"Fine..."

End of Flashback...



At ngayon halos 30 minutes na akong naghihintay pero wala pa din siya. My ghad! Makakatikim talaga sakin yun ng sabunot!

"Hi!"

.

.

"A-aaw!... T-teka Lex. Masakit! ARAY!."

Agad ko kasi siyan sinabunutan at binatok nang dumating siya. Wala akong pakealam kung pinagtitinginan pa kami dito sa Mall. Paghintayin ba naman ako!

"Bakit ngayon ka lang?! Kanina pa ako naghihintay dito ah!" bulyaw ko sakanya.

"Eh traffic eh pasensya. Tsk! Para yatang hihiwalay yung buhok ko sa scalp ko. Sabi niya habang hinihimas ang ulo.

Buti nga!

"Oh asan na yung listahan ng biblhin natin. Pasalamat ka at sinamahan kita, alam mo bang pinacancel ko pa yung hair treatment ko ngayon?! Imbis na ienjoy ko tong 3 days no school mabibitin pa." sabi ko.

Ngayon na kasi magsisimula yung 3 day seminar sa Bagiuo kaya magiging long weekend kami (Wednesday yung araw). Ang aga nga kaninang nagtext si Dale sakin, sabi niya dadaan muna siya sa Tita niya sa La Union after ng seminar kaya next week na kami magkikita.

"Hair treatment? Kalian ka pa may hilig jan?" tanong niya.

"Wala lang, masama bang magpaganda." Pamimilosopo ko.

Kailan pa to nagging pakealamero?

Ibinigay sakin ni Robbie ang mga bibilhin naming and gosh! Mukha yatang magiging busy ang buong araw ko sa dami ng bibilhin naming. Party hats, balloons, souvenirs tapos maggogrocery pa kami.

Inuna muna naming bilhin ang mga party hats at balloon. Alice In Wonderland kasi yung theme.

"Red Queen."

"White Queen na lang"

"Hindi Red Queen."

"Tsk. White nga kasi eh."

"Ah basta Red Queen."

Bangayan naming sa pagpili ng balloons. Ang arte naman kasi eh, gusto niya red queen eh diba kontrabida yun sa story. My ghad! Pero in the end siya parin ang panalo. Hmp!

My Jealous PartnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon