Before
I throw my phone away from me. I can't believe it. Hindi man lang nagawa ng manager ko na bigyan ako ng tatlong araw na pahinga after ng sunod sunod na photoshoot namin sa Boracay. It's burning me to death!
Mabilis ang hininga ko nang maupo ulit sa swivel chair. Nasa loob ako ng office ni daddy. Dadaanan na ako mamaya ng manager ko para sa isa na namang project ko sa Batangas. It is a bikini shoot. Kasama narin ang pag promote sa resort. It's a dual project.
Bumukas ang pinto at niluwal si Ivory, ang sekretarya ni dad. Nagulat siya nang makita ako. Nilibot pa nito ang tingin sa loob. Disappointed that she didn't see my dad.
Nanliit ang mga mata ko habang nakatingin sa kan'ya. I stood up. She moved a bit. I looked at her from foot to head. Hindi ako naniniwala sa mga usap usapan. Pero alam kong minsan na itong may ginawang masama sa daddy ko.
"Why are you here?" Tanong ko at tinaas ang kilay.
Nakita ko ang ngiti sa labi niya. Na lalong nagpainis sa akin. I fisted my hand. Nakita niya iyon kaya lalo siyang napangiti.
"I am here for Sir Kevin. May meeting siya ala una. If he's not here. I'll go back later to remind him." Tumalikod siya at naglakad na palabas.
I sighed heavily. This past days are stressing me. Hindi ko alam kung saan ko naiwan ang necklace na gift sa akin ni Akio. At hindi ko alam kung anong ira-rason ko. I asked my manager for a rest day, and he declined.
I crossed my arms while bitting my nails. Kung hindi ko iyon mahahanap sa Glan, I'll better find another. Magtatampo si Akio.
Bumaba na ako agad ng palapag nang matanggap ang mensahe ng manager ko. Isang itim na sasakyan ang pumarke sa basement. I wore my sunglasses. Afraid that paparazzi will show up out of nowhere. Masyado pang presko ang issue ko sa isang actor. It says that we are spotted dating together in Cebu. Ngunit ang totoo ay nakasama ko lang siya sa isang interview. And yes, we lunch together. At may kasama ako. It was photoshop kaya nagmukhang kami lang dalawa!
"You have to act nice, Che." My manager informed.
"You don't have to remind me, Lois." Nakatingin ako sa labas at hindi siya binalingan.
Hindi ko matanggap na hindi ako nito binigyan ng pahinga. The whole shoot was too exhausted! Hindi man lang ito concern sa kalagayan ng artist niya?
Nakatulugan ko ang pagmamasid sa labas. Akala ko ay mai-enjoy ko ang tanawin sa labas pero dahil siguro sa pagod ko ay nakatulugan na lang.
"Isa sila sa mga prestigious na company, Che. You have to do your best para sa susunod na brand, ikaw ang kukunin nilang model," si Lois.
Naiinis akong lumingon sa kan'ya. Hindi makapaniwala na iyon ang maririnig sa kan'ya. I know my job. At ang hindi ko gusto ay iyong tinutulak akong gawin ang isang bagay. Mas lalo akong nawawalan ng gana!
"I don't need to impress them. If they really want me, they'll choose me. At wala pa naman akong project na hindi ko ginalingan. I always did my best," taas noo kong sabi.
Huminga nang malalim ang manager ko. At tumango na lang. Gumuhit ang ngiti sa labi ko. Kilala niya ako. Limang taon na siyang nagtatrabaho sa akin. Noong hirap pa ako makapasok sa industriya, at ngayon na matunog na ang pangalan ko.
Isang malaking tarpaulin ang nakapaskil sa entrance ng resort. Hindi ako makapaniwala na ganoon ka-init ang salubong nila sa akin. We are assisted immediately. I was wearing a sun hat to shades my face from the scorching sun. Masyadong masakit sa balat ko. Even though I am tan.
Sanay naman rin ako ma-expose sa araw. Pero sensitive parin ang balat ko. Kaya minsan may mga pampahid na dala si Lois kapag may mga photoshoot kami. Lalo na kapag sa dagat.
BINABASA MO ANG
Before Sunrise (Scenery Series #2)
Romance"If we had never met, it would have saved us both some grief," she hissed, her voice laced with a bitterness that chilled the air. Chekaia Fluer Mercado, a woman whose wealth had insulated her from true hardship, now found herself drowning in a sea...