Urge
I folded my legs and grabbed my cheesecake. P-in-lay ko ulit ang The Space Between Us na pinapanood ko. Kanina pa tawag nang tawag si Akio sa akin dahil hindi ako um-attend sa practice namin. Inubos ko ang weekend ko sa pagmamaktol sa loob ng kwarto ko.
Hindi ko maatim ang mga salitang binitawan ni Altaro. At ayoko siyang makita kaya hindi ako pumunta sa practice namin. Isa pa, hindi ko matanggap na ginagawa niyang excuse ang pagkuha ko ng sagot. At ang estado ng pamilya ko sa karapatan ko na ipagtanggol ang sarili ko.
It was Traea's fault after all. At kahit anong siksik ko sa kan'ya na iyon ang may kasalanan, ako parin ang hindi paniniwalaan dahil palagi nilang nakikita sa akin na masama at laki sa layaw. Even how hard I tried to convince him, it is always Traea that he always wanted to protect. I hate him!
Bumukas ang nakasarado kong pinto at pumasok roon si Akio na nakakunot ang noo. Agad niyang sinarado ang pinto at tinapon sa akin ang dala. Sinilip ko iyon at nakita ang mga chocolates doon. I smiled. Alam kong tinago niya lang ito dahil ayaw niya makita ni mommy.
"Ayan. Pumunta ako sa school, wala ka roon." Naupo siya sa tabi ko at kinuha ang natitirang cheesecake sa lamesa ko.
Ngumiti ako at tinaas ang isang binti sa sofa para maharap siya. He was now watching while eating cheesecake.
"Thanks for this," sabi ko para iwasan ang nais niyang itanong.
"Bakit wala ka sa practice?" Humarap siya sa akin.
Nawala ang ngiti ko at napalitan ng nguso. Akala ko hindi na niya itatanong. Kumuha ako ng isa sa mga binigay niya. Sinundan niya iyon ng tingin. Mas lalo akong napanguso, alam kong naghihintay parin siya sa sagot ko.
"Everyone at school hates me for sure," sabi ko at humarap na sa laptop ko.
Hindi ko na nasusundan iyon. Alam kong nakatitig sa akin si Akio. At hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan niya. I was sure that Akio believes me. Siya lang naman ang palaging nasa tabi ko. Everyone sees me as their enemy.
"Maligo kana. Sabay na tayo sa school. May driver akong dala."
Umiling ako at hindi na nagsalita. Nag iinit ang pisngi ko. At alam kong pag magsasalita ako, maiiyak lang ako. Kapag pupunta ako roon, makikita ko na naman sila. At maalala kung paano ako kinawawa na hindi makapagsalita.
I bit my lips. Remembering Altaro's words. Parang ayaw na ayaw niya sa akin. At ayaw niya sa mayaman.
"Aia, walang may gusto na mangyari iyon. It wasn't your fault. Atsaka, nasaktan ka rin. Hindi mo dapat pinapakita sa kanila na kasalanan mo. It wasn't your fault to just stay here and lock yourself inside your room."
I stared at him. I saw his mouth curls. He pinched my nose before grabbed my wrist. I laughed as he pulled me through the bathroom.
"Ano ba Akio, ayoko nga kasi pumunta roon." Natatawa kong sambit.
Umiling siya. "Ayoko rin na wala ka roon. Wala akong nakikitang maganda, eh."
Napailing ako at nangingiti. Kinuha niya ang towel ko sa closet ko at tinapon iyon sa akin. I saw him smirked before closing the door.
I was lucky that Akio was here for me. I admit I was soft-hearted. And that I take words too much. Sensitive ako na kung sigawan mo man lang ako, iisipin ko na galit ka. I easily noticed how person change from the way they treat me. At kahit sabihin ako ng konting salita lang na hindi ko gusto, dadamdamin ko. I wasn't sure if it is because of how my family treated me as their only daughter. And how my kuya treats me as his precious sibling.

BINABASA MO ANG
Before Sunrise (Scenery Series #2)
Storie d'amore"If we had never met, it would have saved us both some grief," she hissed, her voice laced with a bitterness that chilled the air. Chekaia Fluer Mercado, a woman whose wealth had insulated her from true hardship, now found herself drowning in a sea...