Tattoo
Kinakabahan akong bumaba sa isang itim na SUV. Sumunod si Lois sa likod ko. Nilibot ko muna ang paningin sa isang glass building bago magdesisyong pumasok. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko nang makitang wala naman ganoon tao sa loob.
Nagulat pa ako dahil hindi ko ine-expect na ganito ang madatdatnan ko. Sa unang hallway, para siyang mini-gallery with some paintings.
Napahinto ako habang naglalakad patungo sa tinuturo ng isang babaeng nag-a-assist sa amin. Merong isang painting na kumuha sa atensyon ko. It was placed on the middle. Isang babaeng nakasuot ng puting dress at nakahiga sa tubig lawa. There was a white swan beside her. The perfect sunset wrapped the painting. I love it.
"Binebenta ba 'to?" I suddenly asked at lumingon sa babaeng nasa tabi ko.
Sinulyapan ako ni Lois at katulad ko, napatingin din sa babae.
Ngumiti ang babae. "That one was part of the exclusive painting of the artist. And he don't want to sell it."
Nangunot ang noo ko. Pinasadahan ko muli and painting bago nagpatuloy.
The second hallway was full of sculptures. Halos lahat ng rebulto ay babae. The owner must really love women. I smirked as I let my fingers run into one of the sculptures.
"Just knock on the door before entering..." sabi ng babae bago magpaalam.
"I'll wait here." Si Lois.
"Just come with me," ako dahil med'yo kinakabahan pa rin ako.
Mas komportable akong nasa tabi ko ang manager ko. Feeling ko kapag nakatalikod ako, sasaksakin ako.
Huminga si Lois at walang nagawa. Siya na ang kumatok at bumukas ng pinto. Tumunog ang phone ko sakto pagbukas kaya nag-excuse muna ako. It was Akio. Kaso nang sagutin ko ay namatay agad. I decided to call him but he sent me a message agad. Isang picture niya sa Venice. Ngumuso ako at nireplyan iyon bago nagpaalam. Pagkasent ko ay agad akong sumunod kay Lois.
"We already talked. Your work starts now. You call me if you want anything..." Si Lois nang makasalubong ko sa pinto ng office.
Agad nawala si Lois nang may kinakausap na sa phone. I gritted my teeth and decided to go inside. Kaso pagbukas ko, parang gusto ko na ulit umalis.
I saw Altaro in his black suit while looking at his laptop. Nakakunot ang noo nito habang nakahalukipkip. Tinaas nito ang mga mata sa akin at hindi pa rin natitinag. Binalik niya rin agad ang mga mata sa laptop na parang wala lang ako sa harapan niya.
I couldn't believe this. I recalled all the words from my manager, Lois. I mentally slapped myself for ignoring the part where he mentioned about Altaro Melgarejo.
"Did you eat?" Si Altaro na kumuha sa atensyon ko.
I bit my lips and tried to force a smile. "I did. So, I guess... we'll be working together."
Altaro removed his crossed arms. Nakataas ang isang kilay niya habang nakatingin sa akin. "We sure we will."
"Did you eat... already?" He asked again.
Saglit kaming natahimik. Ako, pinoproseso ko ang tanong niya. Hindi ko alam kung parte ba ito ng trabaho o baka binibigyan ko lang ng kahulugan.
"I prepared food. You'll get hungry while working later," aniya at tumayo.
Umiling ako at ngumiti. "I already ate."
Napahinto siya at tinaasan ako ng kilay. Nagtagal ang tingin niya sa akin. Pinasadahan niya ang suot kong puting trouser at itim na tube bago umiling.
BINABASA MO ANG
Before Sunrise (Scenery Series #2)
Romance"If we had never met, it would have saved us both some grief," she hissed, her voice laced with a bitterness that chilled the air. Chekaia Fluer Mercado, a woman whose wealth had insulated her from true hardship, now found herself drowning in a sea...