Kabanata 6

26 3 0
                                    

Unload




Nagulat ako nang buksan ko ang locker ko. It was my first day after the long summer vacation. Hindi ako nakapasok kahapon dahil iyon ang flight namin pabalik sa pinas. Ngayon ay nabuhos ang maraming sulat mula sa loob ng locker ko. Isa isa ko iyon pinagkakatinginan. Hindi ko alam kung noong nakaraan pa ito o kahapon.

I used to this kind of stuff. Noong unang buwan pa lang ako rito, pero mas dumami noong nanalo ako sa pageant. Kumunot ang noo ko nang may sobre na nakaagaw ng pansin ko. It was a clean minimalist envelope. May nakaguhit na smiley face sa unahan. I smiled and opened it.



“You are back, may maganda na naman sa Glan.”



Napangiti ako sa nabasa. I couldn't believe I laughed at it. Agad kong sinara iyon at ibinalik sa loob ang lahat. Dadalhin ko na lang sa bahay mamaya. Kanina pa naghihintay si Akio sa labas at paniguradong magtatanong na naman kung binasa ko na naman ba lahat ng sobre roon. Sanay na ito na may mga tambak na sobre sa locker ko. He even insisted to put my things on his. I just laughed it away. Marami akong gamit kaya hindi magkakasya roon. And beside, baka akalain nila na boyfriend ko ito. Or anyone will think he's a gay.

Nakapangalumbaba ako habang nakatingin sa prof namin. Mabuti at pareho rin kami ng section ni Akio. Ibinaling ko ang tingin sa kan'ya. Seryoso itong nagsusulat at kino-kopya ang nasa blackboard. His dimple, like my brother, is showing slightly while reading in a mumble. I shrugged my shoulder and decided to take a nap.

"Akio, sali ka maya sa laro?" Isa sa mga kaibigan ni Akio nang palabas na kami.

Tumingin ako sa kan'ya. Nakangiti si Akio na tumango bago kinaway ang kamay senyales na aalis na kami. Narinig kong may laro sa covered court ng plaza mamayang gabi. Dadalo pa ang mayor sa kabilang bayan para manood. At kasali si Akio sa maglalaro.

"Sino ba kasama mo maglaro mamaya?" wala sa sarili kong tanong. "Kasali ba ang mga senior?"

Kunot noo si Akio nang lingunin ako. Mabilis akong nag iwas ng tingin dahil sa makahulugan niyang titig. I would like to confirm if Altaro joined them.

Magaling si Altaro maglaro. Na para bang kahit hindi ka mahilig manood sa mga liga, mapapanood ka. Ganoon ang impact niya. Kaya siguro marami rin ang nakiki-cheer sa kan'ya. Lalo na noong opening.

"No. Labas na sa school ang laro. They are not playing with us." Si Akio.

I nodded. I was planning to go and watch the game but hearing that from him, parang gusto ko umatras at manood na lang ng Netflix.

"Bakit? May gusto ka ba sa mga seniors?" Nakataas ang isa nitong kilay.

I laughed. As much as I don't like to answer him, ayoko rin magsinungaling. Some opportunities failed by lying.

"Si melgarejo ba?" dagdag pa niya na nagpagulat sa akin.

I nodded and smiled. I admire him. I often heard that Altaro is a topnocher in his section. He's also fond of leading, a leader. Aside from being attractive physically, matalino rin. That's enough for me to like him.

I heard Akio sighed. Napalingon ako. He messed his hair and looked back at me. He looked serious.

"May girlfriend si Altaro, Aia."

I shrugged. "Wala akong alam. Who told you?"

He sighed again. "Narinig ko lang."

I smiled widely. "Narinig mo lang pala. Huwag kang magpapaniwala sa mga sabi sabi."

He clicked his tongue and looked away. Kung totoo man ang sinasabi niya, there's no wrong of wishing I can talk to him. And would ask him about that. Atsaka, hindi pa naman sila mag asawa. I am not trying to steal him away from his girlfriend. Kung meron man. People would rather try some things in order to find their real taste.

Before Sunrise (Scenery Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon