Kabanata 17

17 0 0
                                    

Slap

"Guess who chase the bitch?" Ani Tasha hawak ang kan'yang shoulder bag.

Nangunot ang noo ko habang pinagmamasdan siyang makalapit.

Nasa isang coffee shop kami. Medyo malamig ang panahon at ayoko na sanang lumabas pa dahil weekend naman. Pero bigla akong inaya ni Tasha.

She sat down across me. Hinawakan ko ang kanina pang nakahanda na macchiato. Dinama ko ang init habang nakamasid sa kaibigan na bumuntong hininga.

"Anong meron?"

She sighed and stared at me. Mas lalong kumunot ang noo ko. She bit her lips, tinitimbang ako.

"Someone showed up last night," aniya bago nagtawag para mag order.

"Showed up, who?"

She sighed again and smiled. "The tail of yours?"

"Just go fucking straight, Ash."

Tumikhim siya. "Nothing. Kumusta na kayo ni Laren?"

Tinitigan ko siya. "Seriously? Nag-aya ka mag coffee dahil lang sa tanong na iyan?"

She laughed. "Puwede ba, Che. I crave for coffee this past few days. Ayokong magmukhang tanga mag-isa kaya sinama kita."

"You two broke up? You and Chiro?"

She shrugged. "Walang kami. So, walang break up na nangyari. And that's not the case..."

Tinitigan ko pa siya lalo. Nakita kong nababalisa ito.

"You two fought?"

"Hindi naman. At...wala namang rason para mag-away kami kasi wala akong karapatan."

Bumuntong hininga ako at hindi na nagsalita. Hindi naman rin nagsalita si Tasha kaya alam kong may problema talaga. Kinagat ko ang labi ko at iginilid ang ulo para mag-isip ng paraan paano makumbinsi ang kaibigan.

"Altaro talked to me," aniya na nagpagulat sa akin.

Nanlalaki ang mata kong binaba ang tasa. Ilang buwan na nang huli kong marinig ang pangalan niya. I was lucky that my friends never mention him. Kahit man si Akio ay wala narin nababanggit sa mga ganito.

Umiling ako. Hindi makapaniwala sa mga pumapasok sa isipan. Bakit siya nandito? At bakit niya kinausap ang kaibigan ko?

Umayos ng pagkakaupo si Tasha at mariing nakatitig sa akin. Pinagsalikop nito ang dalawang palad sa lamesa. Gusto kong tanungin kung ano ba ang dapat nilang pag-usapan at nag-usap sila. Pero mukhang nakahimigan naman niya.

"He was asking about you..." Si Tasha at sinundan ang mga mata ko nang nag-iwas ako ng tingin.

"What about me? And... why would a cheater ask about their exes?"

Matagal bago makasagot si Tasha kaya tinapunan ko siya ng tingin. He was weighing me. Kaya nag-iwas ulit ako ng tingin.

"Because you two need to talk? And as far as I remember, hindi kayo nagbreak. You ran away without letting him know. So I guess...he wants to talk."

Umiling ulit ako. "Cheaters don't need break-ups. And I don't want to talk to him."

Nagtiim baga ako. Bakit susulpot siya ngayon? Kung gusto niya kami magkausap, dapat noon paman sinubukan na niya akong kausapin. O baka kaya siya ngayon sumusubok ay dahil ayaw nang mga babae niya sa kan'ya? Even how handsome a man could be, iiwan talaga ng babae kapag babaero.

"Bakit ayaw mo?" Nakataas ang isang kilay ni Tasha. "Che, he just wants to talk with you. I guess talking is not that bad for ending a relationship?"

Ending?

Before Sunrise (Scenery Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon