Kabanata 23

16 0 0
                                    

Work


Mas lalong uminit ang balita tungkol sa akin. Maging ang mga brands na kumukuha sa akin ay umatras. Lois was busy negotiating with them. My parents were mad at me. Na kung hindi ko lang pinili itong industriya, I would never be depressed like this.

“I'll just buy some groceries...” ako habang kausap sa phone si Lois. Nasa Makati siya para sa isang meeting.

“Pagkakaguluhan ka ng mga tao doon. I wasn't around. Please, just stay at home,” aniya.

Hindi ako nagsalita at huminga nang malalim.

"Just call Akio to accompany you," Lois suggested.

I sighed again and agreed. Kaso nang matapos ang pag-uusap kay Lois ay saka ko laman naalala na wala pala sa pinas si Akio. He was abroad for some medical partnership.

Hindi ako magpapakamatay sa gutom dito. Sinulyapan ko ang walang halos laman na refrigerator. Tumayo ako at nagsimulang ayusin ang sarili. People won't mind if I cover myself. At hindi naman nila ako makikilala. No one will think someone is working in a high modeling industry if they sees you alone. Kasi madalas, iyong mga models and artists ay may kasamang guwardiya.

Makapal ang suot ko. Inayos ko ang suot na mask nang makalabas sa elevator. Sa unang palapag ay walang nakapansin kaya napanatag ako. O baka kasi gabi na rin at busy ang mga tao umuwi kaya hindi na rin ako masyadong napansin maging ang mga security sa condo ko.

Malaya akong nakabili nang mga gusto ko. Binilisan ko na rin ang pagpili. Kaso kailangan ko pang mamili nang mga pagkain para sa dinner ko. I can't cook. If mag order naman ako, wala rin. Naalala ko nung sinubukan kong mag order no'ng unang labas ng issue ko, I was rejected at hindi raw kaya ng delivery.  Hindi ko maintindihan bakit pero alam kong dahil lang din iyon sa issue.

Tinulak ko ang cart ko papunta sa mga meats. Maybe eggs will do. Kumuha ako roon at ilalagay na sana sa cart nang may dumaan sa gilid ko at nasagi iyon. Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa bumagsak na itlog bago tumingin sa gulat ding babae.

Kaso mabilis ding nawala ang gulat niya at nanliit ang mga mata. Doon ako bumalik sa wisyo at kinabahan.

"Chekaia Mercado?" a cheeky girl asked. Kasama siya ng babaeng nakatabig sa akin.

I don't remember seeing them around. O baka hindi ko lang sila kilala at isa sila sa mga nang ba-bash sa akin sa social media.

Mabilis ang kaba ko at agad humawak sa cart ko. I was approached by some workers. I told them I'll pay the damage at dumeretso na sa counter. Para akong binagsakan ng langit nang makitang mahaba iyon.

Lumaki na rin ang kumpulan ng tao. Hindi ako sigurado kung dahil ba nandito ako o nagpapa-counter lang sila. Kinakalma ko ang sarili ko. But it didn't help. Lalo at nakita Kong may kumukuha na nang litrato ko. I was trembling and panicking.

Napapikit ako nang may naramdaman kung ano sa ulo. Kumalat iyon hanggang sa sahig. Only to realize it was an egg. At tinapon sa akin. I bit my lower lip. Nag-iinit na ang gilid ng mata ko. I just want to eat. Gusto ko lang naman bumili dahil gutom na ako.

"Insensitive bithc!" Someone shouted from the crowd. May mga gumaya na rin doon at mas lumakas pa ang ingay.

Kung hindi lang sa security na lumapit sa akin, I would literally be messed there. Kaya naman nang dumating ako sa condo ko, hindi na ako nakakain at umiyak na lang.

I ignored all calls and let myself get emotional that night. Bakit ba parang ayaw umayon ng panahon sa akin?

I was good all along. Wala akong kasalanan at wala akong nagawang masama para maranasan lahat ito. Is karma do work even people didn't do bad? Kasi this feels like a karma... Wala naman akong maalala na nagawan ko nang masama. I just want to live a normal life. Na nagagawa ang gusto nang walang humahadlang at walang naaapakan.

Before Sunrise (Scenery Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon