Resent
Nilapag ko ang bag ko sa gilid. Galing doon ang maliit na pasalubong kay Akio. He keeps smiling in front of me. Parang bata na binigyan ng candy. Agad ko itong tinawagan para maibigay ang regalo dahil mamaya, may lakad ako.
"This is your first time giving me a gift, ah?" Pagbibiro ni Akio, binuksan nito ang wrapper at bumungad ang isang jersey ng kan'yang paboritong basketball player. May original sign pa iyon.
Malaki ang kan'yang mga matang yumakap sa akin. Hindi na ako nagtaka, mahirap makakuha niyan, I even asked my dad a favoe, para lang mabili iyon. Alam kong tampong tampo na si Akio dahil palagi kong dine-decline invitation niya. Even his calls and texts. Dahil nakaugalian kong mamasyal Sa bahay ni Altaro. Pampalubag loob.
I sighed in relief. Sinulyapan ko ang malaking paper bag sa gilid. I smiled. Magugustuhan kaya niya ang regalo ko? Hindi ko alam kung anong nasa isip ko nang bilhin ko ang sapatos. I mean... Naglalaro naman siya ng basketball. I can't buy him some household stuffs. Pala? Axe? TV? Cellphone? I laughed with the thoughts of purchasing those. I'm sure he won't like it. I don't want him to think that I'm underestimating him.
Napatayo ako sa pagkakaupo sa kama nang pumasok si Mama. Her hair is scooped up. Malinis ang pagkakatali. She looked serious. Sinulyapan niya ang mga gamit ko sa gilid. Nagtagal ang tingin niya sa isa. Sinundan ko iyon at nakita ang malaking paperbag na ibibigay ko sana kay Altaro. I bit my lowerlip. My mom is a mirror of my lola. Hindi naman siya ganito kay kuya. Hindi ko maintindihan at bakit ang higpit niya ngayon.
I looked away. I remember our last argument noong naaksidente si Willow. At napunta ang alitan sa pagpaalis niya sa akin sa Maynila. I sighed. I heard her heels walking around.
"Your birthday is two weeks from now. You'll invite anyone you like..." she said then turned around.
Sinundan ko siya ng tingin. Akala ko ay lalabas na siya nang tuluyan pero huminto sa gitna ng pintuan. Lumingon siya sa akin at iginilid ang mata.
"Except boys..." Umangat ang tingin niya sa akin nang saglit bago tuluyang nilisan ang kuwarto ko.
Hindi ako makapaniwala na pati ba naman iyon sila ang magdedesisyon. Gusto kong umiyak. I talked to Dad last night. That I want my celebration to be special. Gusto ko engrande. I want it to be memorable kasi finally, I'll be stepping in my legal age. I swallowed and wiped my tears. I took a deep breath. Dad can't say no to her. Sucks!
Ayokong magkulong sa k'warto at magluksa dahil sa birthday ko. Kaya naman nang umalis sila papa pabalik ng Maynila, pinalabas ko ulit ang bisikleta. Sinabi ko sa driver ko na kay Akio lang ako. They even called Akio para i-confirm. Mabuti at nasuportahan naman niya kahit nagtataka rin ang tono nito. I smiled and send him a message. He's curious and investigating my destination. Hindi ko sinabi ang pupuntahan ko. I told him I just want to get away after arguing with mom. He insisted to come over, but I told him I need to be alone and have some time to calm myself. Hindi na nagpilit pa. And now, I'm on my way to Altaro's place.
I place my bike on his fences and saw the gate slightly open. I knocked three times and when I received no sign, I decided to step in. Pumasok ako at wala siya sa patio. The door was closed. Tinapunan ko ng tingin ang isang halaman sa gilid, it was fresh. Halatang bago lang itinanim. Naglakad ako patungo sa likod ng bahay, wala siya. So, I decided to wait and sat on his porch. Nilabas ko ang cellphone ko sa bulsa. I started taking pictures of his place. I even took a picture of myself while showing his garden.
When I satisfied myself, I fished on my gallery. Ang gaganda ng kuha, parang nasa Switzerland ako. But the weather just don't want to be with me. Maganda sana kung dinala ko si Willow, kaso natutulog siya. Napaangat ang ulo ko nang marinig ang tunog ng metal sa malayo.
BINABASA MO ANG
Before Sunrise (Scenery Series #2)
Romance"If we had never met, it would have saved us both some grief," she hissed, her voice laced with a bitterness that chilled the air. Chekaia Fluer Mercado, a woman whose wealth had insulated her from true hardship, now found herself drowning in a sea...