Kabanata 20

21 0 0
                                    

Bora

I was staring blankly on my laptop. I had some of the photos sent by the photographer from Batangas. It all went good. Hindi maipagkakaila na magaling ang kumuha ng mga litrato. Kaya hindi ako makapaniwala kung bakit pinalagpas ng resort ang mga iyon.

It will surely hit the record. Lalo na at summer, mas dadami pa ang dadayo sa resort kung ganoon. Kung hindi lang kinancel ang pagmo-model at endorse namin ni Judas, mas dadaming dadalo sa resort nila. He's actually good. At bihira lang tumangggap ng offers dahil benta at sikat sa ibang bansa.

Umiling ako at hinawi ang mahabang buhok. Talaga naman na hindi makapag-isip ang CEO. And it was him. Wala na akong balita pa matapos akong umalis sa pinas.

I was away for years while the case was on going. Hindi ko na narinig pa ang tungkol sa kaso laban kay Altaro. All I know was my friend committed suicide. Isang taon ako sa Spain nang nalaman ko iyon. I spent months figuring about her problem only to consider situation with her family.

Wala na akong narinig pa tungkol kay Altaro. Hindi naman din binabanggit sa akin kapag may mga kakilala akong galing sa pinas at nakakausap. Even my family didn't mention him.

"I think you need to have a vacation. Hindi maganda na ini-istress mo ang sarili mo. Next month will be the start of summer," si Lois habang inaayos ang mga pinasuot niyang mga dress sa akin.

I sighed. Hinawi ko ulit ang mahabang buhok at napayuko dahil sa mga nangyayari. May isang event ako na dinaluhan last month and something went wrong. I was rumoured dating with the man I am with that night. Kahit ang totoo, kaklase ko lang sa Spain. Bumaba ang rating ng mga dumalo nitong huling fan meet namin sa Batangas.

"Don't think about your next fan meeting. Ako na ang bahala. I will make sure na hindi magba-back out ang mga nag purchase ng ticket last month."

Napaangat ang tingin ko kay Lois. Nag-iwas ito ng tingin at tinuon na lang sa pag-aayos Ng mga gamit.

"Lois, we couldn't stop them. Pera nila iyon at choice nila kung tutuloy sila o hindi. At wala naman akong dapat alalahanin. It's okay if they won't come. Ang sa akin lang, ayokong malugi ang organizer."

"Ako na ang bahala, Che. I'll book you a flight in Bora. You need to unwind for a shorter time bago mag summer."

Tumayo ako at sinarado ang laptop. Naligo ako at doon nagpalipas ng oras. Hindi ko inexpect na ganito agad ka-busy ang schedule ko gayong hindi pa ako nagda-dalawang buwan sa Pinas. At sumasabay pa ang kabilaang issue.

Inayos ko ang glasses na suot at ang shoulder bag. Hindi na ako nagtaka na maraming paparazzi sa airport. I was wearing a white croptop partner with the denim jacket and a jeans.

I was escorted by some guards and blocked the media away from me. Palubog na ang araw nang dumating ako sa resort. I rested for a bit bago napagpasyahan na maligo sa private pool. Mabuti at wala naman din masyado'ng tao. It was an exclusive resort for some business men. Kakilala rin ng manager ko kaya hindi na ako nag-abala pa na i-check.

Umahon ako matapos ang sampung minuto na paglalangoy dahil nararamdaman ko ang lamig. Naupo ako sa sunlounger at inabot ang towel. Napansin kong dumadami na ang tao sa kabila.

Inabot ko ang cellphone sa gilid habang pinapatuyo ang buhok. I took some photos of the resort and the sunset and posted it on my social media account.

Tumayo ako at nagdesisyon na maligo ulit bago pumasok. After two rounds, I decided to stop when I heard a loud noise from a far. Hinawi ko ang buhok mula sa pagkakaahon at sinulyapan ang banda roon.

"Do it or I'll do it for you," a man with a beard said.

Natatawa ang mga kasama nila habang nakatingin sa babaeng nakasalubong ang kilay. Umiling ako at naligo ulit. I just want to enjoy this moment. Dahil sa susunod na mga araw, sunod sunod ang schedule ko.

Before Sunrise (Scenery Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon