Kinabukasan ay umakto akong parang walang nangyari at gaya ng dati siguradong nakaalis na ang mga magulang namin.
Ginawa ko na ang dapat kong gawin. Hinanda ko na rin ang mga gamit ko para sa unang araw ng klase namin.
Paglabas ko ng kwarto ko hindi pa man ako nakakababa ay may ingay na agad akong naririnig. Nakakunot ang noo ko habang nagmamadaling bumaba ng hagdan. Natigil pa ako ng bahagya sa pagbaba ng may marinig pa akong kalabog na sigurado akong galing sa kusina.
Baka may nakapasok ng magnanakaw!
"S-shit!" dinig ko pang malakas na mura ng kapatid ko na galing nga sa kusina.
"Kuya?" pagtatawag ko sa kaniya ng tuluyan na akong makababa ng hagdan. Pero hindi siya sumagot.
Pagdating ko ro'n ay nakita ko siya pati ang isang pamilyar na babae na may hawak na kutsilyo at akmang ibabato iyon sa kapatid ko. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa'kin. Pero sa kurba pa lang ng katawan niya, pananamit niya, mga kilos, at pagtindig niya pa lang ay kilala ko na.
Nangingiti akong bumuntong hininga. "Ate Eunice," bulong ko sa sarili.
"Put down that fucking knife, hon!" may pagbabanta sa boses ni kuya.
Sigurado ako may ginawa na naman ang magaling kong kapatid kaya inis na inis na naman ang girlfriend niya sa kaniya. Poor kuya.
"Sino nga ulit 'yong mataba, Storm?!" galit na tanong nito sa kasintahan.
Nakangiti akong napailing habang pinagku-krus ang braso ko at saka masuyo silang pinanood na magpatayan.
"Nagbibiro lang naman ako," namumutlang sagot ng kapatid ko.
"Sino ba nagsabing nagbibiro rin ako?" seryosong saad ni Ate Eunice, sabay bato ng hawak niyang kutsilyo sa kinatatayuan ng kapatid ko, na mabilis niya namang nailagan.
Sayang.
Mabilis siyang pumulot ulit ng isang kutsilyo at saka hinabol ang kapatid ko.
Parang mga bata.
Hindi sa gusto kong nakikita na sinasaktan niya si kuya. Sadyang mas magkasundo lang kami ng girlfriend niya. Kaya minsan nagseselos din ang kapatid ko dahil mas mukha pa raw kaming magkapatid ng nobya niya kaysa sa aming dalawa.
"Hon! Muntik na ako ro'n, ah!" giit ni kuya sabay takbo. Papunta siya ngayon sa direksyon ko.
"Heaven! Good morning, kumain ka na, ha? Pinagluto na kita!" mabilis niyang sabi saka ako nilagpasan at tumuloy na sa labas ng bahay namin.
"Bumalik ka rito, Storm Allistair Fuentavilla!" dinig ko pang sigaw ni ate Eunice.
"Oh, hi, heaven!" magiliw niyang bati nang makita niya ako.
"Ano na naman ba ginawa sa'yo ng kuya ko?" natatawa kong tanong.
Ngumuso siya. "Sinabihan niya ako na ang taba-taba ko na raw."
Napangisi ako. "Niloloko ka lang nun."
Hindi naman kasi talaga siya mataba o tumaba. Iniinis lang talaga siya ng kuya ko.
"Papasok ka na ba? Sumabay ka na sa'min," pag-aaya niya sa'kin.
Umiling ako. "Mauna na kayo at baka ako pa una mong mapatay," pagbibiro ko sabay tingin sa kutsilyong hawak niya kaya ibinaba niya 'yon sa lamesa.
Natawa ako. "Sige na, ate, sundan mo na si kuya." Nakipagbeso-beso pa siya sa'kin bago sumunod sa labas.
Wala kaming ibang kasama rito. Simula kasi ng mapagdesisyunan naming magkapatid na bumukod na ay hindi na kami nag-abala pa na kumuha ng katulong. Dahil madalas dalawa lang naman kami ng kuya ko rito sa bahay kaya hindi na kailangan. Mas gusto rin daw ni kuya na siya ang magluluto para sa'min.
BINABASA MO ANG
Falling Game
Teen FictionHeaven Cyrill Fuentavilla set her parents to a fixed marriage with Miguel. But because she wants to emerge on that contract. She decided to play a game with Axel, a falling game. How does that simple play control her destiny? What will happen now? S...