Kabanata 8

5 2 0
                                    

Ilang subject pa ang nagdaan bago ang uwian namin. Naisipan kong dumiretso sa gym dahil malamang ay nandoon si Kate.

Nauna kasi siyang umalis sa'kin sa cafeteria kanina at nagmamadali pa dahil taeng tae ng lumayas kasabay nila Matthew at Vincent. May laro kasi ang basketball team ng EU mamaya kaya sigurado akong nandoon lang iyon.

Si Riz naman ay nautusan ng isa sa mga prof namin kaya excuse siya sa mga sumunod na klase namin. Parte siya ng student's council kaya busy din siya palagi. 

At hindi nga ako nagkamali dahil pagpasok ko pa lang ng gym ay si Kate na agad ang nakita at napansin ko.

Kung makapag cheer siya kay Ivan parang boyfriend niya iyon. Kasama rin sa team si Matthew at Vincent pero mas focus siya kay Ivan.

Napaigtad ako ng biglang may umakbay sa'kin kaya inis ko siyang tiningnan.

"Hi, babe." Sabay kindat niya sa'kin.

Marahas kong inalis ang kamay niya na nakapatong sa balikat ko. "Maglubay ka nga, Tien."

Ngumuso siya pero inirapan ko lang siya.

"Anong ginagawa mo rito?" inis kong tanong habang naglalakad kami papunta sa direksyon kung nasaan si Kate.

Pinagkrus niya ang mga braso niya saka nagkibit-balikat. "Baka manonood? Kaibigan ko rin naman si Vince at Matthew, mas pogi nga lang ako. Kaya dapat nandito ang buong tropa."

"Buong tropa? Pero ikaw lang nakikita ko na nandito. Naka drugs ka ba?"

"Hindi ba pwedeng nauna lang kasi ako? Bakit kayong tatlo nga hindi pa kumpleto dahil wala pa si Riz. Tsaka kung si Lin man ang hinahanap mo mamaya pa 'yon dahil may klase pa kasi sila ngayon. Naghahanap ka pa ng iba nandito naman ako."

Binatukan ko siya. "Aray!" inda niya.

"Tigilan mo ko sa mga banatan mong ganiyan, Tien, ha. Ikaw babanatan ko 'tamo." Nauna na akong maglakad sa kaniya.

"Oh, Heaven, nandito na pala kayo," bungad sa amin ni Kate nang makalapit kami.

"Kanina pa madam, sadyang busy ka lang sa panonood kaya hindi mo kami napansin," sarkastikong usal ko.

"Gano'n talaga. Tsaka lahat naman sila chini-cheer ko," depensa niya.

"Talaga lang, ha."

"Papalag ba 'yan, Kate?" pang-aasar ni Tien.

"Tigilan mo nga, Sebastien," iritadong sagot ni Kate kaya napahagalpak sa pagtawa ang kulugo.

Ang pikunin kami ang talagang misyon sa buhay ni Sebastien.

Natigilan kami pare-pareho ng tumunog ang phone ko kaya agad kong hinagilap 'yon sa bag ko.

"Oh, bakit?" bungad ko ng sagutin ko ang tawag.

"Nasaan ka?"

"Nasa gym. Bakit?"

"Pinapatawag ka sa faculty ni Ms. Reyes."

"Bakit?"

"May ipapagawa yata sa'yo."

"Bakit?"

"Puro ka bakit! Mukha ba akong si Ms. Reyes? Pumunta ka na lang!" bulyaw niya sa kabilang linya saka binaba ang phone.

Siya pa may ganang magalit? Siya na nga 'tong tumawag. Sarap kalbuhin.

"Maiwan ko muna kayo. Pinapapunta raw ako sa faculty ni Ms. Reyes."

"Lagot ka," panunukso ni Kate sa'kin.

Inirapan ko lang siya.

"Ingat, babe, baka madapa ka," pang-aasar ni Tien kaya binatukan ko siya ng malakas at saka ako tumakbo palabas ng gym.

Falling GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon