Kabanata 23

2 0 0
                                    

Dahil sa pasmadong bunganga ng lalaking 'yon ay hindi ako nakatulog ng buong gabi kahit pa nakainom ako at samahan pa ng pagod na tagos hanggang kaluluwa ko. Halos naikot ko na rin yata ang buong kama ko at nagawa ko na lahat ng posisyon sa pag-aakalang makakatulog ako pero bigo ako.

Nabuhayan lang ako ng dugo nang may marinig akong sunod-sunod na pagkatok na parang kulang na lang gibain 'yong kuwarto ko.

'Ang aga-aga namang mang-inis ng mga kapatid ko!'

Iritado kong binalot ang sarili ko gamit ang kumot at tinakpan ang mukha ko gamit ang unan. Pero hindi siya nagpatinag sa pagkatok hanggang sa marinig ko na ang pagbukas ng pintuan ko.

"Heaven, ano ba! Kanina pa kita kinakatok, ah. Wala ka bang balak na bumangon?" Halata sa boses niya ang pagka-inis pero hindi ko 'yon pinansin.

"Give me five minutes, kuya," tamad na tamad kong usal.

Sino ba naman kasi ang hindi mawawala sa wisyo kung buong gabi kang walang tulog?

Naramdaman kong hinatak niya ang kumot ko kaya naman mas lalo ko pang hinigpitan ang hawak sa unan na nakatakip sa mukha ko.

"Heaven! Hindi ka manlang ba magpapaalam sa'kin bago ako umalis?"

Kunot noo kong inalis ang unan sa mukha ko at saka napabalikwas sa pagtayo.

"Ano ba 'yang itsura mo? Natulog ka ba? Daig mo pa naka-drugs, ah," pang-aasar niya pa sa'kin.

"Aalis? Ngayon ka na ba aalis?"

Matunog siyang ngumiti at saka umupo sa kama ko. "Nakalimutan mo o kinalimutan mo?"

"Parang nagmamadali ka naman yata masyado? Mas gusto mo na bang makasama si Ate Eunice kaysa sa'min? Nagsasawa ka na ba mag-alaga?"

Ngayon naman ay natawa siya sa sinabi ko. Sa totoo lang hindi ko na rin alam kung anong sinasabi ko dahil bangag na bangag ako.

"'Di ba pinag-usapan na natin na babalik na 'ko?"

Bumuntong hininga ako saka ngumuso. "Sinanay mo na kasi ako na nandito ka tapos aalis ka."

Naningkit ang mga mata niya at saka dinuro duro ang noo ko. "Aray! Bangag na nga ako tapos siansaktan mo pa ko," pagmamaktol ko.

"May mga bagay talaga na kailangan nating bitawan at baguhin kahit pa nakasanayan na natin." Tumayo siya ng hindi pa rin inaalis ang mata sa'kin.

"Oo na, sige na! Nagsasawa na rin naman ako sa mga pagmumukha n'yo."

"Sus, baka iyakan mo pa ko?"

Binato ko sa kanya ang unan na nakatakip kanina sa mukha ko, pero nasalo niya saka ako tinawanan.

"Antayin mo ko saglit, mag-aayos lang ako at sasama akong ihatid ka sa airport."

Akma na sana akong tatayo pero pinigilan niya ko sabay iling. "Magpahinga ka na lang. Siguradong wala ka na namang ibang ginawa buong gabi kun'di mag-isip."

Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko. Kilalang kilala niya na talaga ako kaya dapat ko na yata siyang patumbahin.

Nagkibit balikat ako. "Kung 'yan ang gusto mo."

"Bakit parang naiiyak ka na?"

"Baliw!"

Napahagalpak siya sa pagtawa kaya lalong nag-init ang ulo ko. "Umalis ka na nga!"

Maya-maya ay tumigil din siya at pinahiran ang namuong luha sa mata niya dahil sa pagtawa. "Okay, seryoso na. 'Wag kayong gagawa ng kalokohan habang wala ako lalo ka na. 'Wag mong pababayaan ang sarili mo at kung may kailangan ka 'wag kang magdadalawang isip na tawagan ako. Kuha?"

Falling GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon