Kabanata 18

4 1 0
                                    

Matapos nilang tapusin ang mga articles nila ay dumiretso na agad kami sa SPA's room kung saan nandoon si Coach. Iniwan na namin sila ro'n dahil nandoon naman daw ang EIC nila.

Pero hindi pa man ako nakakalayo ay may biglang kumaladkad na sa'kin.

"T-teka nga, hoy! Mag dahan-dahan ka naman at baka madapa ako!" giit ko sa kaniya habang pilit na binabawi ang kamay ko na hila-hila niya pa rin.

"Takte! Kapag ako talaga sumubsob!"

Nang makarating na kami sa cafeteria ay mabilis ko siyang hinampas sa balikat ng malakas para maramdaman niya 'yong inis ko!

"Aray! Bakit ka naman nanghahampas?!" reklamo niya sa'kin.

Lalong nangunot ang mga kilay ko. "Bakit ba kasi bigla-bigla kang nanghahatak tapos kakaladkarin mo ko?!"

"Bakit sasama ka ba kapag inaya kita rito?"

Napapikit ako ng mariin sa inis habang nakayukom ang pareho kong palad.

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko saka ko siya tinignan ulit. Sa pag-aakalang kakalma ako ay bigo ako dahil mas lalo lang akong nainis sa ngisi niyang mapang-asar.

"Bwiset!" Nagmartsa na ako para sana umorder na ng makakain. Pero hindi pa man ako nakakalayo ay hinatak na naman niya ako!

"Ano ba?!" Napalakas ang pagkakasabi ko no'n kaya pinagtinginan kami ng mga tao sa loob ng cafeteria.

Parang gusto ko na lang lamunin ng lupa!

Kapag talaga kasama ko 'to puro na lang kahihiyan ang nararanasan ko. Nakakaurat na siya, ha!

"Easy," natatawang saad niya habang nakataas ang parehong kamay.

Itinuro niya ang lamesa na malapit sa'min. At dahil ayoko ng mapahiya na naman ay sinunod ko na lang siya.

"Bakit kasi nandito ka pa? Hindi ba't dapat umuwi ka na? Tapos na ang training at hindi ka naman estudyante rito."

Pinipigilan ko ang sarili ko na 'wag maging rude. Pero siya mismo nagtutulak sa'kin para maging ganito ako sa kaniya. Pakiramdam ko maaga akong tatanda kapag siya palagi ang kasama ko.

"Pinagluto kita," masaya niyang tugon habang nilalabas ang mga baunan sa loob ng bag niya.

Hindi ko napansin na dala niya 'yon kanina?

"Here, tikman mo at baka matunaw na ako dahil kanina ko pa napapansin na kanina mo pa ako tinitingnan," nakangisi niya pang saad.

"Kapal!" Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at saka tinignan ang baunan na nasa harap ko.

"Buksan mo. Hindi 'yan bubukas mag-isa o gusto mo ako pa—"

"Tahimik!"

Narinig ko pa siyang tumawa pero hindi ko na iyon pinansin. Nang buksan ko ang baunan ay agad na umalingasaw ang bango nito. Lalo yata akong nagutom.

"Tinola? Kahit ako ay kaya ko 'tong lutuin ng nakapikit."

"'Wag kang ganiyan pinaghirapan ko 'yan para sa'yo."

Halata naman dahil sa amoy.

Sinimulan ko ng lantakan ang pagkaing nasa harapan ko. Narinig ko na naman siyang tumawa pero gaya kanina ay hindi ko na iyon pinansin pa.

Gutom ako!

Pinagsisisihan ko na hindi ako nag-almusal kanina dahil tinanghali ako ng gising.

"Ngayon interesedo ka na ba sa'kin?"

Falling GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon