Chineck ko pa ng mabuti 'yong lugar kung saan nila balak pumunta ngayon. Baka kasi namamalikmata lang ako. Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya o ano pero okay lang, wala naman na sa'kin ang lugar na 'yon.
"Let's go?" Napatalon pa ako ng bahagya dahil sa gulat ng biglang sumulpot si Kuya Storm. Narinig ko pa siyang tumawa ng mahina.
"'Wag ka ngang nanggugulat diyan!"
Tumawa ulit siya. "Sorry Heaven. Let's go, baka ma-late ka sa date—"
Hindi ko na siya pinatapos at agad na akong lumabas para dumiretso sa kotse niya. Ayokong marinig ang date-date na 'yan dahil naba-badtrip lang ako.
Nang makarating na kami sa place naaninag ko na agad si Miguel. Malamang nandiyan na rin sa tabi-tabi si Axel at Rylie.
"Umuwi ka agad, Heavenly Cyrill Fuentavilla!"
Kung p'wede nga lang na hindi na ako tumuloy.
"Yeah, Kuya."
"Behave, okay?!"
"Yeah, Kuya."
"That's my girl." Ginulo niya ang buhok ko kaya nginusuan ko lang siya.
Nagpaalam na ako sa kaniya at saka bumaba sa sasakyan niya. Nang makaalis na siya ay do'n ko lang napagtanto. Sino ang maghahatid sa'kin mamaya pauwi?!
Don't tell me? Psh.
Bakit ngayon ko lang naisip 'yon? Nang makalayo na ang kotse ni Kuya ay may narinig akong kumakanta na sinasabayan pa ng gitara.
"Bakit pa kailangan magbihis?..."
Nilingon ko kung saan nagmumula 'yon at nagulat na lang ako sa nakita ko. Kumakanta si Axel habang tumutugtog naman ng gitara si Miguel. Nakatayo naman sa tabi niya si Rylie at parang kilig na kilig pa sa ginagawa ng magkapatid.
Teka, hinaharana ba nila ako?
"Sayang din naman ang porma
Lagi lang namang may sisingit
Sa t'wing tayo'y magkasama..."Pero hindi ko itatanggi, maganda ang boses niya. Sumabay pa sa pag-awit niya ang mga paru-paro. Ang sarap sa pakiramdam ng pinagsamang awitin niya at ng sariwang hangin sa gitna ng buwan.
"Bakit pa kailangan ang rosas?
Kung marami namang nag-aalay sa'yo
Uupo na lang at aawit
Maghihintay ng pagkakataon
Hahayaan na lang silang
Magkandarapa na manligaw sa'yo
Idadaan na lang kita sa awitin kong ito
Sabay ang tugtog ng gitara
Idadaan na lang sa gitara.."Tinignan ko siya sa mga mata niya na kasing kinang ng mga bituin sa langit habang papalapit siya sa'kin. May kung ano akong nakikita mula ro'n.
"Mapapagod lang sa kakatingin
Kung marami namang nakaharang
Aawit na lang at magpaparinig
Ng lahat ng aking nadarama
Pagbibigyan na silang
Magkandarapa na manligaw sa'yo..."May kung ano akong nararamdaman na pamilyar man sa'kin ay hindi ko naman maintindihan. Nakalimutan ko naman na 'yong taong 'yon 'di ba?
"Idadaan na lang..." Hinuli niya ang mga mata ko at saka tinaas ang baba ko. "Sa gitara."
Hindi na ako makapagsalita. Laro ba talaga 'tong pinasok ko? Bakit parang ang competitive naman niya masyado. Ganito niya ka-gusto na maikasal kami ng kapatid niya?
Lalo pa akong nanigas sa kinatatayuan ko dahil sa sunod niyang sinabi.
"Gusto kong palitan ng masasayang ala-ala natin ang masasalimuot na nakaraan mo rito. Gusto kong maging kasing ganda ng lugar na 'to ang maalala mo sa t'wing pupunta o maiisip mo ang lugar na 'to..."
BINABASA MO ANG
Falling Game
Roman pour AdolescentsHeaven Cyrill Fuentavilla set her parents to a fixed marriage with Miguel. But because she wants to emerge on that contract. She decided to play a game with Axel, a falling game. How does that simple play control her destiny? What will happen now? S...