Kabanata 6

7 2 0
                                    

Kasalukuyan akong nagbabasa ng libro sa classroom namin ng biglang may malaking anino na tumambad sa harapan ko.

"Anong problema mo, Vince?"

Narinig ko pa siyang bumuntong hininga bago humila ng upuan na nasa tapat namin at saka ipinuwesto 'yon paharap sa'kin bago umupo.

"Bakit nag-iisa ka?"

"Nasa cafeteria si Kate at Riz. Wala ako sa mood bumaba," simpleng sagot ko.

"Bakit wala ka sa—" hindi ko na siya pinatapos dahil alam ko na kung saan na 'to papunta.

"It's none of your business."

Pero tinitigan niya lang ako dahilan para mailang ako.

"Bakit ba?!" iritadong tanong ko.

"Anong nangyari?" kalmadong aniya.

Sasagot pa sana ako ng bigla akong tawagin ng isa sa mga kaklase namin.

"Heaven! Heaven! May mga lalaking naghahanap sa'yo sa labas!" kinikilig na saad niya.

Bahagyang kumunot ang noo ko saka ko binaling ulit ang tingin ko kay Vince pero nagkibit balikat lang siya sa'kin.

Tumango siya sa'kin senyales na pinapalabas niya ako. Naramdaman ko rin na sumunod siya papunta sa labas pero nanatili lang sa likod ko.

"Heaveeennnn!" sabay yakap sa'kin ng isa sa kanila.

Awtomatikong nangunot ang noo ko at marahas na pinaghiwalay ang katawan namin. "Tigilan mo nga 'yang pagyakap yakap mo sa'kin, Tien! Mamaya isipin ng mga estudyante rito isa ako sa mga babae mo."

"Oo nga naman, bro," panggagatong pa ni Matthew.

Ngumuso siya. "Hindi mo ba ako na-miss?!"

Tinaasan ko siya ng kilay. "At talagang nagtawag ka pa ng resbak, Vince?"

"Alam ko kasing hindi ka magsasabi sa'kin. Kaya kung dadalhin ko silang tatlo baka sakaling magsabi ka na," saad niya saka pinag-krus ang dalawang braso at sumandal sa pader.

"Tara, Heaven, punta tayo sa cafeteria ililibre ka namin," pag-aaya ni Lin.

"Ayoko," mabilis kong sagot. Akma na sana akong tatalikuran sila ng bigla akong hatakin ni Tien.

"Ayoko nga sabi, Tien! Ano ba!" giit ko ng patuloy niya akong hatakin papunta sa cafeteria.

"Apat na kaming nandito kaya hindi ka na pwedeng humindi," aniya.

Sabay-sabay naman na nagsitango ang mga kulugo.

Napabuntong hininga na lamang ako sa isip ko. May magagawa pa nga ba ako?

"Ano ba naman 'yan, sa lahat naman ng inilibre ikaw 'tong parang pinagsakluban ng langit at lupa," pagmamaktol ni Tien.

Siniringan ko siya. "Pinilit n'yo kasi ako."

"Blessing na ang lumalapit sa'yo, oh. Tsaka dapat maging masaya ka. Apat na gwapong nilalang at tinitilian sa school na 'to ang kasama mo ngayon," pagmamayabang ni Lin.

"So, sinusumbatan n'yo ko?" Hinila ko ang kaliwang tenga niya palapit sa'kin. "Ililibre n'yo ko tapos susumbatan n'yo ko?" pagtataray ko.

"Aray! H-hindi naman sa gano'n, H-heaven. Bitawan mo na ako. Masakit na!" giit niya na parang maiiyak na kaya binitawan ko na siya.

"Napaka sadista mo talaga," nakangusong usal niya habang hinihimas ang tenga niya na hinila ko.

Akma na sana akong tatayo sa kinauupuan ko para lapitan siya pero inawat na ako ni Vincent.

Falling GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon