Kabanata 16

4 1 0
                                    

Ang sakit pa rin ng ulo ko. Hindi naman ako madaling malasing kaya hindi ko malaman kung 'yong sakit sa ulo ba na nararamdaman ko ay dahil sa inuman namin kagabi o sa mga iniisip ko. Pero hindi naman gano'n kalala kumpara sa dalawa.

Tinignan ko sila at pareho pang nakayuko. Matapos kasi ang party ni Kate kagabi ay nagka-ayaan kaming tatlo na uminom bago matulog. Naparami yata ang inom namin pero mas maraming nainom si Kate. Ako pa nga naghatid sa kanila sa kwarto.

Kaya ayokong umiinom, eh. Nagiging nurse ako ng mga nalalasing kong kaibigan.

Wala namang problema kung malasing kami dahil kila Kate naman namin napagdesisyunan na matulog. Pero nakakapagtaka pa rin na halos ubusin na ni Kate 'yong inumin namin lalo na't sa aming tatlo siya ang hindi pala inom kaya nakakapagtaka talaga.

"Gaano na ba kagulo ang buhay mo at hanggang ngayon ay malalim pa rin 'yang iniisip mo? Gaano na ba kalalim 'yan? P'wede na yatang paglibingan ng tao 'yan sa sobrang lalim, ah," irit ni Riz.

Hanggang ngayon ay wala pa rin ang prof namin. Vacant kaya namin? Mas maganda na rin 'yon. Hindi ko yata kayang makinig habang binibiyak ang ulo ko sa sakit! Parang ilang minuto pa at mag se-self distract na ako.

"Hindi ko na rin alam kung gaano na kagulo ang buhay ko," natatawang aniko.

"Ano kaya nangyari kagabi kay Kate?" pag-iiba ko ng usapan.

"Duh! Ano pa nga ba? Edi uminom. Magkakasama kaya tayo kagabi! Nalasing ka lang nagka-amnesia ka na? Edi, pati 'yong biglang pagsulpot kagabi ni Markus ay nakalimutan mo na?"

Bakit ba lagi na lang naibabalik sa'kin 'yong tanong?

"Oo! Nakalimutan ko na sana kung hindi mo pinaalala," pataray kong sagot.

Nangibabaw ang tawa niya kaya sinamaan ko siya ng tingin pero hindi siya nagpatinag. Psh!

Bigla siyang tumigil sa pagtawa at ngayon ay nakakunot na ang noo. Tinignan ko kung sinong tinitignan niya. Gising na rin si Kate na ngayon ay nakapanghalumbaba na at mukhang problemado.

"Woy, babae." Siniko ko siya.

"B-bakit?" tanong niya na parang gulat na gulat.

"Ano ba talagang nangyayari sa'yo? Kagabi ka pa hindi namin maintindihan ni Riz. Birthday mo kahapon pero para kang namatayan."

"Dahil ba 'yan kay Ivan?" singit ni Riz.

Umiwas ng tingin sa'min si Kate at mukhang iiyak na naman. So, confirmed? Si Ivan ang problema niya?

Hindi na siya umimik pa kaya tumayo na ako at saka nag-inat. "Tara."

"Saan?" tanong ni Riz.

"Sa puso mo." Nakangiti kong sagot saka siya kinindatan.

Inirapan niya ako. "Talk to my hand."

"Malay mo tayo pala talaga ang para sa isa't isa, Riz. Ayaw mo ba nun?"

"Magbibigti na lang ako."

"Hoy! Grabe ka, ah. Napaka-sama mo."

"Eh, kung sinagot mo na lang kasi 'yong tanong ko ng matino 'di ba?!"

"Eh, bakit ka ba nakasigaw?!"

"Kasi nakakainis ka! Masakit na nga ulo ko mas pinasasakit mo pa."

Napamaang ako. "Wow, ah. Coming from you?"

"Saan nga kasi?!"

"Saan ba tayo laging nagpupunta? Edi, sa Cafeteria!" Sabay nguso ko kay Kate na mukhang nakuha niya naman.

Falling GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon