"Heaven Cyrill Fuentavilla!" narinig kong sigaw dahilan para mapabalikwas ako sa pagkakahiga.
Ano 'yon?!
Nagmamadali akong bumaba sa sala kung saan nagmula 'yong sigaw. Halos madapa pa ako sa kamamadali kong bumaba ng hagdan.
Pagkababa ko ay nakita kong prenteng nakaupo si Sky sa sofa habang nagpipigil ng tawa kaya tinapunan ko siya ng nagtatakang tingin.
"Heaven!" ma-awtoridad na tawag sa'kin ni kuya habang matalim ang mga tingin sa'kin.
"B-bakit?"
"Ano 'to?!" Sabay pakita niya sa'kin ng hawak niyang cellphone.
Sh*t! Nakalimutan ko na 'yong tungkol do'n sa nag viral na video namin ni Axel sa NBS!
"Heaven!"
"May iskandal ka pala. Ganiyan mo sinalubong ang pag-uwi ko?" panggagatong pa ni Sky.
"'Wag mo ng hintayin na tawagin pa ulit kita bago ka magpaliwanag," galit na galit na aniya sa'kin.
Parang konti na lang ay may lalabas ng usok sa ilong at tenga niya. At anytime ay susuwagin niya na ako.
"K-kasi ano..." panimula ko.
Hindi ko makapa ang tamang salita na dapat kong sabihin sa kaniya. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba talaga kung anong nangyari pati sa panibagong kalokohan na ginawa ko kagabi o magsisinungaling na lang ako?
"Don't try to lie on me," matigas niya pang sabi.
Pumikit ako ng mariin at saka mabilis na sinabi lahat ng mga nangyari these past few days pati na rin 'yong about sa falling game dahil ayoko namang sa iba niya pa malaman 'yon.
Para akong nangungumpisal sa mga kasalanang nagawa ko. Nang matapos kong sabihin lahat ay nag sign of the cross pa ako bago idilat ang isa kong mata. No'ng makita kong medyo kalmado na siya at nakaupo na sa tabi ni Sky ay saka ko pa lang iminulat ang isa ko pang mata.
Naghihintay ako na pagalitan niya ako pero hindi niya ginawa. Hindi siya galit?
"Mag-ayos ka na. Mahuhuli ka na sa klase mo."
Nasapo ko ang noo ko.
"P-pero—"
Nakita kong tumango si Sky senyales na pinapaalis niya na rin ako.
Nakanguso akong nagmartsa pabalik ng kwarto ko para mag-ayos. Mabilis akong naligo at nagbihis ng uniporme. Kinuha ko ang mga dadalhin kong gamit at saka dumiretso sa dining table. Tahimik lang kami habang kumakain na siya namang kakaiba dahil madalas kapag kaming tatlo ang magkakasama ay magulo ang bahay.
"Mauna na ako," paalam ko sa kanila matapos kong kumain.
Tumango lang si kuya.
"Ingat, baka madapa ka. Una mukha bago paa," natatawang hirit naman ni Sky.
Nameke ako ng tawa. "Mabulunan ka sana," pagpaparinig ko sa kaniya pero hindi pa ako ro'n nakuntento.
Pumunta ako sa sala namin at mabilis na hinablot ang isang unan sa sofa at saka bumalik. Nakita ko silang kapwa seryoso na sa pagkain.
Ngumiti ako ng nakakaloko at saka binato kay Sky ang hawak kong unan. Sinigurado ko naman na sa kanya lang tatama 'yon at hindi sa pagkain dahil siguradong mas lalo akong mayayari sa kapatid namin. Pagkatapos ay kumaripas na ako sa pagtakbo.
Shoot! Headshot!
"F*ck!" narinig ko pang mura niya.
Sakto namang paglabas ko ay may taxi na dumaan kaya agad ko 'yong pinara at dali daling sumakay. Mahirap na, baka sundan pa ako ng kulugo.
BINABASA MO ANG
Falling Game
Teen FictionHeaven Cyrill Fuentavilla set her parents to a fixed marriage with Miguel. But because she wants to emerge on that contract. She decided to play a game with Axel, a falling game. How does that simple play control her destiny? What will happen now? S...