Ilang araw na ang nagdaan at hindi na ulit kami nagkikitang dalawa ni Axel. Busy na rin kami para sa paghahanda sa intrams pati na rin sa pagpa-praktis ng mga gusto naming salihan. Mas mainam na rin 'yon dahil sa t'wing mababakante ang oras ko ay nag-o-overthink lang ako dahil sa mga sinabi niya no'ng gabing 'yon. Balak yatang sirain ng lalaking 'yon ang ulo ko!
Kasalukuyan akong nasa labas ng subdivision namin habang inaantay si Sky dahil ang sabi niya ihahatid niya ko! Late na ko unang araw na unang araw pa lang ng intrams! Nasa'n na ba kasi 'yon?!
Sobrang tuwa ko ng marinig ko na tumunog ang phone ko dahil sa pag-aakala na si Kuya na ang magaling ko ng kapatid ang tumatawag, pero hindi.
"Bakit?" iritadong tanong ko.
"Nasaan ka na ba, Heaven? Magsisimula na 'yong contest pero wala ka pa rin."
"Kasi naman ang tagal dumating ng kapatid ko. Kanina ko pa siya hinihintay pero wala pa rin siya hanggang ngayon."
Narinig ko siyang bumuntong hininga sa kabilang linya. "Mag taxi ka na lang."
"Mukhang imposible rin dahil wala akong makitang taxi!"
Bakit sa dinami-rami ng araw sa kalendaryo ngayon pa ako napiling tamaan ng kamalasan?
"Simulan mo ng maglakad."
"What?! Are you serious, Rizelle?" nagugulat kong tanong.
"Look, Heaven kung hindi ka gagawa ng paraan hindi ka aabot."
"You're not helping," aniko sabay baba ng phone ko. Napipika na nga ako lalo pa akong iniinis.
"Psst, psst," rinig kong sitsit sa likuran ko pero hindi ko iyon pinansin.
Lalo pa akong nainis ng kalabitin niya ako. "Ano ba?!" Laking gulat ko ng lingunin ko siya.
"Mukhang kailangan mo ng tulong?" nakangising usal niya habang nakasandal sa motor niya.
"No thanks," mabilis kong sagot.
Bahagyang nanlaki ang mata niya, at umawang ang labi niya na kunwaring nagulat dahil sa inasal ko. "Ako na nga 'tong nagmamagandang loob sa'yo." Siniringan niya ako.
"Pwede ba? Sa ibang araw ka na lang mang-inis, Axel!" pagsusungit ko sa kaniya.
"Nandito na nga ako para tulungan ka."
"Sinabi na ngang hindi na, 'di ba?" Matapos kong sabihin 'yon ay muling tumunog ang phone ko at laking tuwa ko ng makita ko na si Sky na ang tumatawag.
"Sky—"
"Ate! Hindi na kita mapupuntahan dahil may nangyaring urgent meeting para sa club namin ngayon."
"Promise babawi ako sa ibang araw, okay?"
"Pero paano na ako ngayon?" pagmamaktol ko.
"Mag taxi ka muna. Goodluck!"
Bumuntong hininga ako saka inis na ibinaba ang tawag.
"Tara na?" nakangiting sagot niya.
Pinaikot ko ang mga mata ko. "Ano pa nga bang magagawa ko?"
Paano niya nagagawa sa'kin 'to? Naapakan ang pride ko!
"Oh, isuot mo 'to at 'wag mo ng hintayin na ako pa magsuot niyan," pang-aasar niya pa.
Hinablot ko ang helmet na binigay niya at saka isinuot 'yon at sumakay sa motor niya.
"Humawak ka."
"Why?"
"Anong why? Baka mahulog ka at patayin ako ng kapatid mo pati ng kapatid ko," natatawang usal niya.
Napapikit ako ng mariin sa inis at saka humawak sa balikat niya.
BINABASA MO ANG
Falling Game
Teen FictionHeaven Cyrill Fuentavilla set her parents to a fixed marriage with Miguel. But because she wants to emerge on that contract. She decided to play a game with Axel, a falling game. How does that simple play control her destiny? What will happen now? S...