Nang dumating ang oras ng uwian namin ay napagpasyahan namin na 'wag munang umuwi kaya pinili naming dumiretso na lang muna sa Mall. Minsan na lang kami makalabas ng ganito dahil graduating students kami at hindi nawawalan ng trabaho ang student's council. Kaya kahit magkakaklase kami pero madalang kaming makumpletong tatlo.
Natigil kami sa paglalakad ng biglang tumunog ang cellphone ko kaya agad ko 'yong kinuha sa bulsa ng uniporme ko at saka sinagot. Sinenyasan ko sila Kate na mauna na at magkita na lang kami sa National Book Store. Do'n kasi madalas ang tambayan namin.
"Kuya, napatawag ka."
"Nasaan ka?"
"Nasa Mall, maya-maya pa ako makaka-uwi."
"I see, gusto mo bang sunduin na lang kita mamaya?"
"Ginagawa mo na naman akong bata, kuya."
Narinig ko siyang tumawa sa kabilang linya. "I just want to make sure that you can go home safely."
"Hindi ko naman perstaym na mag-drive, kuya. Ano ba 'yan," tugon ko.
Lalong lunakas ang tawa niya. "Fine, fine. Drive safely and don't be late."
"I will, Captain, you too."
"Ah, wait. I almost forgot that our parent wants to talk to you about your so called wedding," sarkastikong aniya.
Bumuntong hininga ako. "Kamo kung tungkol lang din do'n ang pag-uusapan namin, thanks but no thanks. Kung ano man ang naging sagot ko sa kanila noon mananatili 'yong gano'n."
Matunog siyang ngumiti. "That's my girl. Hardheaded," natatawa niyang sagot.
Pinaikot ko ang mga mata ko.
"Well, uhm...if that's the case, then I need to think a convenient excuse," pang-aasar niya pa.
"Magaling ka naman do'n. Kaya nga natatakasan mo palagi si Ate Eunice," nakangising aniko.
"Hey, that's not true."
Pikon.
"Kidding, Captain."
"Whatever, bye." Sabay baba niya ng tawag.
Lalo pang lumawak ang ngisi ko habang papunta ako sa NBS.
Nasa loob na ako ng NBS nang biglang may bumangga sa akin. Hindi ko siya napansin dahil kanina pa ako palinga-linga para hanapin si Riz at Kate.
"Heaven," nakangiti niyang sabi na parang ayos lang kami at parang hindi niya ako pinaghintay ng matagal.
Kita mo nga naman kapag talaga hindi mo hinahanap bigla-bigla na lang susulpot sa harap mo.
"About last time—" hindi ko na siya pinatapos pa sa pagsasalita.
"It's okay."
Hanggang ngayon hindi ko pa rin siya kayang tingnan na may kasamang iba. Bumabalik 'yong sakit na para bang paulit-ulit niya ng sinasampal sa'kin na wala na kami.
"Wait." Hinawakan niya ako sa braso ng akma na akong maglalakad palayo sa kanila. Dali-dali ko naman 'yong binawi.
"Are you okay?" nag-aalala niyang tanong.
Nagtaas ako ng kilay. So, ngayon biglang concern na siya sa'kin?
"Bakit naman hindi? May dahilan ba para hindi ako maging okay?"
Ayokong maging rude sa kanila pero sa t'wing nakikita ko talaga silang dalawa ay awtomatiko akong naasiwa.
"Gusto mo bang sumama sa amin na kumain? Para makabawi ako sa'yo."
BINABASA MO ANG
Falling Game
Teen FictionHeaven Cyrill Fuentavilla set her parents to a fixed marriage with Miguel. But because she wants to emerge on that contract. She decided to play a game with Axel, a falling game. How does that simple play control her destiny? What will happen now? S...