May mga natuwa at na-inspired dahil sa ginawa ko at meron namang mga nambash at minasama iyon.
Pero hindi naman ako naapektuhan sa mga sinasabi nila at lalong hindi rin naman ako natutuwa.
Napapikit ako sa inis. "Ngayon, lagot na talaga ako!"
Kailangan ko siyang maunahan umuwi!
"Mauuna na ako. Kailangan mauna akong umuwi para siguraduhin na hindi niya makikita 'yan."
Wala na akong sinayang na oras at agad na akong tumakbo.
"Ipagdadasal ka namin, Heaven!" narinig ko pang sigaw ni Kate pero hindi ko na 'yon pinansin.
Pagkauwi ko sa bahay ay wala naman akong naabutan. Kaya kasalukuyan na akong nakahiga habang iniisip ang samo't sari kong problema.
Napabuntong hininga na lang ako sa kawalan. Ito na lang yata gagawin ko palagi, ang bumuntong hininga.
"Ang lalim, ah." Napabalikwas ako sa pagkakahiga ng marinig ko 'yon.
Halos lumuwa ang mga mata ko sa gulat ng makita ko siya. "K-kuya."
"Oh, bakit parang nakakita ka ng multo?" saad niya pagkaupo sa kama ko.
Pilit akong tumawa dahil wala akong maisagot sa kanya. Alam niya na kaya 'yong kalokohang ginawa ko?
"Ayoko sanang abalahin ka pa dahil mukhang pagod ka. Pero mukhang nakalimutan mo na ngayon ang dating nila mama at papa."
"Oo nga pala. Nawala sa isip ko," bulong ko sa sarili.
Tumayo siya at saka humarap sa'kin. "May gaganaping dinner mamaya kasama ang future fiance mo kuno," aniya pa habang nakapamulsa.
Kunot noo ko siyang tiningnan. "Ayoko. Wala ako sa mood, kuya." Humiga ulit ako sa kama ko at saka nagtakip ng unan sa mukha.
Akala ko ba gagawa siya ng dahilan para mailusot ako? Tsk.
Humugot siya ng malalim na buntong hininga. "I know." Tumabi siya sa kinahihigaan ko at marahan na inalis ang unan sa mukha ko. "Pero 'wag mong hayaan na makita nilang ganiyan ka. Harapin mo ang lahat ng problema mo at ipinapangako ko sa'yo na magiging maayos ang lahat," nakangiti niyang saad saka ako hinalikan sa noo.
Tumayo siya mula sa pagkakahiga. "Babalikan kita mamaya para isabay ka sa baba kaya kumilos ka na at ayusin mo ang sarili mo." Naglakad na siya palabas ng kwarto ko.
Wala na akong nagawa kaya naman sinunod ko na lang ang sinabi niya.
Pinili kong suotin ang lavender cocktail dress ko na hanggang tuhod ang haba. Habang ang buhok ko naman ay ginawa ko lang na ponytail pero nag-iwan ako ng buhok sa magkabilang gilid at ikinulot 'yon. Sa mukha ko naman ay light make-up lang ang ginawa ko.
Matapos ng mga ritual na ginawa ko ay saktong pagbukas naman ng pinto ng kwarto ko.
Napamaang siya ng makita ako kaya mahina akong natawa.
"You look elegant," nakangisi niyang bati sa'kin.
"I know that, Captain," kumpiyansa kong sagot saka siya kinindatan.
Mahina siyang natawa. "Let's go?" Saka inilahad sa'kin ang kaniyang braso.
Nakasuot siya ng black suit na fitted naman sa kanya kaya mababakas ang matipuno nitong pangangatawan.
"You look so pretty," aniya habang nakakuyabit ako sa braso niya pababa ng hagdan.
"I know, right. Ilang beses mo ng sinasabi 'yan mula pa kanina pagpasok mo sa kwarto ko." Pareho kaming natawa.
BINABASA MO ANG
Falling Game
Teen FictionHeaven Cyrill Fuentavilla set her parents to a fixed marriage with Miguel. But because she wants to emerge on that contract. She decided to play a game with Axel, a falling game. How does that simple play control her destiny? What will happen now? S...