Kabanata 20

1 0 0
                                    

Kinabukasan nagmamadali na kong mag-ayos ng sarili ko dahil tanghali na kong nagising. Hindi ako tinamaan sa ininom namin kahapon pero tumatakbo naman sa utak ko kung anong mga nangyari at sinabi niya kahapon.

Pagbaba ko sa kusina ay naabutan ko ang sandamakmak na pagkain sa mesa at ang mas ikinagulat ko pa dahil may suot na apron si Sky. "Ayos, ah. Anong meron? May okasyon ba o may bisita?" pagtatanong ko habang umuupo ako sa counter katapat ni Sky.

"Tinuturuan ko lang naman kayong tumayo sa sarili n'yong mga paa lalo na kapag wala ako." Sabay tapik niya sa kamay ni Sky. "Ayusin mo hawak ng kutsilyo wala akong balak kumain ng adobo na may kasamang daliri."

"What do you mean? Babalik ka na sa pagiging kapitan?"

Nginitian niya lang ako. Ibig sabihin totoo?

"Dalawa naman na kayong nandito at hindi ka na mag-isa. Kailangan ko na lang siguraduhin na kaya n'yo talaga ng wala ko."

Kami na naman ang iniisip niya.

Matunog akong ngumiti. "Kaya ko naman gumawa ng gawaing bahay. Alam na alam mo 'yan, Kuya. Ewan ko lang sa isa riyan."

Ngumuso si Sky. "Hindi naman kasi ako ganito sa ibang bansa."

"Buhay mayaman ka kasi ro'n," sagot ko sa kanya kaya lalo siyang nalumbay.

"Bakit kasi kailangan sa ibang airline ka pa magtrabaho? Kayang kaya naman natin na magpatayo ng airline para ro'n ka na magtrabaho o kaya sa mga airline na suportado ng kumpanya natin. Para saan pa ang pera natin kung hindi mo naman gagamitin?"

"Heaven, hindi habang buhay ay aasa tayo sa mga magulang natin. Kailangan ay matuto rin tayong dumiskarte para sa sarili natin. Kaya kailangan n'yong matutong tumayo sa sarili n'yong mga paa."

"Nakatayo naman na ko sa sarili kong mga paa!" sagt ng magaling naming kapatid na ngayon ay umiiyak na dahil sa sibuyas na hinihiwa niya.

Binatukan siya ni Kuya. "'Ayusin mo 'yang ginagawa mo."

"Sus, ang sabihin mo gusto mo lang na magkasama kayo ni Ate Eunice."

Tiningnan niya ko sabay kibit balikat. "Isa na rin 'yon."

Grabeng ngiti naman 'yan sagad hanggang gilagid. Hindi niya manlang maitago alang ala sa mga kapatid niyang single at nag-mo-move on.

"Eh, ikaw? Bakit parang bihis na bihis ka yata? May bisita ka bang inaantay?"

"Baka manliligaw," panggagatong ng kapatid ko.

"Wala, may layas lang ako mamaya. Inaantay ko lang 'yong sundo ko."

Sakto namang may narinig kaming tatlong busina sa labas ng bahay.

"Speaking of the devil." Tumayo na ko at kinuha ang bag ko.

"Umuwi ka ng maaga!"

"Nyenyenye, ayusin mo pagluluto mo! Dito ako maghahapunan!"

Tiningnan ko muna kung sumunod sa'kin 'yong dalawang asungot kong kapatid bago ako sumakay sa likod ng sasakyan.

"Hello, Heaven!" masiglang bati niya sa'kin mula sa passenger seat.

"Rylie! Buti na lang at kasama ka sa biyahe may makakausap akong matino kahit papaano."

Mahina siyang natawa. "Si Axel ba hindi mo hahanapin?"

Tinaasan ko lang siya kilay kaya lalo siyang natawa. "Saan ba tayo pupunta?" pag-iiba ko ng usapan.

"Sa Bar."

Bar? Tanghaliang tapat tapos sa bar? Hindi na ko nagtangka pang magtanong dahil alam kong hindi naman siya magpapatalo.

Inikot ko ang paningin ko ng makarating na kami sa bar na ang pangalan ay Tala. Ang ganda ng ambiance at ang lakas din maka aesthetic ng place kaya naman hindi na ko magtataka kung bakit marami ng tao kahit pa tanghaling tapat pa lang. Ayain ko nga rin 'yong mga kulugo rito sa susunod para naman maiba 'yong atmosphere ng place namin.

"Akala ko ba double date? Bakit parang tatlo lang yata tayong nandito?" pagtatanong ko sa kanila pagkaupo namin sa napili naming table.

"Nag-iba na yata ihip ng hangin, ah? Hinahanap mo na ngayon ang kapatid ko?"

"Nami-miss mo na ba?" kinikilig pang panggagatong ni Rylie.

"Magkape kayo para kabahan naman kayo sa mga sinasabi n'yo."

Pareho naman silang natawa sa sinabi ko kaya tinaasan ko sila ng kilay pero hindi pa rin sila nagpatinag. Pinapunta lang ba nila ako rito para inisin?

Nahimasmasan lang sila sa pagtawa ng dumating na ang mga order namin. At dahil nga katanghaliang tapat pa lang naman, hindi hard drinks ang inorder namin.

"Antayin mo lang. Darating din 'yon," pagpaparinig pa ni Miguel kaya inirapan ko siya sabay inom sa baso ko.

"Dahan-dahan naman, Heaven. Baka hindi mo na abutan talaga si Axel niyan."

"Bakit ano ba iniinom natin, Riri? Kape?"

"Hayaan mo 'yan. Kahit ubusin niyang lahat ng inumin dito hindi malalasing 'yan."

Nagtaas noo ako dahil pakiramdam ko pinuri ako ro'n ni Miguel sabay inom ulit sa baso ko.

"Ngayon lang ako nakakita ng babaeng masiba sa inuman."

Namintig naman ang dalawang tenga ko dahil sa sinabi niyang 'yon dahilan para masamid ako!

Lahat ng dugo ko umakyat pati litid ko nagalit. Tinaasan ko siya ng kilay. "Hoy! Grabe ka!"

"Ewan ko ba kung anong klaseng atay ang meron ka. Tapos gusto pa nila ako ikasal sa babaeng mas malakas pa uminom kaysa sa'kin?" Humarap siya kay Rylie. "'Wag mo siyang tutularan, ha?" pagpapaalala niya na parang ang bad influence ko.

Natatawa namang tumango si Rylie.

Napamaang ako habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kanila. Sumandal ako sa kinauupuan ko habang nakahalukipkip. "Ibang klase. Sino bang naka-isip na dito tayo pumunta? Bakit parang bandang huli kasalanan ko pa?"

"Pero ikaw naman ang may choice kung anong klaseng drinks ang iinumin mo. Bakit si Rylie ko juice lang naman ang iniinom?"

"R-rylie mo? So, ano ko rito? Witness sa pagmamahalan n'yo?"

Ngumiti siya na sagad hanggang gilagid. "Napaka talino mo talaga. Akalain mo naisip mo 'yon?"

"Tantanan mo na nga si Heaven, Migs. Baka mag walk-out 'yan," natatawang banat pa ni Rylie.

"Nasa'n na ba kasi 'yong magaling mong kapatid? Sabi mo darating din 'yon? Kanina pa tayo nandito pero ni-anino niya hindi ko pa nakikita," pag-iiba ko ng usapan. Baka kasi hindi ko na lang mapigilan ang sarili ko at makapatay na ko.

"Kararating lang natin dito. Akala mo lang matagal na kasi may inaantay ka," nakangising sagot ni Miguel.

Talagang hindi ka magpapaawat, ah. Hintayin mo lang at makakalbo ka sa'kin ng wala sa oras.

"Saan ba kasi siya pumunta?"

"May sinundo lang sa airport."

"Sino naman, Riri?"

"Gf niya—"

"Gf?"

Nawala naman lahat ng emosyon na nararamdaman ko ngayon. May girlfriend siya? Bakit hindi niya sinabi? Bakit pumayag pa rin siya sa laro namin?


Falling GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon