Kabanata 19

5 0 0
                                    

"Sh*t!"

"T*ngin*?"

"Spg!"

'Yan ang mga reaksyon naming tatlo ng makarating kami sa sala habang si Sky ay diretso lang na nakatingin sa kanila at si Veniz naman ay gulat na gulat. Sino ba namang hindi magugulat?! Naabutan lang naman namin na nakapatong si Axel kay Tien habang walang pang itaas na damit ang dalawa!

"Ngayon, hindi na lang tayo ang nandito," saad ni Lin.

Para namang natauhan ang dalawa kaya agad silang tumayo. Kinuha ni Axel ang damit niya na hawak ni Tien at agad iyong isinuot.

"Bakit kayo nandito?" tanong samin ni Vincent.

"Ah, eh, k-kasi Kuya, p-pinapunta ko s-ila rito. Hindi ko naman alam na—" nauutal at natataranta na sagot ni Veniza.

Tinignan ko 'yong dalawang kulugo na nahuli naming magkapatong na ngayon ay sobrang pula na. Tsaka bakit ba siya nandito? Kahit nasaan talaga ako, nandoon din siya.

"May ginagawa pala kayo. Sige, Kuya ro'n na lang kami sa kwarto ko para matuloy n'yo na 'yang ginagawa n'yo."

"Veniza!" mariin na angil ni Vincent.

"B-bakit?"

"Nagbibiruan lang naman kami. Kung ano man 'y-yong n-nakita n'yo kanina h-hindi 'yon k-katulad ng iniisip n'yo," singit ni Axel

"Stop it, Axel~" biglang singit ni Tien habang nakatakip ang kanang kamay sa bibig niya at nakatakip sa didbdib niya ang kaliwa niyang kamay. Na para bang minumulestiya siya ni Axel kaya mabilis siyang binatukan nito. Hanggang sa nagbabardagulan na silang dalawa.

"Kaya rin pala parang hindi ka namin nakita kanina sa room ni Kate, Vincent. May iba pala kayong ginagawa rito," makabuluhang ani Riz.

"Nag-cutting ka?" Ang kaninang nahihiyang boses ni Veniza ay napalitan na ng pagiging masungit.

"Ha? Hindi. A-ano, nauna lang talaga kaming nakarating dito."

Tiningnan lang siya ng kapatid niya na parang hindi naniniwala sa nakakatandang kapatid.

"Oo, tama, tama," natatawang ani naman ni Matthew.

Oh, buhay pala 'to. Akala ko mannequin.

"Gano'n? Sige, Kuya akyat na kami—"

"Dito na lang. Kasi nagmo-movie marathon din naman kami." Pagpipigil sa'min ni Axel.

"Tama, tama, mas marami mas masaya!" banat pa ni Tien.

"Ah—" Nahihiyang tumawa si Veniza. "Pero mas maganda sana kung magdadamit ka na Kuya Tien."

"Oh, oo nga. Sorry," sagot nito habang sinamaan naman siya ng tingin ni Vincent.

Binato naman ni Lin ang damit ni Tien at saka mabilis na isinuot 'yon.

Hindi na sila naka school uniform? Parang ang bilis naman nilang makauwi kung hindi sila nag cutting. Mga kulugo talaga, magpapalusot na lang palyado pa.

Tumango si Vincent. "Ayusin n'yo na 'yong mga kalat n'yo."

"Maglaro na lang tayo!" irit ni Axel matapos nilang magligpit.

"Lagi ka namang naglalaro, Axel. Kaya ano bang bago kung maglalaro tayo?" natatawang sagot sa kaniya ni Tien.

"Alam ko na kung anong lalaruin natin!"

"Ano Veniz?" usisa sa kaniya ni Lin.

"Spin the bottle pero may thrill! Kung kanino tumutok 'yong ibabaw ng bote ay siya ang tatanungin kung truth or drink. Kung sino naman ang matapatan ng ilalim ng bote siya naman ang magtatanong. Kapag hindi nasagot ang tanong sa'kaniya. Iinom siya ng—" Kinuha niya ang beer na malapit sa kaniya.

Falling GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon