Kabanata 1

9.8K 276 16
                                    

Subin Lee

"Lee Subin! Ano ba iyan!?" Gulat na sigaw ni ate Jihye nung makauwi ako.

"Di naman siguro ganon katanga si aleng Manita para bigyan ka ng ganyan kalaking barya?" Namamanghang pinagmasdan ni Kuya Dojin ang perang nasa ibabaw ng mesa.

"Eh ate di ko po alam eh, napakabilis po kase ng pangyayari. Ngayon lang ako nagkamalay eh." Napakamot nalang ako sa batok.

Mismo ako, di talaga ako makapaniwala. Talagang mayaman ang babaeng nakita ko kanina at ayaw ko namang magsinungaling kila ate at kuya. May Plano sana akong isasauli ito pero di ko kilala yung tao kanina.

Malakas na buntong hininga ang pinakawalan ni ate. "Let's not use the money for now. It's pretty obvious na binigay nya talaga yan."

"Oo nga bunso, baka sign of gratitude lang yung pinapakita nila kase rare yung mga taong di ginagamitan ng advantage yung lasing lalo't maganda pa naman yun."

Tumango nalang ako. Alas nuebe na ng gabi at Sabado na bukas, nakahanda narin yung mga gamit ko para sa eskwela.

Di parin maalis alis yung babae sa isipan ko. I think mas matanda pa yun kesa sa akin kase base sa mukhang napakamatured.

"Bunso, ilagay mo muna yan sa cabinet at ilock mo." Turo ni ate sa pera.

"So di natin gagamitin?" Baling ni Kuya.

Aakmang hahawakan ni Kuya ang Pera pero agad namang tinapik ni ate ang kanyang kamay.

"Aray! Just let me touch it." Nakasimangot agad ito.

"Really 'Jin? You touched paper money before. Makaasta to na parang di binigyan ni Papa ng 10,000 won noong birthday nya. Pwe!"

"7 years ago na yun ah!"

Napatingin nalang ako sa perang nasa ibabaw ng kahoy naming mesa. Halatang bago kase kumikinang at matibay ito na parang kagagaling lang sa Bangko. Napakamot nalang ako sa ulo ko at binilang ulit.

30,000 nga. I can't help myself but to feel bad kase I never touched something this valuable before. Kahit 100 won sa Korea, di ko pa nahawakan kase natatakot ako. Feel ko parang ako na yung taong mayabang sa mundo, I don't know about it but I just feel it. I feel guilty sometimes at I feel bothered about it.

"Itago mo yan sa cabinet, Subin. At ilock mo, we'll use it for emergencies only. Kailangan nating magtipid kase di tayo mayaman." Tumango nalang kami ni Kuya.

Tumayo ako at Isa isang kinuha ang pera, pumunta ako sa itaas ng kwarto ko at isa Isa itong inilagay sa loob ng aking cabinet. Just like what my sister said, nilock ko ito at tinago ang susi sa ilalim ng kama ko.

Napahinto ako ng biglang bumukas ang pinto at iniluwal ang mukha ng kuya Dojin ko.

"Bunso, may lapis ka? At ruler? Pwede pahiram? Nawala kase yung akin."

"Dun' mo nalang kunin sa desk ko, Kuya."

Architecture student yung Kuya Dojin ko, magaling ito sa mathematics at sa pag guguhit kaya labis syang hinahangaan ng mga guro sa Unibersidad nyang pinapasukan.

Si ate Jihye naman ay may planong magiging business woman kaya Business ad yung pinili sya, magaling kase si ate sa entrepreneurship.

Habang ako ay pinapangarap kong maging Veterinarian kase mahilig ako sa mga hayop at interesado akong makapagtapos ng kursong ito, magaling din ako when it comes to memorization. Kaya dumaan muna ako sa science technology engineering and mathematics strand noong grade 11 pa ako hanggang grade 12.

Namalayan ko nalang na di pala naisara ni Kuya ang pinto ng kwarto ko kaya tumayo ako at isinara ito.

Tumingin ako sa salamin, naka black short at oversized t-shirt lang ako at naka slippers. Di mataas masyado ang mga buhok ko at malakas talaga yung bisexual vibes ko according to my elder siblings. Alam na nila kung ano ang sexuality ko at nirerespeto naman nila ito.

Kinuha ko ang kulay puting gitara ko na ineregalo ng mga magulang noong 18th birthday ko kaya inaalagaan ko ito ng maayos.

I started playing the guitar smoothly, I don't know how to sing pero I know how to play. Hinihintay ko pa yung taong handang maging singer sa bawat tugtog ng gitara ko. My fingers are moving on its own na para bang may sarili itong nga mundo.

Pinapatogtug ko ang instrumental version ng All of me by John Legend. Marami naring mga kanta ang sanay na akong patugtugin.

I stopped playing my guitar when someone called me through my cellphone. Agad ko itong kinuha at sinagot ang caller.

"Hello?" Tawag ko sa ibang linya.

"Uy bes, may sasabihin ako." Seryosong ani Teresa.

Teresa is my best friend simula nung' umuwi kami ng pinas at dito na naninirahan.

"Ano yun?"

"Cute ko."

Mahina akong napatawa. "Gaga, alam ko na yun."

"Huy koreana, di ako magpapatalo no? Kahit matangos yang ilong mo, makinis naman kilikili ko."

"Makinis din naman kilikili ko ah."

"Oo, yung tipong mas makinis pa kesa sa future ko."

"Maganda ka rin naman, Tes. Pure Filipina ang beauty eh."

"Pero bes ah? Tulungan mo akong makahanap ng afam in the future ah?"

Malakas akong napatawa sa biro ng best friend ko.

"What nationality do you want to have?" Biro ko pabalik.

"Yung taga Switzerland na pogi."

"Baka di ka papatulan ah?"

"Hoy! Bunganga neto' syempre maiinlab sa akin yun. Sa ganda kong ito, no one can resist my aura." Maarte nitong sambit sa linya.

Naramdaman kong pumasok si ate Jihye at Kuya Dojin sa kwarto ko at umupo sa kama malapit sa akin.

Mahilig talaga itong makichismis sa buhay ko.

"Oo na, you know I can't win against you naman. Baka taga Pilipinas lang yung significant other mo Tes'."

"Huy! Ayaw ko ng local! Gusto ko yung new face naman. Naiirita na ako sa pagmumukha ng mga kapitbahay ko, akala mo naman ang popogi eh mukha namang sea lion sa zoo." Anya.

Parehong lihim natawa kami ng mga kapatid ko.

"Eh how about sa Kuya Dojin ko? Pogi din naman yun, lahing koreano nga lang."

Siniko naman ako Kuya at hatalang nah eenjoy sa magiging reaksyon ni Teresa.

"Omg si Kuya Oppa?! Naku bes! Exempted yang kuya singkit mo."

Binigay ko ke kuya ang cellphone ko.

"Talaga ba, tes? Eh ligawan kaya kita?"

Napatawa nalang kami ng malakas kase biglang binaba ni Teresa ang tawag. Paniguradong nahihiya yun.





A/N: Reminder, babae po si Subin  Lee.

In Love With Her Thorns (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon