Kabanata 16

6.5K 229 30
                                    

Subin Lee


Parehong kaming naglalakad ni ma'am sa tabi ng dagat. It's already 4pm and di ko na nakita si Lyza. Di s'ya masisisi kase napaka venomous talaga ni ma'am.

Mas lalo akong namangha dahil gumanda lalo ang Siargiao Island. Napakatahimik, napakalinis at napakaganda ng tanawin. Ito yung lugar na gusto kong balik-balikan. Yung di mo talaga pagsasawaan. I saw ma'am Cassandra gently kicking the sea waves in my peripheral vision, she's so gorgeous in her red swimsuit, lahat ng sout n'ya ay babagay sa kanya. I realized that I'm 3 inches taller than her. Her hair is being tied as a ponytail, yellowish ang buhok at napakaganda ng kurba ng collarbone n'ya. I gulped.

Staring at her neck will only make me a pervert. Pakibuhosan nalang po ako ng holy water kung ganon.

"Subin," tawag n'ya. I don't know but it sounds so great when she always mentions my name.

"Ma'am?" I said giving her a glance.

Tinaasan n'ya ako ng kilay. "You're still gonna call me 'ma'am' after what happened lately?"

I awkwardly smiled back at her. "Sorry but it's just too informal calling your first name."

"Then let it be informal, I don't care and besides my name sounds better when you say it." She seriously said.

Kikiligin na sana ako pero baka mas lalo pa itong mainis.

"Kung makauwi ka na sa room n'yo, sanitize your hand immediately, wash it properly at trapohan mo ng maayos." Wika n'ya.

Tumango ako. "Yes po."

"And stop with the 'po' and 'ho' it's very.... whatever just stop it okay?" Inis na aniya.

I put my hands in the air as if I'm surrending. "Yes Cassy."

She nodded. "Good."

Gusto ko sanang tanungin s'ya tungkol sa paghalik n'ya sakin kahapon pero I feel like today is not the right time. So hihintayin ko na lang s'ya hangga't ready na kaming dalawa. I will only ask her if she's already comfortable with me talking about it.

"Ma'am?" Pang-basag ko sa katahimikan.

"Hm?" She shortly reply.

"Uhm...ano, are you perhaps gay?" Namumula kong tanong.

Patuloy parin kami sa paglalakbay, she's only an inch away from me.

"I don't know yet. Because I knew that I was born straight but I'm confused for now, maybe I'll get an answer soon." She replied in a monotone.

Tumango ako bilang sagot. I totally understand her like I've been there before realizing my true sexuality. Alam ko talaga na bading-ding ako. Kung ang ruler ay straight, pwes ako hinde.

Tila ba'y napakabagal ng oras sa mundo kase I feel like we've been walking for hours or baka araw na nga ang lumipas. But I did not regret a thing, kase I like it this way, yung mabagal.

It's very cringe because I've been feeling lots of butterfly in my stomach, di naman garden yung tiyan ko ah.

"Ma'am?" Tawag ko ulit.

"What is it?" Istriktang sagot n'ya.

Di pa nga nagsasalita, galit na agad.

"How rich are you?" I asked.

She gave me a single glance bago ibinalik ang paningin sa dagat.

"I also don't know how rich I am, all I know is I have money, cars, houses, lots, gyms, phone collection, shoes collection, Gucci collection and Dior collection." She said.

Now I regret asking her about her richness, basta mayaman siya at yun na yun.

"I have investments in China, Russia and Germany. Aside from that, I have clothing business here in the Philippines." Dagdag n'ya pa.

I nodded and smiled at her. She's cute when she's honest, she's always honest naman so she's always cute.

"You're so successful at your age." Ngiti ko.

Hindi sya sumagot.

Naging tahimik ang aming paglalakad hanggang sa narating na namin ang room ko. Kasama ko si Helen, Teresa at Luisa sa room 34 kase apat lang ang bed.

"We're here. Wash your hands after and please sanitize it every hour." Seryosong wika n'ya.

Tumawa ako ng mahina bago tumango. 

"Yes yes I will. Huhugasan ko ng maayos gamit ang safeguard 99.9 percent tanggal ang bacteria para makapaghinga ka na ng maayos." Sabay tawa ko.

"Hm, better be." She said rolling her eyes afterwards.









Bumungad ang mga mukha ng mga ferson pagpasok ko sa room.

Si Teresa ay deretsong nakatingin sa mga mata ko, seryosong seryoso ang facial expression nito. Si Helen naman ay katabi n'ya, naiilang sa kawirdoha nito. Habang si Luisa naman ay nasa sofa while looking at the aquarium full of different fishes.

"Singkit, alas kwatro na ng hapon. Saan ka nanggaling at bakit ngayon ka lang? Sino ang kasama mo? Mga pangalan nila? Ilan sila? Kinidnap kaba? Hinoldap ka ba? Taga saan ang nagholdap sayo? Taga illuminati? Taga dito? Taga ibang bansa? Sumagot ka." Mahabang tanong n'ya na ikinailing ko.

Sinapak s'ya ni Helen sa braso sabay irap. "Nagmumukha kang Lola n'ya pramis."

Nag peace sign naman si Teresa bago tumawa. I sit on the sofa before facing them.

"Singkit, kasama mo ba sugar mommy mo?" Tanong ni Teresa.

"Ano feeling magkasugar mommy?" Si Helen.

"Ang ganda-ganda ng mga isda guys. Hehe." Si Luisa na nasa aquarium parin ang atensyon.

Bumuntong hininga nalang ako. "Hinatid lang ako ni ma'am okay?"

"So nililigawan mo na sya?" Teresa and Helen asked in unison.

"Huy grabe, hinatid lang manligaw na?" Sagot ko.

"Bat' kayo ganyan mga koreana? Napakabagal n'yo sa romance! Kung ako sayo, liligawan ko na 'yang professor mo." Inirapan nalang ako ni Teresa.

"She's not yet ready, Tes." Sagot ko, nawalan na ako ng gana.

"Susssssssssss, kaya nga ligawan mo eh. Mas mahina ka pa sa snail pramis."

"Manahimik ka nga Teresa, hayaan mo 'yang si Subin. Di ka lang pinansin ni Ma'am Zoey kanina, nagkaganyan kana." Tinawanan sya ni Helen.

Sinamaan n'ya ng tingin si Helen bago nag crossed arms at sumimangot bago kami sinagot.

"Akala mo naman na Gold 'yang si ma'am Zoey eh nagkaheart broken lang tas' dinadamay pa ako." Aniya pa.

Pareho kaming natawa ni Helen.

We had fun talking sa kung ano-anong bagay. There is one thing for sure.

I will now make a move but at the same time ay hihintayan ko s'ya. Hanggang sa kaya ko, but if I ever feel tired, magpapahinga ako pero di ko sya titigilan.

In Love With Her Thorns (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon