Kabanata 4

6.9K 301 7
                                    

Subin Lee

Monday came and nandito ako sa hapagkainan kasama ang kambal. May pinag uusapan sila habang kasali naman ang buhay ko, tungkol ito sa nangyari kahapon at di pa sila makapag move sa letter na pinadala nung' sponsor ko.

"Bunso, what if isang matandang lalaki pala yung sponsor mo? Jusko, tas' baka magiging sugar daddy mo." Panira ng umaga ng kuya ko.

"Yuck, 'di pumapatol si bunso sa lalaki at Lalo na sa matanda! An dwaeyo!"

(Translation: No way!)

Umiling nalang ako at nagpatuloy sa pagkain. I have to meet her today at room 3, as much as I know room 3 is a private room for a guests sa tuwing bumibisita ito sa Unibersidad.

"Bunso, sabihin mo lang sa amin kung may manakit sayo nandito pa naman yung baril na binigay ni Lolo after ng mandatory military service ko." Oppa insisted.

Tumango si ate as an agreement. "I agree, my taekwondo lessons are still clear to me."

I shook my head. "No it's okay, I can protect myself."

"No bunso, you need a strong hand. It's your first time, we don't know what'll happen. You have to call us if necessary, ok?"

Tumango nalang ako, I couldn't win against them. I understand naman since they are protective of me since it's my first time.

"Oo nga pala Jihye, I heard something in the neighborhood. A rumor to be exact." Panimula ni Kuya habang nguya-nguya ang hotdog.

"Ano?"

"I heard that Seongha is courting you."

"I already rejected him."

"Grabe, di mo man lang binigyan ng second chance." Irap ng kuya ko.

"He's not my type. He may be Korean like us but I just don't like him." Ate replied with a boring expression.

The twins continued talking back to each other habang ako naman ay patuloy na pinagmasdan ang Oras. My first subject starts at 8:30 am pero it's still 7:23am. Nakabihis narin ako, I made sure na magiging maganda yung first impression ko sa sponsor ko and I will do anything to avoid getting her/him disappointed. Nasa Bahay pa ako pero I can feel myself getting all worked up, I can't sit still, alam kong kaya ko pero bakit kinakabahan ako?

Kinuha ko ang cellphone ko, bumungad naman ang ilang messages na galing kay Teresa.

From: Teresa prettyness
Beh, may nakita akong pogi sa palengke kanina.

From: Teresa prettyness
Omg beh! Kinausap nya ako!

From: Teresa prettyness
Susme beh! Beh! Ang sweet nya!

From: Teresa prettyness
Ay beh, pass ako sa pogi kase bakla pala. 🤦😠

Me:
Akala ko ba taga Switzerland yung sayo? Bat' napunta ka sa palengke?
Sent.

From: Teresa prettyness
Duh. Malamang nag gro-groceries.💁

Me:
May klase ka ba today?

From: Teresa prettyness
Oo beh, sayang malayo yung building mo pero okay at least maganda ako. Keri. 💅

Me:
I'm going to meet my sponsor na eh sa room 3. Samahan mo ako. Sige na. 🥺

From: Teresa prettyness
Sige sige. Pero sa labas lang ako ah. Ikwento mo nalang sa akin lahat after. 💁

Me:
Sige sige. Mamayang 8:00 am ko sya pupuntahan kase may subject ako sa 8:30.

From: Teresa prettyness
Sige. Let's meet at 7:50 para advance. Nakaligo na ako at ready ng umalis ng Pilipinas. Joke onleh.
   

Me:
Okay! ♥️






7:50am na at nasa labas na ako ng gate. Halos di maalis yung paningin ko sa mga malalaking gusali, it's very big and well organized. Halatang bilyones ang gastos sa pagpatayo ng ibat-ibang gusali for each courses. Complete narin yung grade levels pero mas malaki yung college buildings kumpara sa lower grades. May limang cafeteria ito at halatang pang mayaman. Maraming estudyanteng pumapasok sa gate.

Bago sila pumasok sa gate ay mapatingin sila sa akin, kase it's my first time so ngayon lang nila ako nakita. Whenever I feel them looking at me, I feel uncomfortable and uneasy.

"Bes! I'm here!"

Nakita ko ang maliit na imahe ni Teresa sa di kalayuan, I saw her with a group of friends, she's with two other girls but si Teresa yung pinakamatangkad.

Tumakbo ako palapit sa kanila. Puno ng pagkamangha ang mga mata ng mga kasama ni Teresa at agad namang lumapit sa akin sabay kurot sa mga pisnge ko. Aray!

"Omg! She's so pretty! So this is what Korean looks like up close!" Sigaw sabay tili nung isa.

"She's so tall sana all! Dugong koreana nga!"

"Dibaa?? Maganda yang bespren ko. Half Pinoy and half Korean. Kakalipat lang nila last year." Si Teresa.

"Oo nga pala, I am Helen Miles. Nice to finally meet you." She lend me her hand for a handshake at agad ko naman itong tinanggap.

"And I'm Maria Luisa Padilla, nakakatuwang makilala ka." Ani naman ng isa.

"I am Subin Lee." Sagot ko.

"Halina kayo, sasamahan pa natin ang koreana sa room 3." Hinila na ako ni Teresa at sya narin yung nag guide sa akin patungo sa room 3.





"Ano nga pala gagawin mo dun', Subin?" Tanong ni Luisa sa akin.

We are on our way sa room 3.

"I'm goin to meet my sponsor sa scholarship ko." Sagot ko naman.

"Oh, so you're a scholar? You must be pretty smart, Lee." Baling ni Helen.

"Di naman, average lang po yung level ng katalinohan ko." Sabay kamot ko sa batok.

"Naku, don't believe her. Scam yan, perfect nga nya yung scholarship examination test, kamag anak nya si Albert Einstein." Si Teresa sabay turo sa mukha ko.

Nahihiya nalang akong umiwas ng tingin. Palagi ko ng marinig ang mga klase klaseng puri pero until now nahihiya pa din ako. I can't bring myself to tell them that I am smart kase feel ko di naman ako ganon ka talino. Ayokong ipagmukha sa iba na may talino akong wala sa kanila because it's a bad manners and an insult. Ibat-ibang talento ang meron tayo and that's what gives us the right to respect and value each other's potential and capabilities when it comes to personal and intellectual growth.

"Oh, we are here na. Sige dito lang sa kami sa wooden bench maghihintay." Tinuro ni Teresa ang isang malinis at kulay pulang classroom.

Ang room 3 ay malayong malayo sa ibang mga gusali, as if this place is an isolation. Nakakamangha din ang mga magagandang bulaklak at punong nakapaligid nito.

"Sige, papasok na ako." Paalam ko sa Kasama bago napagpasyahang kumatok na sa kulay pulang pintuan.








"Come in."

Bago pa man ako tuluyang makapasok, alam ko na kung kanino galing yung malamig na boses.

It's her!

"I finally got to meet the girl who's been running in my mind these past few days, Lee Subin."

Tuluyan itong tumingin sa akin at ngumiti, a very dangerous smile leaving me breathless.

It's really her!

In Love With Her Thorns (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon