Kabanata 13

6.5K 212 14
                                    

Subin Lee

Napagpasyahan naming apat ang bumisita sa Mall para maghanap ng masosout para sa field trip, wala naman talaga sa plano ko ang bumili kase gusto ko lang talaga ang sumama sa kanila. It's so fun seeing different things inside, may Mall naman sa Korea at maganda din ito pero di ko palalampasin ang magkaroon ng experience Pilipinas hehe.

Nasa clothing area na kami at panay naman ang pulot ni Teresa sa kung-ano anong mga damit. Si Helen naman ay may kausap na isang saleslady habang si Luisa ay nakaupo sa sofa at natutuwang nanonood ng advertisements sa tv na nasa itaas. Lumapit ako kay Luisa at tumabi kase I'm just here to have an experience, but wala din naman akong sapat na pera para bumili ng damit, ang mahal mahal ng mga gamit kase halos Gucci, Prada, Dior sneakers at iba pa.

I don't belong here, it's too expensive and high class.

"Di ka bibili, 'Bin?" Binalingan ko ng tingin si Luisa.

I smiled and shook my head. "No, may damit naman ako sa bahay at sinamahan ko lang sila Teresa."

"You can buy naman kahit isa lang, my treat." Ngiti n'ya.

"Woi ano ka ba, okay lang ako. You don't have to do it naman eh." Nahihiyang tanggi ko.

Tumango naman s'ya. So this is the benefits of having rich friends?

Ilang minuto na rin ang nakalipas at malapit na dumating ang gabi. Maagang natapos ang klase namin kanina kase nagka emergency lang daw at may ilang subjects na di pumasok kase yun nga, may meeting kaya alas tres palang ay pwede na kaming umuwi pero we decided na pumunta muna sa mall para bumili ng gamit.

"Di talaga kayo bibili?" Ani Teresa na ngayo'y nakarating na.

"I have clothes sa mansion naman." Sagot ni Luisa.

"Okay lang na wala akong damit basta may mansion, chariz." Tawa ni Teresa. Kakatapos n'ya lang daw magbayad.

Lumapit naman sa amin si Helen habang may hawak-hawak na bags. Mukhang madami naman ang binili ni Helen halos damit at sunscreen lahat. It's nice to see that they are looking forward sa field trip, so I am too.

Tumayo ako at kinuha ang ilang bags sa kamay ni Helen. "Ako na, mukhang madami eh."

"No, you-"

"Let me do it okay? Wala naman akong dala eh. Just let me carry some these bags, di naman masyadong mabigat." Ngiti ko na ikinatigil n'ya.

Dahan dahan itong tumango at ngumiti pabalik. "Okay, in exchange I'll treat you a meal."

"Well, do I have a choice?" Tawa ko.

She shook her head. "I'm only accepting an answer and that should be a 'yes'."

I nodded while leaving a small laugh.

"Hello? Sana alam n'yo na nandito parin kami. Nakakaumay na kayo eh." Pumagitna si Teresa.

Pareho kaming natawa ni Helen habang nakasimangot naman ang mukha ni Teresa dahilan para matawa na din si Luisa.

----------------------------

Just like what Helen promised, she treat me with a meal. I already sent a message sa kambal na dito na ako kakain kasama sila Teresa. Nandito kami sa restaurant at nakaupo sa parehang table. The restaurant is so fancy at di ko alam kung anong klaseng pagkain ang inihain nila. All I know is expensive na naman ang mga 'toh.

"Ang unfair ng mundo, bakit si Subin lang ang may libre? Di n'yo ba ako mahal?" Pag-iinarte ni Teresa.

"Hindi." Agad namang sagot ni Helen at Luisa.

In Love With Her Thorns (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon