Kabanata 21

6.5K 207 12
                                    

Subin Lee

Isang week lang ang stay namin sa Siargao island and it's already Friday, last day na namin ngayon and uuwi na kami mamayang ala una since mahaba yung byahe. Kasama ko sila Teresa room habang nag-iimpake ng mga damit para mamaya.

"Mga dzai, I don't wanna go home yet! Ayoko ng mag-aral! Susungitan naman ako ni Ma'am Zoey sa classroom." Nakasimangot na wika ni Teresa.

Padabog itong humiga sa sofa at sumigaw habang nakatakip ang mukha sa unan.

"Huwag ka ng arte d'yan, mag-impake ka na nga, sus. Pagod na daw mag-aral tas' naka perfect sa exam ni ma'am. We? Pag sure ba?" Si Helen sabay ngiwi.

Kakatapos ko lang mag impake ng mga gamit ko and I admit, di ko pa gustong umuwi kase napakaganda ng Isla yung tipong mamimiss mo talaga. But we have to go home and may two days break pa naman kami since tomorrow is Saturday. Babalik na sa lunes ang klase.

Malapit na ang pasko kaya nagsisimula ng bumuhos ang malamig na simoy ng hangin. I remember na dalawang buwan na pala ang nakalipas simula nung' nag transfer ako sa Sulvan University and my experience is challenging but enjoyable at the same time. Graduating na din ang kambal kaya mas excited sila.

Maria Luisa came into the room habang karga-karga ang mini-aquarium tas' may ibat-ibang isda pa sa loob nito.

"Don't tell me...you're gonna bring that with you home?" Walang ganang tanong ni Teresa.

Agad namang nagliwanag ang mukha ni Luisa at masiglang tumango na parang bata. "Yes po, hehe. Magkokolekta ako ng fishes soon."

"What if it will die?" Tanong ni Helen. "Di naman masyadong malaki ang aquarium mo."

"I told Dad na magpapagawa ako ng 10 meter pool para sa mga future collection ng fishes ko hehe." Sagot nito.

Napabuga ng hangin si Teresa at mas lalong sumimangot. "Grabe, severe illness talaga yan sa mga mayayaman."

Tumango ako. I remember Cassandra, halos lahat ng gamit ay mamahalin at di basta-basta.

Hinintay pa namin si Helen na matapos sa pag impake kaya medyo natagalan kami. It's already 10 am and mamayang ala 1 pa ang byahe namin pabalik. I smiled at the thought that I get to experience field trip with my friends and also with my professor Cassandra.

"Mga pipols, may ilang hours pa tayong mag enjoy! Tara sulitin natin!" Sigaw ni Teresa sabay hila sa akin palabas ng room.

Agad namang bumungad ang mainit na araw ng Siargiao, pero bawing bawi Naman sa ganda ng dagat. Maraming mga estudyanteng naglalaro sa seaside at gumagawa pa ng sand castle ang iba. 

"Dun' tayo sa may maliit na kubo oh!" Inituro ni Teresa ang maliit na kubo na malapit sa seaside, may mga iilang bato naman ito sa gilid.

Pumunta kami sa direksyon na tinuro ni Teresa at umupo sa mga bakanteng chairs. Nasa harapan lang nito ang dagat kaya maganda tin ang view. Rinig na rinig ko ang bawat alon at pagsayaw ng nga dahon sa coconut trees. Napakagandang tanawin. Babalik ako dito soon when I can afford on my own na.

"Guys, let's play a game." Nakangising sabi ni Teresa.

Agad namin s'yang niligon.

"What kind of game?" Even Helen is giving an interest to it.

"Let's pla-"

Teresa's words were cut off when a sound of a microphone were heard followed by the sound of drums, guitars and piano.

Helen immediately stand up as if she remembered something. She gasps.

"Omg! Nakalimutan ko! May live band pala ngayon sa kabilang seaside! I totally forgot about it, yan ang pinag- uusapan ng mga tao ngayon!" Tumatalon-talon sa saya si Helen.

Teresa shakes her two shoulders. "Shuta mo talaga! Bat' nakalimutan mo, tara! Doon tayo!"

We ran our way through the other side of the sea, may malaking bato ang pumagitna kaya di agad namin ito nakita.

Bumungad ang open stage, may ibat-ibang instrumento ang nakalagay sa main stage. Marami naring mga studyante ang nakaabang, di naman masyadong mainit kase maraming coconut tress ang nakatabon para di kami masilayan sa init.

"Omg beh! Surprise daw yung vocalist for today's concert! Omg, sino kaayaaa." Tili ni Teresa.

"Stop asking me, surprise nga diba? Shuta ka, mars." Asik ni Helen.

Di naman ito pinansin ni Teresa at yumakap kay Luisa na ngayo'y excited na excited. Mahina na din akong natawa kase I see them adorable and cute. Tumatalon-talon pa sila sa saya at excitement. Napatingin ako sa stage and may mga tao or musicians nadin ang nakaposition. I can hear the loud voices coming from us, a fresh breeze went by and sumabay na din ang napakalas  na hiyaw ng mga tao.

I immediately cover my ears kase I know I'm sensitive to loud sound, that's why I don't use earphones or headphones that much kase my ears are super sensitive. Maybe you can call me, bingi.

"Ladies and Gentlemen! We will witness the birth of a new singer from Sulvan University!"

Our attention immediately went to the emcee when she talked. Isang napakalakas na hiyawan ang binitawan ng mga estudyante. Nakakabingi.


"She's a new rock singer and recently she was dumped by her own boyfriend," sambit ng emcee sa microphone.

"Awwwwwww..." We responds. Broken hearted?

"Meet the one and only, Zoey Allistair Sanchez!"

Laglag panga naming pinagmasdan si Ma'am Sanchez when she walked up to the stage. Naka black leather jacket, tight pants and boots are outfit nito.

Panay lunok ang ginawa ni Teresa habang nakatingin sa kay Ma'am  Sanchez. Binigyan naman ito ng malaking ngisi Helen Miles.

"Oh? Sure ka ba na straight ka pa? Ano? Hoy Delos Santos, umayos ka." Si Helen sabay sapak.

Binigyan naman s'ya ni Teresa ng isang napakamasamang tingin at sinapak.

"Shunga ka, manahimik ka nga dyan. Yang bunganga mo ha, didikitan ko yan ng duck tape."

"Uy, galaw galaw na Delos Santos! Brokenhearted oh!" Si Helen sabay turo kay ma'am sa stage.

Napatawa nalang kami ni Luisa sa kanilang dalawa.

"Gagi ka, baka magiging rebound lang ako, no way! I'm way better than that and I value myself, I deserve better!" Teresa replied rising her other eyebrow.

"Eh what if na si ma'am pala yung better? What is sya na talaga?" Sambit ni Helen.

Tumingin ako sa stage when Ma'am Zoey Allistair Sanchez started singing. I'm a little confused kase kulang sila ng isang drummer.
Mas lalong lumakas ang hiyawan sa mga studyante, I agree though, magaling nga kumanta si ma'am, bagay sila ni Teresa hehe kase mala Regine Velasquez din ang boses nun.

"MA'AM ZOEY! ZOEY! WAAA!"

Tili ng mga studyante habang tumatalon talon pa. All the students from Sulvan University are cheering her up.

Bigla nalang natahimik ang lahat when Ma'am Zoey stopped singing at ang emcee naman ang nagsalita.

"Now let us welcome another person on stage, the most admired drummer and graduated at Music school back in 2017!" Malakas na sigaw ng emcee.

Nagsimula na namang maghiyawan ang mga studyante, mas lalong lumakas pa yata to. I don't know why but my heart is drumming inside me by itself, it won't calm down! May magaganap ba na gyera sa music stage??



"Welcome to the stage, Miss Cassandra Lundy Belos!"






A/N: edi wow, cool yung jowa.

In Love With Her Thorns (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon