Bonus pt. 5

5.1K 140 23
                                    

Subin

The whole house is messy, the kitchen almost got burned because napabayaan ko ito habang nagluluto dahil natatae si Cotter. Kasalukuyan akong nag lilinis ng bahay ng biglang narinig ang malakas na boses ni Cotter mula sa sala. Dali- dali akong tumakbo at natagpuan s'yang umiiyak dahil inagawan ito ng laruan ni Calthryn na nakalabas ang dila.

Kulang na kulang na talaga ako sa tulog. Ako ang naiwan sa bahay kase may meeting sa University ang aking asawa kaya ako ang umako na bantayan ang kambal. Si Casper naman ay inihatid ni kuya sa preschool kaya ako at ang kambal ang naiwan sa bahay.

"Calth, please don't tease your twin brother okay?" Kinarga ko sa bisig ang dalawang bulilit.

I wiped my son's tears kase kanina pa ito umiiyak.

"Sorry, Dada." Paumanhin ni Calthryn sa akin.  "I like his toys more than mine, it's too girly."

I chuckled. Tumahimik narin ang anak kong lalaki na kambal.

"Pupunta tayo sa mall ngayon para bilhan kayo ng bagong laruan, kayo ang pipili." Ngiti ko.

The twins yelled in excitement.

"Pero dapat mag behave kayo para makapag-linis ako ng bahay okay? Then we'll go to the mall."

"Okay, Dada!" Calthryn high pitch voice echoed the whole house.

"Yes po, Momma." Mahinhin na wika ni Cotter.

Pagkatapos kong maglinis ng bahay ay pinaligoan ko ang kambal sa bathtub. Our moments in the bathtub took longer because we are having fun.

Nilagyan ni Calthryn ng shampoo ang buhok ni Cotter and she began forming his hair into random things such as sea waves, turning it into a monster hair and iba pa. Naaliw si Cotter habang nilalaro ng kambal ang buhok.

These twins are polar opposite to each other in terms of personalities nila. Mahinhin at tahimik na bulilit si Cotter habang madaldal at makulit naman si Calthryn. Cotter and Calthryn both have brownish hair na nakuha nila sa akin pero ang mga mata nila ay manang-mana sa asawa ko. Unlike Casper, ang buhok ng kambal ay hindi straight, Cotter is a curly haired boy while Calthryn's hair is wavey but not same as Cotter's na makulot which they both got this from my parents. Parehong kulay gatas ang balat, mansanas ang labi at magandang pilik mata. Nakakabighani ang panlabas na larawan dahil magaganda at gwapo ang mga anak ko which is they got it from me and my wife hehe!

"Momma, when is mama coming home?" Cotter asked while sitting on my lap, sinusoutan ko ito ng kulay blue ma medyas.

"She will be home this afternoon, baby. May inaasikaso lang sa work si Mama." I kissed his soft cheek which caused him to giggle.

"Dada, will you still love me if I will transform into a worm?" Calthryn randomly asked. Muntik akong mabilaukan.

"You will not turn into a worm, love. Baka kainin ka ng chicken sa labas." I tried scaring her and it works. Natakot ito.

"No! I don't want to be eaten Dada! I should be the one eating chicken because they are delicious especially when turned into fried chicken." She said.

"Aren't they pitiful?" Cotter mumbles. "They look cute, especially when having baby chicks, and you're just gonna eat them? That's cruel."

Maldita namang inikotan ng mata ni Calthryn ang kambal.

"They are made for being delicious in Jollibee." Maldita n'yang tugon.

Cotter got teary eyed and I immediately changed the atmosphere baka tuluyang umiyak ang anak kong lalaki. Kuhang-kuha talaga ni Calthryn ang pagka-maldita, sungit at istrikta sa mommy n'ya.


In Love With Her Thorns (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon