Subin Lee
(Edited, because of false information, I'm sorry. I'll look out some more.)
"Kinakabahan ako 'Tes, what if iba yung treatment nila sa akin? I mean, they are good people pero di ko maiwasang magkaroon ng anxiety." Sumbong sa best friend kong kasama ko ngayon.
Napagpasyahan naming lumabas saglit at bumili ng klase klaseng street food, medyo maingay ang barangay namin ngayon kase fiesta, lahat siguro ng mga kapitbahay namin ay naghahanda.
"Alam mo bes, kung binubully ka nila isumbong mo sa amin para aabangan namin sa kalye." Sabi nya at sumubo ng isang fishball.
Itinusok ko naman ang dalawang fishball sa stick at kinain ito. Pagkatapos ay kumuha naman ako ng kwekwek at isinawsaw sa suka na merong sili.
"'Bin, di lang naman ikaw ang may halong dugo sa Sulvan University, marami kaya, yung mga anak ng foreigner and mga politicians, yung mga bigatin bes'." Sagot nya naman.
Mahinhin akong tumango bago sinubo ang mainit na kwekwek sa bibig ko. Meron kasing mga major subjects yung kambal kaya naiwan akong mag isa sa bahay. Bukas narin akong magsisimula sa klase ko at di ko maiwasang kabahan, this is my first time studying in another country. Noon kase halos di ako lumabas ng apartment namin na tinutuluyan ng mga magulang ko.
Pagkatapos naming kumain ay inaya ako ni Teresa na dun muna tumambay sa bahay nila, simpleng namumuhay lang din si Teresa at tulad ko ay may katangkaran din ito, morena, maikli ang buhok at matangos ang ilong. Namamangha na talaga ako sa face features ng nga Pinoy, kase perfect yung eyebrows at pilik mata nila.
Mag fofourth year college nadin si Teresa sa kursong culinary arts. Mahilig itong magluto at halos pang professional talaga yung skills ng bespren ko, pero mas maaga pa syang nag enroll sa Unibersidad pero same day lang yung pasok namin which is tomorrow na.
"Wew, di na ako maglulunch busog na ako sa mga kinain natin." Aniya sabay higa sa wooden sofa nila habang yakap yakap ang unan.
Minsan kung wala yung kambal ay dito ako palaging tumatambay sa Bahay nila Teresa at dito narin ako kumakain pero tumutulong naman sa hugasing plato at mga gawaing bahay, mas malaki yung bahay nila Teresa kumpara sa amin kaya minsan matatagalan kaming matapos.
"Bin, ako yung mag huhugas ng pinggan ha? Nahihiya na ako sayo eh. Di naman kita ni-hire bilang dish washer ko."
Tumango naman ako atsaka mahinang natawa. "Sige, ikaw na."
Alas onse na rin kaya kumain na kami ni Teresa, sya narin yung nagluto kase mas magaling pa sya kesa sa akin when it comes sa kusina. Pagkatapos ay iniligpit na namin yung pinggan at just like what she said kanina ay sya narin yung naghugas ng pinggan.
Tumambay muna ako sa kusina habang inaabala ang sarili sa Cellphone. Chinecheck ko yung messenger ko baka nag chat yung kambal pero wala naman kaya tamang scroll scroll nalang sa Facebook.
"Ahhh!"
Napabalikwas ako ng upo dahil sa malakas na sigaw ni Teresa mula sa kusina. Agad naman akong tumayo at tumakbo palapit sa kanya.
"Tes! What happened!?" Nag-aalalang sigaw ko.
Nakita ko syang nakahawak ng puting Plato at kutsara. Ginamit nyang shield yung plato habang espada naman yung kutsara.
"May amigas! Susme, ang lakilaki at mapula! Bin, tulungan mo ako!" Agad naman syang nagtago sa likod ko.
Maikli akong napangiti kase ang liit liit nung mga langgam sa gilid ng sink tas' malaki syang tao. These little ants can't even swallow a single human finger.
"Pisain mo gamit yung tsinelas ni mama." Tinuro nya pa ang trsinelas ni Tita Tanya.
I shook my head and walk directly towards the sink where the little ants are.
"We shouldn't kill these ants, 'Tes. They have a special role in our environment and also sa human bodies natin. Thier ant bites can send a message to our brain para magkaroon ng maayos na circulation yung dugo natin." Pahayag ko. "But there's no scientific explanation and I think it's a false information too but I don't think we should still kill these ants. Just let them do thier work and aalis din sila."
Pagkatapos ng ilang minuto ay unti-unti ng nawala yung mga amigas.
"Grabe ka na Subin, ah. Dahil sa kabaitan mong 'yan, pwede mo ng palitan si San Pedro sa langit."
Iling na ani Teresa.Nag chat yung kambal na nakauwi na sila kaya agad naman akong nagpaalam ke' Teresa na umuwi na. Alas singko na ng hapon at unti until ng dumilim ang paligid.
Huminto ako sa gilid ng kalye at napatingin sa isang wooden na upuan.
"This is where I found her." Wala sa sariling usal ko.
Naalala ko yung babaeng halos di na kayang makatayo dahil sa kalasingan.
I am aware how beautiful Filipinos are pero I never thought na ganon kaganda ang iba. I can still remember her eyes, may kaonting pula sa loob nito which makes it more mesmerizing.
Her aura is very intimidating and heavy but somehow comforting to me. I am bothered with these unfamiliar feelings ever since I knew her existence. This is not good. She's nowhere to be found and alam kong malaki ang chance na di ko na sya makikita pa but why do I feel like she's near me lang? And I don't even know why I am feelings this way.
My thought interrupted when my phone rang. "Yes?"
"Bunso? Bilisan mong umuwi! Dali! May package ka!"
Di ko na sinagot si ate at nagmamadaling tinahak ang daan pauwi.
My heart is beating in every moment I get closer to the house. Napakalakas ng pintig nito na halos maubusan na ako ng hininga.
In less than a minute, I reached the house. I took my shoes off at nagmamadaling pumasok sa loob. Naabutan ko ang kambal na nakaupo sa upuan in the living room.
"What is it?" Hinihingal kong tanong.
Instead of answering me. May inilapag silang small package box sa harapan ko. Binuksan ko ito at laglag pangang pinagmasdan ang nasa loob.
Isang mamahaling silver na kwintas na may nakaukit na letrang 'C'.
Sa gilid nito ay may isang letter na may red color circle shape.
"Meet me at room 3 tomorrow, I am your scholarship sponsor and please wear that necklace I gave you.
-C
Sa likod ng letter ay may nakadikit na pulang Rosas with lots of spikey thorns sa stem nito.
My finger bleeds a little because of those thorns and....
Left me breathless.
Her thorns are very intimidating and dangerous.
BINABASA MO ANG
In Love With Her Thorns (GxG)
Romance(COMPLETED) A ruthless and cold hearted professor living in a prosperous life, Cassandra Lundy Belos, 27 years old woman teaching in Sulvan University who suddenly became a scholar sponsor of a korean transferee, Subin Lee which became the center of...